Janica's POV:
Ano nga ba ang feeling na paggising mo late ka na?Eto na pala feel ko na.Nagising ako sa lakas ng Alarm clock ko,malapit lapit ko na din yang mabato kung nagkataon,Pagtingin ko sa alarm clock ko,7:00 am na,di ko na inayos higaan ko at nagasikaso na agad.Pagkatapos ko agad na akong lumabas ng kwarto.Pero madilim pa at walang katao tao.Pati si Ate Jean wala padin.Inisa isa ko yung kwarto at lahat sila tulog pa.Anong kalokohan to?Bumalik ulet ako sa kwarto at tiningnan ko kung anong oras sa phone ko.Napahilamos nalang yung kamay ko sa muka ko dahil sa nakita ko.5:00 am palang ng umaga,wow lang may nantrip nanaman sakin.
Lumabas ako ulet.Nakita ako ni Ate Jean at nagulat na nauna pa ako sakanya"Ja ang aga mo naman magising,nakauniform ka na.San punta mo?"
Nginitian ko nalang "May isang pakeelamera na pumunta sa kwarto.Kaya ayan ang aga ko"Natawa sya bigla na nakilala nya agad kung sino tinutukoy ko.Ehh sino pa ba?Yung magaling ko lang naman nakapatid ang may gawa nanaman neto
Sumunod na lumabas sa kwarto sina mama at papa.Nagulat din sila na nakita nilang naka uniform na ako.Gusto ko pa sanang bumalik sa kwarto kasi dapat sa ganitong oras tulog pa ako"Anak anong meron?bat ang aga mo naman ata"at natawa pa silang dalawa.
Nakitawa nalang ako sakanila habang inaantay na maluto yung niluluto ni Ate Jean.Kung maaga naman kasi akong papasok panigurado uunahan ko pa yung guard na pumasok,mamaya ako na ang ipalit bilang guard diba?Panget yun mapupuyat ako.Buti nalang talaga maaga akong natulog kung hindi baka hihina hina ako mamaya sa school.At last lumabas na din sa kwarto yung napaka galing kong kapatid.Sinamaan ko agad sya ng tingin kahit di pa sya nakatingin sakin.Nang makita nya ako natawa sya bigla
"Ma si ate may ka date ang aga aga magising.Partida ma naka uniform na"Napailing nalang ako at pumunta na sa dinning area.Umupo na ako at dinalian ko na.Ayaw ko lang makasabay yung nakakainis na kapatid kong yun.Naunahan ko pa sila mama na kumain.
Nagpaalam na ako sakanila at lumabas na,this time di na ako sasabay sa kapatid ko.Paglabas ko may nakita akong lalaki sa tapat ng gate at nakaupo.Nagtaka naman ako bigla kasi parang hindi familiar sakin yung lalaking yun.Paglabas ko lumingon sya sakin at tumayo.Nagtaka ako bigla kung bakit sya andito,maga yung mata nya at nangingitim na yung eyebags nya.
"A-anong ginagawa mo dito?Bat ganyan kaitim yang eyebags mo"Ayaw ko sana syang kausapin pero nauuna ang pag-aalala ko sakanya.Francis ano nanaman ba ginagawa mo sa buhay mo?Kala ko hindi mo na gagawin yan ulet.Biglang bumalik sakin yung iiwasan ko sya na dapat hindi na kami magkaibigan dahil sa napaka lalim na dahilan.
"Ang aga mo naman yata ah"Sabi ko sakanya at nagsimula na akong maglakad,sumunod naman sya agad at sinabayan akong maglakad.Always naman akong naglalakad eh lapit lang ng bahay namin aa school.
Ang tahimik ng katabi ko.Ang lalim ng iniisip nya pero ewan ko kung bakit o ano na nangyayari dito.Wala mana din akong pakealam dito.And for sure wala na akong halaga sakanya.Kaya siguro wag nalang akong manghimasok sa buhay nya.Hanggang sa nakapunta na kaming school.Pero nagmadali ako agad kasi kung may makakita sakin na kasama ko to si Francis baka may magsumbong.Natatakot lang talaga ako.Inunahan ko na syang maglakad papasok sa school at hindi ko na sya inantay na magsalita.Tumakbo na ako papuntang room.Pagpasok ko andun na yung tropa ko pero sinalubong na ako ni Alexa
"Break na sila grabe,alam mo na ba yun?"Sabi sakin ni Alexa.Ano nanaman kaya pinagsasabi neto wala akong alam sa sinasabi nya.Sila Hanna at Emman lumapit na samin,si nanay mamaya pa yun aga ko kaya pumasok hehehe.
"Sino man sinasabi mo ha?"Tanong ko kay Alexa
"Aysows Janica nagtaka ka pa sa babaeng yan.Ehh lawak ng tenga nyan nakaka abot sa 3rd floor malamang sa malamang galing sa chismis yan"Sabi ni Hanna
BINABASA MO ANG
Its All About Love
Genç KurguAng buong mundo ay punong puno ng pag-ibig.Halos lahat ng tao meron nito.May taong may pagmamahal sa taong mahal nila,sa kaibigan,at pamilya.Mahalagang malaman na ang pag-ibig ay hindi lang sa iisang tao.We need to spread our love,we need to feel th...