Konti palang na fofollow ko dito sa wattpad,Comment kayo para ma follow ko kayo para dami na me finafollow hehehehe
=====
Janica's POV:
Ang bilis lang ng panahon,pero buti nalang hindi sumasama ang kagandahan ko sa bilis ng panahon.Still maganda parin ako hehehe.Malapit ng matapos ang school year and next year Grade 9 students na kame Yey!!!
Medyo wala ng lesson kaya gala gala all the way kami dito sa loob ng campus,ano pa nga bang bago dun?Bawal naman lumabas sa campus eh masyado pa daw maaga baka gumala nanaman daw kami.Alam nyo ba na kaming Mariecris Colleges lang ang may estudyanteng laging gala.Ewan ko ba kung bakit ganun eh
Hinahanap ko si Chris pero di mahalagihap ng mga mata ko,asan kaya yun?Mas gusto ko syang kasama feeling ko kasi safe ako kapag kasama sya,lagi akong masaya kapag kasama sya,lahat ng problema ko nawawala kapag kasama sya.Parang napaka bilis lang kasi eh dati magkaibigan kami,matalik na magkaibigan,ngayon nililigawan na nya ako.May takot sa loob ko na baka isang araw mag break kami kung magiging kami man.Masasayang yung nabuo naming pagkakaibigan which is isa sa pinakamahirap buuin.
Marami kang makikila dyang pwede mong maging kaibigan,oo marami talaga as in pwede mo ng maging kaibigan ang mga tao sa paligid mo.Pero napaka hirap makahanap ng totoong kaibigan na sya lang makaka intindi sayo sa bawat pagkilos mo sa bawat ugali mo at sa mga pag asta mo,napaka hirap as in.Kaya kung kayang i-treasure ang pagkakaibigan na bauo,kailangan dapat dahil minsan nalang yung dadating sa buhay mo.
Nagpaalam lang ako kila Hanna na ma CR lang ako,kinikilig nanaman ako sa mga gwapong nakikita namin,pero loyal lang to kay Chris aba.
Pagpasok ko dun sa CR nakita ko si Sophia.Aba mukang ang bait na neto ah.Nakatingin sya sa salamin at nagpapaganda,hinayaan ko lang sya at umihi na,ihing ihi na kasi ako wala akong balak makipag usap sakanya lalo na sa CR na to,masyado delikado lalo na't kaming dalawa lang ang tao ngayon.
Deym!bat ba kapag ma CR ako laging walang tao and kung magkakaroon man laging malandi ang nakakasama ko.Malandi na ba ako sa lagay ngayon?Di naman diba?
Pumunta din ako sa tapat ng salamin at nag aayos ng buhok
"Ano bang meron sayo?"Pagmamataray nyang tanong sakin
Medyo naguluhan ako sa tanong nya sakin.Ano nga bang meron sakin?Simple lang naman ang meron sakin yun is yung kagandahan ko lang,hehehe mahangin na ba?Sorry naman kailangan puriin ang sarili kung di ka naman kayang puriin ng iba
"Ano nga bang meron sakin?"Painosente kong tanong,wag na kasi nyang sabihin na maganda ako ehh kese nemen eh..
Seryoso syang nakatingin sa repleksyon ko,punong puno ng galit sa mga mata nya ng tingnan ko din sya sa repleksyon nya.Medyo natakot ako sa mga tingin nya,ayaw ko ng mangyari yung nangyari sakin last year please lang ayaw ko na mangyari yun ulet.
"Ano bang meron sayo na wala ako?"Naiiyak na sya pero nangingibabaw parin sakanya yung galit nya sakin.
"Ano bang pinagsasabi mo?Hindi kita maintindihan?"Sa ngayon naguguluhan na talaga ako sa sinasabi nya,wala akong ka ide-ideya ngayon talaga pramis
Tumingin sya sakin at nakita kong may tumakas ng mga luha sa mga mata nya
"Eto lang naman yun Janica.Bakit ba lahat ng gusto ko napapapunta sayo?Tulad nalang ni Francis.Babalikan ko sana sya dahil hindi naman ako minahal ng totoo ni Chris"oppss!bat may Christoni na nadamay dito?"Niloko lang ako ni Chris,pagkatapos akong pasayahin iiwan nalang nya ako sa ere ng ganun ganun lang.In short,pinaglaruan lang ako ng hayop na yun,pero handa naman akong magbago para kay Francis.Pero anong ginawa mo ha!Nasayo na ang atensyon nya.Tapos ngayon si Chris kaya pala nakipag break sakin dahil sayong hayop ka!Ano ba talagang meron ka ng wala ako"
Nanlumo ako sa sinabi nya lalo na yung tungkol kay Chris.Ano pala ibig sabihin nun?Isa lang din ako sa mga paglalaruan nya.Pero hindi,hindi hindi.Hindi ganun si Chris hindi ganun ang pagkakakilala ko sakanya
"Ano!Bat hindi ka jan makapag salita ah?Kasi malandi ka!Hayop ka,napaka landi mo!"
"Wala akong alam sa mga pinag-sasabi mo.Ni hindi ko nga alam na naging kayo ni Chris eh,saka anong sinasabi mong naglalaro sya ng babae?Hindi ganun ang pagkakakilala ko sakanya.Hindi ganun si Chris"Naiiyak na din ako,natakot ako sa mga nalaman ko
"Ha,may proweba ka ba sa mga pinagsasabi mo?Ako meron,gusto mong maliwanagan?Tanungin mo ang bawat babae sa grade 8 kung sino ba yang Christoni Villasana.Isa lang ang sasabihin nila sayo "Play Boy" sya,minsan naman maririnig mo sakanila na "Naging ex ko yan" ngayon asan ang proweba mo?"
Nanghina ako sa mga nalaman ko,ano ba to?anong meaning ng mga nalalaman ko?
"Pinag tatanggol mo yung hayop na yun dahil nanliligaw sayo,tingnan natin Janica.Hindi pa ako tapos sayo.Tandaan mo yan"Pagkasabi nya pinunasan nya yung mga luha na saka lumabas ng CR habang ako napako dito sa kinatatayuan ko.
Eto nanaman ang pagbabanta nya sakin,hindi ko makaya yung mga nangyayari bakit nagbabanta nanaman sya?Lahat nalang ba ng mamahalin ko may nagbabadyang pagbabanta.Sumasakit ang puso ko.Hindi ko alam kung bakit may ganung nangyari.Chris naman!Asan ka,bat wala ka ngayon.Napakaraming nabuong tanong sa utak ko na gustong iputak sa pagmumuka mo.
Lance's POV:
Kanina ko pa hinahanap si Janica,nasabi sakin ni Alexa na pumasok sya.Pero hindi ko man lang mahanap hanap,sumakto naman na hindi pumasok si Chris kaya may pagkakataon ako na makausap si Janica.
Inaamin ko,may gusto ako sakanya,nagkakagusto ako at mas lumalalim pa to ngayon.Gusto kong umamin sakanya,actually first time kong gagawin to sa babae.
Napadaan ako sa CR ng babae,nakarinig ako ng babaeng umiiyak.Mag-isa lang siguro sya sa loob kaya sumilip nalang ako.
Laking gulat ko na si Janica yung umiiyak,hindi na ako nag alangan na lapitan sya.Wala akong pakealam kung CR to ng babae.Umiiyak si Janica,alangan naman na pabayaan ko nalang sya basta basta..
"Ano nangyari sayo?bat umiiyak ka?"Tanong ko sakanya habang sagana parin ang mga luhang lumalabas sa mga mata nya.Naaawa ako sakanya
Tumingin sya sakin at nginitian lang ako.Hindi na sya sumagot at lumabas na kaagad dito sa CR,hinabol ko sya agad at naabutan ko sya sa likod ng school.Nahawakan ko yung braso nya at agad na niyakap
Hindi naman tumatagal yung pagkakayakap ko sakanya dahil kumalas sya.
"Ano ba talagang problema?"Tanong ko
Tiningnan nanaman lang nya ako.Umiling iling nalang ako,umupo ako sa damuhan inaya ko din sya buti naman at sumunod sya.Iba sya ngayon,ibat iba ang side ng personality nya and I like it a lot :)
Pumikit sya at huminga ng malalim.Dinadamdam nya ang bawat hangin na tumatama sa muka nya.Ang sarap nya titigan,feeling ko tuom ko na lahat ng parte ng muka nya.
Alam ko kahit sa konting panahon na nakilala ko sya nahulog ako agad,as in.Iba,naiiba talaga sya
Hinawakan ko yung buhok nya at inipit sa tenga nya.Napatingin sya sakin at ngumiti lang,eto na siguro ang tamang oras para umamin
"Janica may tanong ako"Panimula ko
"Hhhmmm?"Habang nakapikit parin.
"Ano gagawin mo kapag nagustuhan ka nung kinaiinisan mo,anong gagawin mo?"Halata bang ako na yun?Hayaan nyo na
"Hhmm,ewan ko siguro ewan.Hehe"Malumanay nyang sabi sakin
"Pano pala kung ako yung nagkakagusto sayo ano na pala gagawin mo?"Nagulat sya at tiningnan ako bigla,pero tumawa din
"Kalokohan mong dugyot ka"Tumawa sya ng bahagya at pinunasan yung huling luha na tumakas sa mga mata nya "Pero salamat napatawa mo ako kahit papaano.Dugyot ka nga"
"Seryoso kasi Janica.Pano kung manligaw ako sayo?papayag ka?"
"Aba syempre hindi!!Kapal naman nyang dugyot mong muka na papayag ako?Enemy kita at hanggang dun lang.Salamat sa pagpapasaya sakin but no thanks"Na beastmode na ata sya.Tumayo na sya at iniwan ako.
First time na may gumanyan saking babae.Diba lahat ng first time kasama sya,sana sa lahat ng first time na gagawin ko kasama talaga sya
===
Mga bebe dont forget to vote hu!
*majai*
BINABASA MO ANG
Its All About Love
Teen FictionAng buong mundo ay punong puno ng pag-ibig.Halos lahat ng tao meron nito.May taong may pagmamahal sa taong mahal nila,sa kaibigan,at pamilya.Mahalagang malaman na ang pag-ibig ay hindi lang sa iisang tao.We need to spread our love,we need to feel th...