Ilang araw na ang lumipas simula noong naikwento saakin ni tita Vina tungkol sa papa ni Francis.Nagmakaawa saakin si tita na wag ko daw sasabihin kay Francis yung tungkol sa nalaman ko.Baka kung anong masama ang mangyari kung baka sakaling sa ibang tao niya malalaman ang totoo.Sabagay tama naman si tita pangit yung malaman ang totoo sa ibang tao lalo na kung hindi pa kilala mas masakit yun,biruin mo ibang tao na hindi naman kaano ano pero sila pa yung unang nakaalam kesa don sa taong kailangan talagang siya ang unang makaalam.Tama naman diba?
Kaya ngayon hindi ko siya pinapansin.Para saan pa?Baka madulas nalang ako at masabi ko sakanya lahat.Ok na yun kesa naman na hindi ako tumupad sa usapan namin ni tita.
"Anak next week na alis natin.Next month pasukan nyo na hindi ka pa nakaka enroll "Banggit ni mama habang inaayos ang mga ibang gamit na pwedeng dalhin sa US.Dadalhin na daw n,talagang doon na kami titira.Nakakaiyak man pero kailangang tanggapin yun ang itinadhana.Siguro para naman makapag move on na ako kay Christoni,para makalimutan ko na yung pagmamahal na nabuo ko para sakanya.
"Sige po ma.Puntahan ko lang po sila Emman"
"Sige lang anak.ingat ka"
Umalis na ako at nagsimula ng maglakad papunta kila Emman.Siguro hindi nalang ako sasakay ng tricyle,sayang lang ang pamasahe at saka mamimiss ko ang pilipinas,mamimiss ko yung mga taong laging nakangiti.Yung mga taong parang walang problema at isang lalaki na tanging nagpatibok ng puso ko.
Christoni.Hanggang ngayon ilang araw at buwan na ang nakakalipas pero hirap na hirap pa rin akong kalimutan ka.Maraming dahilan kung bakit ayaw kitang kalimutan,kahit pa na nakita ng dalawa kong mata na niloloko mo lang ako na lahat ng pangako mo na hinding hindi ka na babalik sakanya,yung pangako mo na sabay tayong tatanda na tayo lang hanggang sa huli.Sobrang sakit pa rin hindi ko makalimutan yung sobra mong effort para lang mapasaya ako,mga pagtatampo ko na nawawala agad.Kasi naman!Hindi kita matiis hindi ko matiis na baka kapag pinairal ang sariling paniniwala baka bigla ka nalang mawala at ayaw ko nun yung makikita ko na iba ang kasama mo,ayaw ko nun.Pero ano na ngayon?Ngayon na nakikita kong masaya ka sa isang babae na mas naunang nagpatibok ng puso mo na unang minahal mo at binigyan mo ng halaga.Hindi na ako yung babaeng binibigyan mo ng effort at lalong hindi na din ako ang babaeng mahal mo.Kasi may Joanne ka na,Joanne na kaya kang alagaan higit pa sa ginagawa ko.
Mayghad!Panibagong drama nanaman ako ayaw ko na,hindi ko na kaya.Mas ok na yung kalimutan na siya.Kung siya nakaya niyang kalimutan ako bakit ako?Dapat ako kaya ko yung tipong masaya din ako pero hindi na sakanya.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad,siguro kailangan ko lang daanan ang Park.Mamimiss ko din ang park lalo na sa fountain kung saan madalas kaming magkasama kung saan madalas kaming nagkikita at pinaparamdam kung gaano namin mahal ang isat isa.
ANO BA JAI!!!!TUMIGIL KA NA.ITATAK MO SA PUSO'T ISIPAN MO NA HINDI KA NA MAHAL NG TAONG LUBOS MONG MINAMAHAL..!!!!!!
May napansin akong lalaki na nakaupo sa fountain,I mean sa tabi ng fountain syempre may upuan don na madalas puntahan ng mga lovers na nagbebreak din naman.Mukang pamilyar sa akin yung likod ng lalaki.Nakita ko na to noon parang madalas ko tong tinitingnan..
"Francis"Bulong ko sa sarili ko.Hindi naman ako pwedeng magkamali na hindi siya yan.Halata sa damit na suot niya,iyan yung niregalo ko sakanya nung nakauwi ako.Madalas ko din siyang nakikitang suot yung damit,hindi na din siguro nilalabhan.O baka tinatamad lang.
Bigla siyang napatingin sa gawi ko,nakilala niya ata ako kaya agad niya akong nilapitan.Teka?Kailangan ko nga pala tong iwasan.Nagsimula na akong naglakad ng mabilis pero sadyang naabutan pa niya ako.
"Janica naman!Bakit mo ako iniiwasan?May nagawa ba ako?Simula nung hinatid kita pauwi sainyo hindi mo na ako kinausap,hindi ka na sa akin nagpakita."Seryoso lang siya habang kapit kapit niya pa rin ang braso ko.
BINABASA MO ANG
Its All About Love
Teen FictionAng buong mundo ay punong puno ng pag-ibig.Halos lahat ng tao meron nito.May taong may pagmamahal sa taong mahal nila,sa kaibigan,at pamilya.Mahalagang malaman na ang pag-ibig ay hindi lang sa iisang tao.We need to spread our love,we need to feel th...