CHAPTER 33

6 0 0
                                    

Janica's POV:

Minsan pa choosy talaga si Francis ang sabi nya mag uusap kami at pumayag naman ako,tapos malalaman ko na gusto nya talaga sa bahay nila.Ay aba naman.Pero hinayaan ko nalang din,nag aya naman si Tita Vina na pumunta ako sa bahay nila bago man lang ako umalis ay makita nya ako.

"Janica anak nandiyan ka na pala,halika pasok ka may hinanda akong pagkain para sayo"Excited na salubong saakin ni Tita Vina

"Ay sige po Tita salamat po"Sabay na kaming pumasok sa bahay nila

Medyo malaki na din ang pinagbago nitong bahay nila,mas maayos na ngayon pero napansin ko kay tita Vina parang namayat.Mas maitim na yung mga mata niya parang lumubog na.Medyo naawa ako sakanya ang laking pagtataka ko lang na kung bakit isa lang naman ang itinataguyod nya tapos parang sobra yung pagod nya

"Nasaan po si Francis?"Tanong ko kay tita habang hinahainan na nya ako ng pagkain

"Nandon sa palengke nag prisinta syang mamalengke ngayon"

Akala ko puro kabalbalan lang ang alam nung unggoy na yun,ngayon ko lang nalaman na may pagkamatino pala sya lalo na kapag nandito siya sa bahay nila.

"Alam mo yang anak kong yan sobrang laking tulong nyan saakin.Talagang sobrang laki,nagpapasalamat nga ako na kahit na broken family kami nagawa nya parin akong pasayahin at ipaalala saakin na lagi lang syang nandiyan para saakin"

"Ang swerte mo naman po pala tita sa anak mo"

"Maswerte talaga anak lalo na kung ikaw ang magiging nobya ng anak ko mas lalo pa akong matutuwa"

Nagtaka lang ako sa sinabi ni tita pero tumawa lang ako ng mahinhin"Ano naman po yang sinasabi mo tita di ko po kayo naiinindihan"Napakamot pa ako sa ulo para naman alam nya na talagang naguguluhan ako sa mga sinasabi nya

"Hindi mo ba alam hija?"

Medyo kumamot ako ulet sa ulo at tinanong sya "Ang alin po yun tita naguguluhan po ako sa sinasabi mo"

Tumawa ng bahagya si tita at saka nagsalita "Yung anak ko kasi--"

"Ma!Ano nanaman yan" Nagulat ako sa biglang pag ingay ni Francis

"Anak andyan ka na pala" Masayang bati ni Tita kay Francis

"Wag kang maniwala sa mga sinabi nyan ni mama sayo,niloloko ka nyan"Natawa ako sa sinabi nya.Parang barkadahan lang turingan nila

Panay lang ang tawanan namin na kung saan saan na napunta ang usapan namin,pero madalas napapapunta ang usapan kay Francis at sya lang ang bukod tanging lalaki dito sa bahay nila.Tinext ko na rin si mama na dito na ako sa bahay nila maghahapunan.Hindi ako makatanggi kay tita.Wala daw syang makausap ngayon

Matapos ang hapunan ay umalis si Francis at may pupuntahan raw sya,pumayag naman agad si tita kaya kaming dalawa nalang ang natira dito

"Ah tita maya maya po aalis na din ako hindi po ako pwede umuwi ng late"

"Ipapahatid nalang kita kay Francis"

"Itetext ko nalang po si mama"

"Ako nalang para hindi ka na pagalitan ni Anna"

Halata sa mata ni tita na parang may gusto syang ikwento saakin,yung mga mata nya mukang naiiyak na parang gusto ng ilabas ang sama ng loob niya sa akin,wag lang sana nya akong pagalitan.

"Kilala mo ba naging ama ni Francis?"Seryoso nyang tanong.Napaisip ako,noon may nabanggit na din saakin si Francis tungkol sa papa niya pero hindi ko lahat alam kung bakit nadisgrasya ang papa niya.Ang alam ko lang na namatay siya at hindi nya alam kung saan nakalibing.

Its All About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon