CHAPTER 37

9 0 0
                                    

Janica's POV:

Tinititigan ko lang si tita habang umiiyak.Hindi ako makasalita,hindi ko rin naman alam ang gagawin ko.Hindi ko naman din siya pwedeng iwan dito sa bahay nila at wala pa ang anak niya.Kanina pa kami nakauwi at kanina pa siya iyak ng iyak.Aba umuwi kami dito magtatanghali na,walang kain maghapon at ngayon gabi na at 'di pa rin matigil tigil yung iyak niya.Nadadala na nga rin ako e,nakatingin lang kasi siya sa picture nilang dalawa ni Francis,pansin ko na matagal na picture na rin yun kasi bata pa don si Francis.

Di na rin ako nakatiis at nagtanong na sakanya.Baka inaantay niya lang ako na tanungin siya.

"Tita ano pong nangyari?bat bigla nalang po kayong umiyak kanina?" Nilingon niya ako pero binaling din ang tingin niya ulet sa picture.

"Bakit kasi sa ganoong sitwasyon pa kami nagkita?Na inilantad niya sa akin yung taong mahal niya na may dalawang anak pa" Patuloy lang siyang umiiyak habang ako naman ay napaisip.

Ngayon lang nag sink in sa utak ko yung sinasabi ni tita.Na,wait,ang ibig sabihin ba ni tita ay....

"Si Tito Jeffrey ang papa ni Francis!?" Halos nanlaki yung mga mata ko.

Hindi niya ako sinagot at patuloy pa rin siyang umiiyak.Francis kasi asan ka na yung mama mo dito hindi ko na alam kung bakit umiiyak at kung ano na ang dahilan.

Akmang tatawagan ko na si Francis ng pigilan ako ni tita.

"Kung tatawagan mo si Francis please,wag mong gawin,ayaw kong malalaman niya na buhay pa rin ang papa niya baka magalit siya sa akin at isa rin na iwan ako" Nararamdaman ko na nanghihina na rin siya.Di nagtagal ay nakatulog na rin sa sala.

Sinasabi ko na nga ba.Pero ano naman ang dahilan ni tito Jeff kung bakit sila naghiwalay ni tita Vina?at sobrang liit ng mundo dahil parehas ko pang mga tita.

-----------

*8:00 pm*

"Thank you supergirl ko sa pag alaga kay mama buong maghapon ha" Sabi ni Francis sa kabilang linya.Kakauwi ko lang ngayon at tumawag siya agad

"A-ahhh wala yun"

"Medyo napagod si mama kasama ka ah,nakatulog na dito sa sala" Nung nakatulog si tita nun ay kasabay naman na kakauwi lang niya.

"Oo nga e." Hindi ko lang talaga siya ramdam kapag yung mga seryosong usapan.Kapag sa kalokohan game naman ako,pati rin naman sa ibang tao nakikisakay ako.

Rinig ko sa kabilang linya ang pagbuntong hininga niya."Janica sana kahit konti man lang isipan mo naman akong mahalin yung kahit katiting man lang bawasan mo yung pagmamahal mo kay Chris,sa akin mo nalang ilaan.Naibibigay ko naman lahat ng oras ko sayo,mas mahal naman kita di tulad ng pagmamahal sayo ni Chris"

"Pero hindi kita kayang mahalin kahit konting pagmamahal na katulad kay Chris.Walang pagbabago Francis kaibigan parin ang turing ko sayo.Sinabihan na kita noon na ayaw ko pero mapilit ka gusto mo talaga yung nasasaktan ka"

Wala na akong narinig na nagsasalita sa kabilang linya.Tiningnan ko naman kung hindi pa nakapatay at hindi pa naman kaya nagsalita ako

"Francis?Hhmmmmm,sorry,I'm so sorry nabigla ako at,,,at..." Di ko na napagpatuloy yung sinasabi ko at nagsalita siya

"Janica please,pahingi ako ng pagmamahal mo.Diba nagagawa ko namang ibigay sayo lahat?Napapasaya naman kita araw araw diba?" Rinig na rinig ko na ang pagiyak niya.

"Pero hindi kita kayang mahalin.Di kita kayang mahalin,di kita ka-kayang mahalin" Nagsimula nanaman ulet akong umiyak,hanggang ngayon bumabalik nanaman ang sakit ng nararamdaman ko,kung paano ko siya lubos na minahal at kung pano ako nasaktan.

"Janica please naman!" Bahagyang napasigaw na rin si Francis dahilan na din siguro sa nararamdaman niya

"Gustuhin ko man na matutunan kang mahalin pero ayaw ko na mas tumatagal pa ang lagi kang nasasaktan hindi naman ako papayag na ako mismo na kaibigan mo ang sasakit sayo.Sorry Francis but we need to break up,it doesn't work,walang pagbabago sa relasyon natin."

Di ko na inantay at ibinaba ko na ang tawag.Nakahinga ako ng maluwag,masakit sa dibdib ko na parang naghahanap ako ng taong bubuo ng puso ko kahit na di ako masaya.Mas ok ng malungkot ako't nasasaktan wag lang akong mangdamay ng ibang tao na walang kinalaman sa nararamdaman ko.

--------

*Kinabukasan*

Hindi ako umaalis ng bahay,san naman ako pupunta?Sa barkada ko?Mukang malabo.Feeling ko galit sila sa akin sa hindi malamang dahilan.Gusto ko rin dalawin si tita sa nangyari sa kanya kahapon kaso parang ang bastos ko naman kung ganun.Matapos kong saktan si Francis tapos dadalawin ko agad sila?

Kaya mas pinili ko nalang na dito ako sa bahay,may ilan pa rin naman akong hindi nasasaray na gamit e.

Ng natapos kong isaray ang lahat na pwedeng dalhin ay dumating si Hanna ng balisa at hindi mapakali.

"Janica!" Sigaw niya at ng makita ako ay lumapit sa akin.

"Anong nangyayari sayo?ba't parang may nangyari namang masama"

"Meron talaga,si Alexa nag a-attempt na maglaslas,buti nakita namin ni Emman,pinipigilan niya ngayon si Alexa.Tara na alam kong ikaw ang makakatigil nun sa kanya" Di na ako nagdalawang isip at umalis na kami.

Papasok palang kami ni Hanna sa bahay nila Alexa ay rinig na rinig ko na yung pag iyak niya.Tumakbo na ako at nilapitan na siya.

"Alexa ano ba yan!Tigilan mo nga yan"Lumapit ako at hinablot ang kutsilyong maliit na hawak niya.

Tumayo si Emman at sinabi na aalis na muna sila at kailangan daw naming mag usap.Nagtaka ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang din pinansin.

"Alexa anong dahilan ng tangkang paglalaslas mo?"Umupo ako sa tabi niya.

"Wala ka ng pakealam don"Napatingin ako sakanya dahil sa mga sinabi niya.

"Ano?Wala na akong pakealam?Kaibigan kita,kaibigan mo ako.May pakealam ako sayo,sa mga nararamdaman mo.Tell me Alexa.Anong problema"

"Anong problema?Gusto ko si Francis,mahal ko si Francis.Hindi ko alam kung bakit pero noong nasa US ka at kami nandito madalas na kaming .Sa pagkakaalam ko mahal niya din ako na totoo na lahat ng mga pinapakita niya sa akin.Nung umuwi ka sasabihin ko na sana yun saktong sinabi mo sa amin na si SuperMan at si Francis ay iisa lang.Kaya umurong yung dila ko hindi ko sinabi sayo wala akong binanggit kasi baka kung anong mangyari sa friendship natin.Ayaw na ayaw kong masira friendship natin.Pero mas lalong napakasakit nung nalaman ko na kayo na pala,nasaktan ako kasi akala ko ako na yung liligawan niya na siya na yung sasagutin ko.Na siya na pala yung lalaking hinahanap ko"Panay ang iyak niya at ganun na din ako.Kaya pala noong naging kami ni Francis medyo lumayo na sila sa akin,ganun pala ang dahilan.

"Wag kang mag alala brineak ko na siya,hindi ko na din kasi kinaya.Nagpumilit siya sa akin na maging kami umayaw ko nung una kasi,bakit ko naman pagpipilitan siya sa akin kung hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin si Christoni."Napatingin si Alexa sa akin at halatang gulat na gulat.

"Kung gusto mo ipaglapit ko kayo sa isat isa?" Nagtaas baba ang kilay ko at tumingin sakanya.

"Aw thank you baet kaya bestfriend kita e!"Mahigpit ko siyang niyakap.Mamimiss ko 'tong bestfriend ko kahit pa minsan ay madalas kaming di magkaintindihan mahal na mahal kita di ko kaya na nakikita kang nahihirapan kasi mas nahihirapan ako.

======

Its All About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon