chapter 1 - martini

42.1K 899 199
                                    

A/N

Hello guys! Welcome po sa book 2 ng Taste of a True Love!

Dito sa book na 'to mare-reveal ang mga katanungan sa unang book. Makikita rin ang mga naging pagbabago sa bawat character especially sa mga main characters natin. Asahan n'yo rin po na may mga ilang bagong characters na darating.

Hindi po ako nangangako, pero gagawin ko po ang makakaya ko para mas mapaganda pa ang book 2..

Anyway, enjoy reading Chapter 1 po!

-----------

TOM POV

Pagbaba pa lang ng eroplanong sinakyan ko ay nag-iba na agad ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan pero may kaba akong nararamdaman.

Napabuntong hininga na lamang ako bago ko kunin ang luggage ko.

"Baka excitement lang 'to." pagkausap ko sa aking sarili.

Napahinto ako sa paglalakad habang tinutungo ang pinto palabas ng airport. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.

"Nakakamiss rin pala ang Pilipinas." bulong ko sa aking sarili.

Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paglalakad habang patuloy rin sa pag-iikot ang aking mata. Hinahanap ang taong isang linggo ko nang hindi nakikita at nangakong suaunduin ako dito.

"Nasaan na ba 'yun? Sabi n'ya susunduin n'ya ako?" tanong ko sa aking sarili.

Ilang hakbang pa ang aking ginawa bago ako nakarinig ng isang tawag mula sa aking likuran.

"Bae!" sigaw n'ya.

(a/n: Bae po ang endearment na napili ko para sa dalawang tao na 'to. Pronounced as 'bey' po.. :))

Agad ko itong nilingon at napangiti ako nang makita ko ang gwapong lalaki na nag-aabang sa aking pagdating.

"Bae!" sigaw kong pabalik sa kanya habang kumakaway pa.

Agad s'yang tumakbo sa aking kinatatayuan at mabilis n'ya akong niyakap ng mahigpit.

"Mmmm.... Na-miss kita Bae!" ang wika n'ya sa akin habang mahigpit kaming magkayakap.

Hinalikan n'ya rin ako sa aking ulo matapos n'yang sabihin iyon. Bahagya naman akong natawa sa kanya.

"Ang OA mo Bae! Isang linggo lang tayong hindi nagkita!" wika ko sa kanya habang magkayakap pa rin kami.

"Eh na-miss pa rin kita! Wala akong kasama sa bahay eh! Walang akong pinagluluto. Hindi ako sanay nang hindi ka pinagsisilbihan. At higit sa lahat, wala akong katabi sa pagtulog ng isang linggo!" maktol n'ya sa akin.

Napahagikgik naman ako sa kanyang mga sinabi. Bumitaw ako sa pagkakayakap namin at kinurot ko s'ya sa ilong.

"Ang cheesy mo Bae!" wika kong nakangiti.

Hindi na s'ya sumagot sa aking sinabi. Bagkus, ngumiti na lamang s'ya at kinuha ang pushcart na laman ang luggage ko at hand carry bags. Itinulak n'ya iyon gamit ang isa n'yang kamay, habang ang isang kamay naman n'ya ay hinawakan naman ang isa kong kamay. Tinulungan ko naman s'yang magtulak gamit ang free hand ko.

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng airport ng magkahawak pa rin ang aming mga kamay.

"Bae, bakit ang tagal mo? Akala ko uuwi ako ng mag-isa ngayon eh. Akala ko hindi mo ako masusundo." tanong ko sa kanya.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon