CHAPTER 25

8 2 0
                                    

Janica's POV:

Di parin maalis sa isip ko yung sinabi samin ni mama

Kailangan nating pumunta sa States para mapagamot ang papa nyo.Dun na muna kayo mag aral just one year lang

Iiwan sana kami dito ni Jhana pero umalis na samin si Ate Jean.Gandang tyempo no?Kung kelan mas kailangan namin sya tsaka naman sya aalis para alagaan yung mga magulang nya.Umalis na din sila mama at papa sa pinagtatrabahuhan nila.

By next week na yung alis siguro namin.Medyo ok na si papa kaya kahapon na nadischarge na sya sa ospital

Hanggang ngayon hindi pa ako nagpapakita kay Chris,baka madulas ako at masabi ko lang sakanya yung madaliang pag alis namin.Pati yung buong barkada ko di pa rin nila alam na aalis na ako,and hindi rin ako nagpaparamdam sakanila

Actually nakaayos na yung gamit ko dito,wala na akong balak na magpaalam sakanila masasaktan ko lang sila.

Biglang bumukas yung pinto at nakita ko si mama.Nginitian ko lang sya ng tipid.

"Hindi ka pa ba kakain?"Umiling lang ako sakanya.Tumango nalang sya at lumabas na ng kwarto

Kahapon pa akong walang ganang kumain.Kahapon ko lang naisipan na wag ng sabihin sakanila lahat.

Muli nanamang bumukas ang pinto at nakita ko si Jhana at mama na nakabihis

"Ma san po kayo pupunta?"

"Aasikasuhin ko na yung mga papeles para sa passport"

Tumango nalang ako ulet at umalis na sila.

So kami lang  ni papa ang andito sa bahay.

Umilaw nalang bigla yung cellphone ko kaya tiningnan ko nalang.Nag text si SuperMan

SuperMan:Text?

Me:Sure :)

SuperMan:So ano na ba kwento mo?I know may problema ka

Ganun na nya talaga ako kakilala.Siguro nahalata na nya din siguro the way I texted him.Pero papaalala ko sainyo na walang namamagitan saming dalawa na kahit ano man.Kaibigan ko lang sya and that's it.

Alam ni Chris but hindi nya alam na lalaki kasi alam ko na magagalit sya.But don't call it cheating kasi wala naman talaga

Me:Kilala mo na talaga ako.HAHAHA.by next week kasi aalis na ako

SuperMan:WHAT!!Pati ba naman ikaw iiwan na ako

Me:Ahm kinda hehehe babalik naman din ako after a year eh

SuperMan:Bat ba kayo aalis?

Me:Kailangan lang ipagamot si papa

SuperMan:Basta kapag aalis na kayo text me ha

Hindi ko na sya nireplayan.Tinatamad na kase ako,tinatamad na ako sa lahat ng bagay.Iiwan ko na sila lahat

Tumingin lang ako sa bintana at nakita ko na hapon na.Maghapon na pala akong di na nakain,wala naman akong nararamdaman na masama eh yung mata lang ang nararamdaman ko.Sure ako na namumugto na to

Nakita ko sa dulo ng kama ko yung human size na mickeybear ko.Agad ko syang kinuha at itinabi sakin..

Eto nanaman ako umiiyak.Hindi ko na kasi kaya,feeling ko naiipit ako sa isang pader at nahihirapan ng huminga.Buti nalang andito tong bear na to para may mayakap ako

Its All About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon