CHAPTER 12

10 3 0
                                    

Francis POV:

Nakita ko kanina si Janica pero iniwasan lang ko.Akala ko pa naman ok na kaming dalawa.Akala ko balik na kami sa dati simula kahapon.Isang malaking AKALA nanaman po tayo dito.Pagpasok nya sa school sinundan ko agad sya,ilang beses ko syang tinawag pero wa epek di sya lumilingon sakin.Imposible naman kung di nya ako naririnig kasi yung mas malayo sakanya naririnig boses ko napapatingin pa sakin.

Naramdaman kong parang may nahulog sa bag ko.Pagtingin ko sa baba nakita ko yung ballpen ko.Hanep ballpen ko napapagalang masyado naalis na sa bag ko.Pagkakuha ko hinanap ko agad si Janica pero wala na, bigla syang nawala sa mga paningin ko.Di pwede to kailangan ko syang makausap para man lang matanong ko sya kung bakit nya ako iniiwasan.Hanggang sa nahirapan na ako kakalinga tumingin na ako sa room nila pero wala.Hay buhay pumunta nalang ako sa room pero unti palang ang tao.Lumapit ako sa tropa ko

"Anong meron?bat walang teacher diba time na?"Tanong ko sakanila at umupo sa katabi ni Carl.

Walang sumasagot sakin lahat sila busy sa kani-kanilang cellphone.Pinalo ko yung arm chair para makagawa ako ng tunog na magpapadistract sakanila.At hindi ako nagkamali pati iba naming kaklase napatingin na din sakin

"Ang sabe ko bat gantong oras wala paring teacher?"Pabulong kong sabi sa mga barkada ko

"Ay ano ba yan Francis panira ka naman naglalaro kami ng color switch eh talo tuloy ako"sabi sakin ni Ronald na inis na inis sakin

"Alam mo bang may pustahan kami dito?"Sabi naman ni Tpen

"Para kasing tanga pataasan kami eh"Sabi naman ni Carl

"Palibhasa sayo hindi ka nito naglalaro"Bulyaw sakin ni Gil.Lahat sila inis na inis sakin.

"Ay ang babaw nyo,uso umulit"Sabi ko naman sakanila.Parang tanga talaga tropa ko.Hindi talaga to pagkakamalang grade 9 na,siguro kung pagbabasehan sa mga attitude nila pagkakamalang ko silang Freshmen dito sa MC

"Sanay ka kasing umulit at hindi man lang pinapahalagahan ang mga nasayang"Sabi sakin ni Tpen.Lalim ng hugot may pinanggalingan ata.

"Wala naman daw kasing lesson sabi samin kanina kaya yung iba nasa labas lang.Foundation day na bukas busy ang lahat ngayon"Sabi sakin ni Carl.

"Ah sige dapat pala di na ako pumasok"Nagparinig ako sakanila.Minsan kasi kapag sasabihin ko yun hindi sila papayag gusto nila laging buo ang barkada kapag absent ang isa absent na din ang lahat.

Pero WOW lang wala saking pumigil.Tiningnan ko sila,kaya naman pala wala ng imikan at nagsilaro sila ulet ng tinatawag nilang color switch.Hinayaan ko nalang at baka ginawa ko nanaman yung kanina mainis nanaman sila sakin baka di na nila ako pansinin.

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko.Kinuha ko mula sa bag at tiningnan ko kung sino nag text

Fr:0946047****

Ok na yung pagtitripan ka ng kapatid mo kesa sa makita mo yung taong ayaw mo ng makita habang buhay.

Hello JGL palang tara text tayo

~~gm

Kinabahan ako bigla.Nagtext si Sophia sakin.Ano pwedeng ireplay ko dito?Magmamakaawa ba ako na bumalik sya ulet sakin?Shet!Hindi na pwede at hindi ko na gagawin ang bagay na yan.Hindi ko sya nireplayan hinayaan ko lang.Bago ko pa ilagay sa bulsa ko yung phone ko nag vibrate sya ulet.Tiningnan ko kung sino ang nag text.Mas kinabahan ako kasi sya nanaman ang nagtext,sana ang laman nung message na yun na magmamakaawa sya na bumalik ako sakanya.Ano pa nga bang gagawin ko?syempre tataggapin ko sya ulet.Tiningnan ko yung inbox

Its All About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon