CHAPTER 15

27 3 0
                                    

Christoni's POV:

Nakatanggap ako ng text galing sa kaibigan ko at ang sabi dapat na daw akong pumunta sa likod ng school dahil nandon daw yung girlfriend ko kuno.Sa ngayon wala na akong pakealam sa babaeng yon.Bigla akong naboringan sakanya,pareho lang kaming naglolokohan eh tatapusin ko nalang siguro ngayon mahalin ko muna yung sarili ko,baka don na sya bumalik.

Pumunta na ako sa likod ng school kung san andon si Sophia.Nakita ko sya agad dahil silang dalawa lang nung lalaki ang andon.Mahigpit ang pagkakayakap nya doon sa lalaki na para bang mahal na mahal nya yung lalaki.Tinitigan ko lang silang dalawa,medyo napatagal na at nakakaboring na silang tingnan.Nung kumalas na si Sophia sa pagkakayakap sa lalaki bigla nya akong nakita at naiyak.Iniwan nya yung lalaki at dali daling tumakbo sakin.

"M-mali yung nakita mo sorry"Sabi nya at niyakap ako.Hinayaan ko nalang kasi yun na yung huling yakap nya sakin.

Unti unti ko sya pinakawala sa pagkakayakap nya sakin"Tama na,makakahanap ka din ng taong totoong magmamahal sayo"Sabi ko at ginulo ko yung buhok nya at umalis na.Narinig ko na iyak pa sya ng iyak.Makakamove on din yan.Ako nga naka move on na agad ngayon sya pa kaya na parang kalandian lang ang ginawa.

Janica's POV:

"Kelan mo ba ako titigilan ah?Kanina ka pa nangiinis lumayo layo ka nga sakin"Bulyaw ko kay Lance.Hindi ka ba naman maiinis eh ngiti ng ngiti sakin na akala mo manyakis na may gagawin sakin o kaya hubad na ako sa utak nya.

Kanina pa ako lakad ng lakad dito sa buong campus taas baba lang ang tema ko ngayon.Eh sa ayaw kong makita yung dugyot,pero magaling ang dugyot kahit anong takbo,tago ko nahahanap at nahahanap ako.Di ako tinitigilan at ang magaling pa tulungan sila ng pinsan nyang unggoy.Perfect match eh potek nakakainis na.Pinagtutulungan ako

"Aba hindi naman kita inaano ah"Sabi naman nya sakin.Kakainis sila Alexa di ko man lang makita kita sila Emman ni anino di ko makita.Pinagtutulungan nila akong lahat uurrgghh!!!!

Tinalikuran ko sya at tumakbo.Hindi ko alam kung san na ako pwedeng pumunta nakita ko na pababa na din sya.Mas binilisan ko pa yung takbo ko tiningnan ko ulet sya pero biglang nawala.Tumakbo pa ako nakita ko yung sa likod ng school.Doon nalang ako,narinig ko na tinawag ako ni dugyot napapikit naman ako agad at tumakbo pa ng may ibibilis pa pero may nakabungguan ako kaya napaatras ako.Pagtingin ko si Chris nabungguan ko

"Uy sorry Chris nasaktan ka ba?"Tanong ko sakanya.

Nginitian nya naman ako at umiling iling lang.Feeling ko nasa paligid ko nalang ngayon si Lance uugghh!.ayaw ko na ng ganito"Chris san ba pwedeng magtago?"tanong ko sakanya

"Sino ba tinataguan mo?"Tanong nya

"Si Lance,ewan ko kung anong apilyedo pero Lance ang pangalan pinsan ni Fra-"Hindi ko natapos yung sinabi ko at bigla nya akong niyakap.

Ewan ko pero naramdaman ko yung muka nya umabot na sa balikat ko,eh sa tangkad nya eh hanggang ilong nya lang ako tapos nakaabot muka nya don sa balikat ko.Mahigpit ang pagkakayakap nya sakin, parang tumigil yung mundo ko,parang feeling ko wala na tong katapusan.Naramdaman ko na namumula na yung muka ko.Unting lumuwag ang pagkakayakap sakin,gusto ko sya yakapin ulet.Yayakapin ko sana sya ulet pero nagsalita sya

"Wala na umalis na"Pasimple lang syang ngumiti,uy kinikilig si kras sakin ahehehehe.Keleg nemen"Bat namumula ka ah?"Tanong nya tapos hinaplos nya yung pisngi ko,bahagya naman akong umatras at tumingin sakanya

"Ehh a-ano,ma-ainit.Hahahahha mainit eh saka takbo ako ng takbo kanina pa at kakatago sakanya"

Inakbayan naman nya ako bigla"Dito ka nalang sa tabi ko para kapag andyan nanaman sya mayayakap kita ulet"Sabi nya

Its All About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon