FINALE (PART 2) - alexander #2

16.1K 573 392
                                    

A/N

Eto po ang second part ng FINALE. Baka lang po nalampasan n'yo ang part 1 ha? Balik po! Balik dali! Hahahahaha!

Enjoy the continuation of TomXan/XanTom wedding!

----> si Tom po sa media.

 
 
 
----------
 
 


XANDER POV

 
 

Matapos kaming batiin ni Carla ay nagsunod-sunod na rin ang paglapit at pagbati ng aming mga pamilya at kaibigan. Lahat ay nagkakatuwaan at nagkakasiyahan. Lahat ay masayang-masaya para sa aming dalawa. Nagkaroon pa ng mga pictures taking na bahagi rin ng okasyong ito.

Naging masaya ang kaganapan ng lahat hanggang sa makarating kami sa mas malaking function hall kung saan naman nakahanda ang elegante at magarang set-up ng reception.

Mas malaki ang lugar na ito dahil dito na rin nagtungo ang ilan pang mga bisita na hindi kasama sa seremonya. Ang pamilya ng ilan naming mga kaibigan ay naririto rin.

Napakarami at masasarap rin ang mga nakahandang mga pagkain. Nakakatuwa rin na nag-usap pala ang ang aming mga kaibigan na magbe-bake sila ng kanya-kanyang version ng cake bilang bahagi ng isa sa mga regalo nila. Kaya wala kaming nagawa ni Tom kundi ang tikman ito ng isa-isa. Nagkaroon kasi sila ng paligsahan kung kanino ang pinakamasarap para sa aming dalawa ni Tom.

Kami ni Tom ang nagsilbing judge. Ngunit dahil sa marami ang nakahandang cake at mahihirapan kaming dalawa na magdesisyon ay humingi kami ng tulong sa pamilya ni Tom at sa pamilya ko. Nagsilbing judge din ang mga ito. Baka nga kasi pagmulan pa ito ng tampo sa isa sa kanila lalo na kay Charm kung hindi sa kanya ang mapipili ni Tom na masarap na cake.

Naging napakasaya ng bahaging iyon ng programa lalo na nang sinabi ni Tito Ian na ang mananalo ay bibigyan n'ya ng isang brand new sports car.

Tuwang-tuwa naman silang lahat sa balitang iyon ni Tito Ian. Lalong-lalo na si Lojie at Olyn na halos sakalin na ang isa't-isa nang malaman ang magiging premyo. Kahit ang mga hindi naman marunong magdrive ng kotse ay umaasa ring makuha ang premyo. Nakarinig pa ako sa ilan sa kanila na 'pag sila ang nanalo ay ibebenta o ididisplay lamang ito.

Lahat ng disenyo ng cake ay napakaganda at makikita mong pinaghirapan talaga. Ngunit may kaisa-isang cake ang pinagtawanan ng lahat maging ng mga ilang bisita. Wala kasi itong tinatawag na art dahil parang basta na lamang nilagyan ito ng icing sa ibabaw na iba't-iba ang kulay.

At ang may gawa ng cake na iyon? Walang iba kundi ang matalik na kaibigan ni Tom na si Popoy.

Lahat tuloy ay binato s'ya ng pang-aasar at kantyaw lalong-lalo na sa aming dalawa ni Daniel. Pasalamat na nga lang si Popoy at sinasaway ako ni Tom. Dahil kung hindi, baka nagtago na s'ya sa ilalim ng mesa dahil sa kahihiyan.

Nang matapos namin lahat tikman ang cake ay si Tito Ian na rin ang nag-announce ng magiging winner. Nagbigay na lamang kami ng aming mga boto sa kanya sa pamamagitan ng pagsulat sa papel.

Lahat ng mga kaibigan namin ay kabado dahil lahat ay naghahangad na makuha ang premyo. Pero ang matalik na kaibigan ni Tom na si Popoy ay walang pakialam at patuloy lang sa kanyang pagkain.

Ngunit nang tuluyan nang tawagin ni Tito Ian ang winner ay napataas ang kilay ko. Paano ba naman, kung sino pa ang walang kaeffort-effort sa paggawa ng cake ay s'ya pang idineklarang panalo ni Tito Ian.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon