CHAPTER 7

14 3 0
                                    

Christoni's POV:

Sabi nila babaero ako.Totoo na babaero ako.Hindi naman ako magiging ganito kung hindi dahil sa mahal na mahal ko na iniwan ako nung grade 6 palang kami.Ang bata ko pa nung nakilala ko na yung gusto kong pakasalan at makasama habang buhay.Pero hindi ko inaasahang nakipag break sya sakin at hindi ko man lang nalaman na umalis sya.Nalaman ko lang dahil sa mga kaklase ko noon.Sobrang sakit sakin kasi bigla ka nalang iiwan ng taong mahal mo na ayaw mong pakawalan.Simula ng iwan nya ako,ginawa ko ang lahat na paraan para lang makalimutan sya.Natuto na akong uminom that age palang.Hindi ko kasi alam noon kung pano ko sisimulan ang buhay ko ng wala sya.Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin para lang makalimutan sya.Inaamin ko naman na hindi pa kami nun nagtatagal halos umabot lang kami sa 5 months.Nambabae na ako at lahat,hindi ko parin maibigay ang puso ko sa iba.Kay Joanne ko lang to pwedeng ibigay.Yung puso ko ang sinisigaw lang lagi ang pangalan nya.

Kung bibilangin na ang ex ko sa isang buwan aabot na siguro sa 15.Tinatry ko yung best ko na sakanila na ibaling yung pagmamahal ko.Pero kapag nag iisa lang ako mas naiisip ko sya at mas lalo ko syang minamahal.Kaya minsan kinabukasan ibebreak ko na sila.

Ang huli kong ex is si Angela na halos binugbog ako bago ko sya naging girlfriend.Last year pa yun.Medyo tumitigil na din ako dahil sa bawat araw na lumilipas na nakikipag relasyon ako.Kapag nakikita ko ang nga muka nila,laging si Joanne ang lumalabas.Masyado lang talaga akong baliw kay Joanne.Alam ko na babalik sya dito sa Pilipinas.At gagawin ko ang lahat para maagaw ko sya kung baka sakaling may boyfriend na sya.Wala akong pakialam kung may masagasaan man ako.

Si Angela kasi yung babae na minahal talaga ako,buong effort nya ibinigay sakin.Yung pagmamahal nya buo nyang binigay sakin.Pero wala akong ginawa kundi paluhain sya gabi gabi.Sa tuwing nakaka inom ako sya lagi ang kasama ko.Sinasamahan nya ako dahil alam nya na magdadrama nanaman ako.Nasasabi ko lagi sa harap nya na mahal na mahal ko si Joanne at hindi sya.Yung huli kong inom na kasama sya,sinabi ko lahat ang totoong nararamdaman ko na hindi ko sya minahal,kailangan ko ng rebound para lang maka move on.Iniwan nya ako na nag-iisa.Para sakin wala lang yun dahil kung si Joanne ang aalis sisiguraduhin ko na kahit gaano ako kalasing gagawin ko ang lahat para mahabol sya.Pero hindi naman si Joanne yung tumakbo eh,kaya wala akong pakialam sa babaeng yun.Tanging kay Joanne ko lang ako may pakialam.

Ngayong school year girlfriend ko si Sophia.Classmate ko,hindi sya mahirap pakisamahan.Maganda sya,mabait naman din.Nung niligawan ko sya siguro mga 2 araw lang sinagot na nya ako.Ok na rin yun para may bago akong pag tuunan ng pagmamahal ko.Kung maiipit lang ako kay Joanne,baka lalo akong masakal at magpakamatay nalang.

Medyo nakakarecover nanaman ako kay Joanne,medyo hindi ko na sya iniisip.Nakita ko kasi ulet yung dati kong kaibigan na si Janica.Si Janica na walang alam kundi ang mangulit sakin.Ang saya ko noon kasi nagkaroon ako ng kaibigan na katulad nya.Hindi man sya perpektong tao pero ginagawa nya para maging tama sa paningin ng maraming tao.

"Hoy tumingin tingin ka nga da dinadaanan mo"Bigla akong nagising sa realidad ng may bumunggo saking lalaki at ang sama pa ng tingin sakin.Tiningnan ko nalang sya ng seryoso at nilagpasan sya at dumiretso na sa room.

Bago palang ako makapunta sa room ay nakita ko sila Francis at ang mga barkada nya na nakatingin sakin ng masama.Ako nalang yung umiwas ng tingin at tumakbo na.Ayaw ko lang na magsimula ng gulo.

Francis POV:

"Pare nakita mo yung muka ni Chris kanina?sabi sakin ni Ronald na halos mamatay na kakatawa

Kung tutuusin nakakatawa naman talaga ang pagmumuka ni Christoni kanina,katawa tawa naman talaga yung muka nya.Nung tiningnan nya kami kanina halos parang nanghina na sya at nanginig yung mga tuhod nya.Nadala siguro sa ginawa namin sakanya noon.Siguro yun naman talaga ang dahilan nya.Halos mapatay ko sya noon sa bugbog,halos mapatay namin sya sa mga kamao na binigay namin sakanya noon

"Nanggagalaiti talaga ako sa pagmumuka ng Chris na yan.Sarap banatan"gigil na sabi ni Ronald habang pinapatunong nya yung kamao nya.

Tawa lang sila ng tawa habang ako ay busy sa pagtetext kay Sophia.Namiss ko agad sya,kahit kakakita lang namin kanina.Ang sarap lang talaga sa pakiramdam na minamahal ka ng mahal mo.Yung feeling na araw araw akong masaya dahil sa iisang babae na mas lalong nagpapaganda ng buhay ko.

Janica's POV:

Feel ko ang ganda ko ngayon.Pano ko nasabi?Wala.Nasabi ko lang talaga,pampataas ng confident yun ahh.Hayaan nyo nalang ako.Basahin nyo nalang pala ulet yung prinopromote ko ah,maganda talaga sya.

Pagtapos naming mag leksyon lumabas muna ako para umihi.Marunong pa naman akong maihi.Paglabas ko nakita ko si Chris na nakatingin sakin at nakatayo sya sa harap ng room namin.Nginitian ko nalang at umalis na.Aba malay ko ba kung sino inaantay nya dun,ayaw ko maging assuming na ako ang hinihintay nya dun,mamaya mapahiya ako diba?

Medyo nakalayo na ako sa room pati na rin kay Chris.Tumingin ako ulet para makita ko kung andun pa sya,pero wala na.Hala?Dali namang makaalis nun.Medyo hinanap ko pa sya,pero wala talaga.Pagtalikod ko,nakabangga ako at nakita ko si Chris na nakatingin sakin ng seryoso.

"B-bakit?m-may po-problema b-ba?"mahinahon kong tanong sakanya.Ang lapit nya kasi sakin.Hindi ko nga maigalaw yung buong katawan ko sa pangyayari ngayon

"Hmmm.wala naman,Samahan mo akong mag cutting"sabi nya.Tinulak ko naman sya agad

"Chris kilala mo ako na hindi ko gawain ang mga ganyan,umayos ka nga"bulyaw ko sakanya.Nakakainis,hindi naman sya ganyan.Hindi nya papabayaan na magcucutting sya,lalo na ako.Pero sabagay marami ng nagbago.Hindi na siguro sya yung Chris na dati kong nakilala.

Nilapitan nya ako at humawak sa braso ko"Alam ko naman na hindi mo gawain yun.Hindi ka na nasanay sakin na binibiro ka"sabi nya at bumalik na sya sa room nya.Ehh ano lang pala ginagawa nya sa tapat ng room namin?Ano yun?Tambay all around?Haha.

Francis POV:

Hindi pa ba nagsasawa si Janica kakadaldal?Kung ako sakanya itikom nalang nya yung bibig nya para naman magkaroon ako ng katahimikan.Nasanay na siguro sya na kapag sinusundo ko sya dadaldal na sya tungkol sa kalokohan na pinaggagagawq nya buong maghapon.Tuwing ganitong oras lang naman kasi kamo nagkakausap at nagsasama eh.

"Alam mo ba kanina para kaming tanga nila Alexa?Eto ah.Kanina kasi nagtuturo si Ma'am.Tapos pinatayo Yung gwapo naming kaklase na crush nya.Tapos imbis na yung kaklase naman ang sumagot eh si Alexa ang sumagot.Napatayo na rin ako sa ginawa nya.Kaya ayun pinalabas kami"tas tawa sya ng tawa.

Tumahimik nalang ako at ngumiti.Ano pa bang pwede kong isagot dito?Mukang ang dami na nitong idadaldal sakin.

"Ikaw lamang ang aking minamahal.Ikaw lamang ang tangi kong inaasam.Makapiling ka,habang buhay ikaw lamang sinta-"

"Hoy mamaya umulan ikaw ang kawawa jan bahala ka"sabi nya at tumawa ng malakas.

"Maganda naman boses ko ah tiwala lang walang ulan na magaganap.Unless nalang kung sabayan moko sa kanta"tumawa naman ako ng malakas.

Pinagpatuloy ko nalang yung kinakanta ko,paborito nya rin kasi yung kinakanta ko kaya panigurado sasabay sya sakin.Sinusulyapan ko lang sya at parang gusto na nya akong sabayan sa pagkanta.Hanngangbsa nakauwi nalang kami sa bahay nila hindi ko sya narinig na nagsalita.Hindi nya ako sinabayan sa pagkanta ko.

Nagpaalam na sya sakin at pumasok na sa bahay nila.Bago ako umalis narinig ko pa syang kumanta"Ikaw lamang sinta,wala na 'kong hihingin pa wala na.Whhoooo wwhoooooooo!!"natawa nalang ako sa ginawa nya sa last part.Halos nagmuka syang aso na nag aalulong.

A/N:Sorry sa napaka tagal kong update.masyado na talaga akong busy these past few days.Tapos ngayon ma-UD nalang ako ang sabaw pa.I'll make bawi sa next chapters.

*majai

Its All About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon