CHAPTER 9

17 3 0
                                    

Janica's POV:

Basta darating ang sabado expected ko ng dadating dito si Alexa para lang tumambay dito.Kaya eto ako lilinis nanaman ako ng kwarto,wala tamad lang ako maglinis ng kwarto.Kapag kasi di ko nilinis to ang dami nanamang babaguhin dito ni Alexa once na maglilinis sya dito sa kwarto ko.Minsan isang beses hindi ko alam na andito pala sya sa kwarto ko,nilinis nya talaga as in wala kang duming makikita.Pero lahat naman ng tinatago ko napapunta sa basurahan.Kesyo wala na daw silbi yun.

Palabas na ako ng kwarto ko ng biglang pumasok si Alexa na parang wala syang taong nabunggo.Humiga na rin agad sya sa higaan ko."Baet bihis ka na gagala tayo"

Iba rin talaga ang tama nitong kaibigan ko.Minsan naisip ko kung bakit ko pa to nakilala,bakit pa kami non nag usap eh samantalang unang pagkikita namin nyan nag away agad kami.Ang tatag noh?Ang tindi ng unang meet naming dalawa.

Pumunta na ako sa CR para makapalit ng damit.Paglabas ko ng CR nakita ko si Alexa na ang himbing na ng tulog.Gagala ba talaga kami neto?o tatambay dito sa bahay para matulog.Ginising ko nalang sya para makagala na kami.Nakakabagot din naman kasi eh.

"Alexa uy gising na"niyuyugyog ko na yung balikat nya para magising sya pero ayaw nya talaga magising.Panigurado puyat to kakapanood ng lovestory,syempre gusto nya mangyari lahat yung mga pinapanood nya.Masyado syang mapili sa lalaki,ay ewan ko sakanya kung ano ba talaga ang ideal guy nya.Ginising ko nalang sya ulet

"Baet uy gising yung crush mo andito"Sabi ko.Bigla syang tumayo pero nakapikit pa yung mata nya at dire-deretsong lumabas sa kwarto ko.Pagtingin nya wala kaya pumasok ulet

"Baet naman ehhh hindi naman alam ng crush ko yung bahay nyo.Bahay ko lang ano ba"sunod sunod nyang sabi at nagdabog pa.

Nagulat naman ako sa sinabi nya"So nakapunta na pala crush mo sa bahay nyo?Sino pala crush mo?Bat di ko alam?Di ka na nagkekwento ehhh"Tas nag pout ako.Napailing nalang si Alexa at hinila na ako palabas ng bahay."Teka hindi pa ako nakakapagpaalam kila ate Jean eh"

Hindi nya ako inintindi at dumiretso lang ng pagtakbo hawak hawak yung braso ko.Oo braso ko talaga,nakakadiri daw kasi kapag kamay ang hinahawakan nya habang tumatakbo.Sabi nya rin na virgin pa daw kamay nya ayaw ipahawak sa ibang babae pero lalo na sa lalaki.Gusto nya ang unang hahawak sa kamay nya is yung lalaking mamahalin sya.Sounds like cornie pero pangarap talaga yun ng kaibigan ko.

Nakarating nalang kami sa Park pero hindi halata sakanya na hindi sya pagod.Binitawan na nya braso ko at tumakbo pa sa fountain.Just like bulod lang.Naglakad nalang ako hanggang sa makapunta ako sa fountain kung san andon sya.

"Hindi ka man lang ba napagod na simula bahay hanggang park?at di ka pa napagod tumakbo ka pa hanggang dito ah"sabi ko sakanya.Sya parang wala lang habang ako dito hingal na hingal parin hanggang ngayon

"Ang taba mo kasi hindi ka sanay sa jogging thing na yun.At saka mas ok na yung tumakbo tayo wala kasi tayong pamasahe eh"sabi nya habang nakatingin lang sa fountain.Ito din kasi favorite place nya.Pangarap nya na kapag inaya sya ng date dito sya dalhin.Masyado na syang naadik sa mga lovestory.

"Uwi na lang ako akala ko naman lilibre moko eh"Nagsimula na ako maglakad di pa ako nakakalayo tinawag nya ako at pinakita nya yung wallet sakin.Bumalik naman ako agad at kinuha yung wallet nya.Inaya ko syang bumili ng ice cream.Tumango lang sya pero ako ang pinabili.Ok na yun kesa naman na sya bumili alam ko na bawas na yun pagbinigay na sakin.Pakabili ko ng ice cream todo kwentuhan nalang kami ni Alexa

"Baet sabi nung iba nating kaklase umuwi ka kahapon anong nangyari?Masama daw pakiramdam mo.Bat di moko sinama pag uwi?"sabi sakin ni Alexa habang kumakain ng ice cream

Its All About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon