CHAPTER 38

4 0 0
                                    

Janica's POV:

Time checked: 6:30 pm

Mamayang 8:00 alis na namin.Ewan ko kay mama kung bakit laging gabi kami bumabyahe.Siguro para makatulog kami habang bumabyahe para siguro naman hindi mahilo si mama,patawa lang.

"Ma,hindi na talaga tayo babalik dito?"Tanong ko kay mama habang kumakain ng hapunan.

"Depende naman anak sa okasyon,since nandito naman yung iba nating kamag anak siyempre uuwi din naman tayo para bumisita sa kanila.At ang lolo't lola mo,kailangan nating dalawin ang puntod nila bago tayo umalis"

Naalala ko yung lolo't lola ko,limang taon palang ako noong nawala na sila.Naniniwala ako na ang pagmamahalan nila ay hanggang dulo.Naalala ko pa noon na sunudan silang namatay at naalala ko pa yung sinabi ni lolo na "Naalala mo yung sinabi ko? Sabay nating lalakbayin ang daan hanggang sa sabay tayong makaabot hanggang dulo na sa puntong kukunin na tayo ng langit.At sabay ulit nating lalakbayin ang bagong daan na tatahakin habang magkasama tayo"Nung namatay ang lola ko ng gabing iyon,kinabukasan sumunod naman ang lolo ko.Para kay mama masakit dahil yung mga magulang niya nawala na pero naiintindihan niya naman daw yung nangyari.Sa panahong yun wala pa akong kaalam alam sa mundo kundi maglaro at maglaro.

Ng natapos ang kwentuhan ay isinaray ko na iyong kinainan namin.

"Anak naihanda mo na ba yung gamit mo?pagkatapos nating dumalaw sa puntod ng lola at lolo mo aalis na tayo ha."Tumango nalang ako at hinugasan na yung mga pinagkainan namin.

Kahit papaano,masaya ako sa kung anong meron ako ngayon.Yung kahit wala na akong Chris,na aalis na kami dito.Masaya parin ako,magsisimula kami at ako sa ibang bansa na wala ng sakit pamilya ko lang ang priority ko.

"Ma, Pa.Aalis na kami mamaya,gabayan mo po kami na ligtas na makapunta sa US"Nakaharap kami ni mama sa puntod ng lolo at lola ko.Matapos na magsalita ni mama ay umupo kami.

"Anak loadan mo ako,tawagan ko papa mo sasabihin ko pauwi na tayo"Binigyan ako ni mama ng pera tsaka umalis.

Pumunta ako sa pinakamalapit na tindahan para makapaload ako."Ate paload nga po"Di ako nakatingin kay ateng tindera at abala ako sa pagkutingting sa cellphone at hinanap na ang contact ni mama.

"Janica?"Napatingin ako dun sa tindera,bakit naman niya alam ang pangalan ko.

"Sophia?Kamusta na?"Medyo nag alangan ako na siya pala ang tindera dito.Naalala ko lang talaga yung mga nangyari noon.Sabihin ko kaya sa kanya na balik nalang siya kay Chris tutal isa rin naman niya yung nagustuhan.

"Ok lang naman ako,eto bumabantay sa tindahan ng tita ko.Ikaw?Musta ka?balita ko umalis ka para don na mag aral sa ibang bansa.Ok lang ba yun kay Chris na LDR kayo?"Halatang kilig na kilig siya sa lovestory namin.Kung alam niya lang talaga yung nangyari sa amin.Ako aminado kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko yung mga effort na ginagawa niya saakin,pero noon na yun.Ayaw ko na magpaiwan sa nakaraan na ako lang ang nasasaktan sa aming dalawa.

"Medyo marami na ding nangyari sa akin at sa amin"Matipid kong sagot sa kanya habang nireregister na niya yung number na ibinigay ko.

"Kaya nga e.Ang dami kayang nangyayari noong nawala ka.Madalas noon tulala si Chris,minsan naririnig ko na inaasar siya ng mga kaibigan niya,bumalik nga raw si Joanne tapos sabi niya lang na "Hayaan mo kung bumalik siya,deisyson niya yan.Gumawa ako ng desisyon na alam ko at yun ay mahalin ko si Janica,kung magpapakita siya sa akin, ipapakita ko naman sa kanya kung gaano ko kamahal ang mahal ko,na mas naniniwala ako that first love exist but true love always exist and Janica is the true love I have"Noong narinig ko nga iyon parang gusto ko rin ng Chris kase tingnan mo grabe ang loyalty niya sayo.Alam ko na hindi naman siya kagwapuhan pero may mga umaaligid sa kanya pero lahat ng iyon Janica hindi niya pinansin kasi pinanindigan na mahal na mahal ka niya.Stay strong sainyo ha."

Its All About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon