CHAPTER 6

28 3 0
                                    

Janica's POV

Nasa langit na ba ako ngayon?Feeling ko kasi oo eh.Feeling ko naglalakad ako sa mga ulap.Fresh na fresh pa talaga yung naganap na "Date"namin ni Chris,sana lagi ko nalang ka date si Chris.Wala na talagang papantay sa pagmamahal ko kay Chris.Ewan ko kung bakit lumalalim na yung nararamdaman ko kay Christoni eh.Hindi ko maintindihan kung bakit ba ako naiinlove sakanya.

Papalapit na ako sa school ng may naramdaman ako na parang may natapakan ako.Pagtingin ko sa sapatos ko ang daming tae.Shete bente otcho yan!Damn!Kaya pala feeling ko nasa langit ako habang naglalakad at ang dami ko ng tae na natapakan.Hindi ba marunong maglinis ang mga tao dito at ang mga tae ng sari-sarili nila ehhh hindi nila malinis linis?Humanap ako ng lupa para kuskusan ng tae na natapakan ko.Shet yan ang baho!!!

Ng natanggal ko yung tae sa sapatos ko naglakad ako ulet.Buti maaga akong umalis ng bahay,ayaw ko kasi na malelate ako.

Naramdaman ko sa likod ko na parang may pahintong sasakyan.Bigla namang kumunot ang muka ko ng makita ko kung sino ang may ari nung kotse

Lumabas sya at nginitian ako "Sabay tayo"sinimangutan ko lang sya at naglakad ulet.Ok na sakin yung makatapak ako ng tae,wag lang akong makakita ng gwapong mukang unggoy na makakaharap ko.Kasi imbis na masaya na yung araw ko,bigla nalang nyang sisirain na parang vase na kapag may nangialam mababasag at masisira.Parang ganun na ganun ang feeling ko kapag nakikita ko ang pagmumuka nya

Lumakad nalang ako ulet,medyo malapit na yung school tapos sasabay pa ako.Biglang may humawak sa braso ko at iniharap ako sakanya"Ano ba Francis,hindi kita pinapakealaman ah!"Bulyaw ko sakanya.Bigla naman syang napatahimik ang nagseryoso ang muka.Parang may gusto syang sabihin pero hindi nya magawa.Ang daming emosyon ang nababalot sakanya ngayon.Nababasa ko mismo sa mga mata nya.

"Gusto ko lang na sumabay ka sakin papuntang school.Yun lang"Malumanay nyang sabi sakin.Hundi ko alam sa sarili ko na parang napaamo ako sakanya.Parang yung galit ko sakanya medyo nabawasan at nawala.Hindi nalang ako nag aalam nasa loob na ako ng kotse at umaandar na.Nagising ako sa realidad na galit nanaman ulit sakanya.Kaya ang ginawa ko isinuksok ko ang sarili ko dun sa salamin.

Hmmm.Impernes ang mas lalong bumango tong sasakyan nya.Siguro ang baho ko nung unang sakay ko dito at basa ako.At nakatulog pa.Shet,nakakahiya pala noh?Nakatulog ako dito sa kotse nya tapos non nakagising nalang ako nasa condo na nya ako.Gusto ko ulet makapunta don sa condo nya tapos dadalhan ko na sya ng foods.Ay laos na pala yung pagdala ng foods sa condo,shut up nalang ako.Ay laos na din yun.kakanta nalang ako.Hehehe.

Yokai,Yokai,Yokai! Yokai Watch

Napansin kong nakatingin lang sya sakin.Kaya umisog pa ako ng umisog hanggang sa dumikit na katawan ko sa pinto.Wag sana tong bumukas nakakahiya.Mahuhulog ako dito ng wala sa oras.

Paghinto sa tapat ng school agad na akong bumaba at nagpasalamat dun sa driver ni gwapong unggoy.Na explain ko na ba kung bakit ganun tawag ko sakanya?Hindi ko alam kung na explain ko na sa nakaraang chapter ehh.Pero ieexplain ko parin.Kaya ganun ang tawag ko sakanya kasi sya yung nakilala kong pinakagwapong unggoy na nakilala ko.Yung pagkakahulma nya tamang tama lang sa pagkahulma ng mga tao.Swerte nya kasi pinag bigyan sya ni God na half half sya.Half unggoy and half tao.

Natapos ang maghapon ko sa school na matamlay.Ang sakit kasi na walang time yung mahalaga sayo na kaibigan lang naman ang tingin nya.Papauwi na ako pero sadyang inaasar ako ng tadhana.Nakita ko si Chris na may kasamang ibang babae na masayang nag kekwentuhan.Hindi ko kilala yung babae kasi nakatalikod sya sakin.Gusto kong sabunutan yung babae at sampal sampalin dahil sa paglalandi nya kay Chris may papalo palo pa syang nalalaman.Ehh kung ihampas ko sayo tong bag na dala ko para maramdaman mo din yung hampas ng babaeng nagseselos at nasasaktan.Gusto kong sapatusin yung babae sa kalandian.Kung pwede lang na lapitan ko sila at sasabihan ko yung babae na layuan nya si Chris,pero Haller Janica. . .Wala kami ni Chris,tanging pagkakaibigan lang ang pinaghahawakan ko sakanya.

Its All About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon