A/N
Ehem! Akala n'yo ba tapos na ang revelation? Hindi pa! Dahil may hindi pa ako naisusulat tungkol sa naganap noon! Hahahaha! Itotodo ko na rin ang kilig ha? Para sulit naman bago ang Pre-Finale!
Para nga pala kay BossLR 'tong chapter na 'to kagaya ng pinangako ko. Hahahaha! Sorry na, natagalan ba request mo?
Anyway, enjoy reading the last chapter bago ang pre-finale guys!
----> si Xander po sa media.
© to the owner of the photo.
----------
TOM POV
Kasalukuyan akong umiinom ngayon ng tubig dahil nakakaramdam na ako ng konting inis sa taong kasama ko dito sa bahay.
Dalawang linggo na rin ang nakakalipas mula nang magbalik ang lalaking ito. Aaminin ko, masayang-masaya naman ako simula nang magbalik s'ya. Hindi ko nga masukat ang kaligayahan ko simula nang makita ko s'yang muli at buhay na buhay.
Sa bawat araw na gigising ako ay lubos kong ipinagpapasalamat na muli kaming nagkasama dahil malaya ko na s'yang nahahawakan at nayayakap ngayon.
Pero noong isang araw lamang ay may kakaiba na sa kanya at hindi ko alam kung ano ba ngayon ang tumatakbo sa isip nito.
Muli ko s'yang nilingon na ngayon ay prenteng nakahiga sa aming kama habang hawak n'ya ang kanyang cellphone. Naiwan ko kasing bukas ang pintuan ng aming kwarto nang lumabas ako mula roon para uminom ng tubig.
Paminsan-minsan ay napapansin kong nangungunot ang kanyang noo habang may tinitingnan sa kanyang cellphone. At ang nakakainis pa, minsan ay nakikita ko s'yang natatawa o kaya naman ay ngingiti habang nakakatitig pa rin dito.
Ayaw ko sanang mag-isip ng hindi maganda sa kanya. Pero sa tuwing nakikita kong bigla na lamang itong matutulala habang nakangiti sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko mapigilang makaramdam ng inis. Mas nakakapanggigil pa ay minsan itong matutulala at bigla na lang mamumula ang kanyang mga pisngi.
Sinubukan kong itanong sa kanya ang bagay na iyon. Sinubukan kong tingnan kung ano bang pinagkakaabalahan n'ya sa kanyang cellphone. Ngunit nagulat na lamang ako nang bigla n'ya itong iniiwas sa akin. Ang sinabi n'ya ay may pinapanood lamang s'yang mga videos doon.
Pero bakit kailangan n'yang itago 'yon sa akin 'di ba?!
Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang magbalik kami sa aming trabaho. Maayos naman kaming nakabalik sa hotel. Nagkaroon pa nga ng welcome party para sa kanya noong unang araw ng pagbabalik namin doon ni Xander. Maging ang mga taong tinanggal noon ni Josephine kabilang na rin ang Assistant General Manager na si Ms. Jinny ay nakabalik na rin sa kanyang serbisyo.
Maayos naman ang mga kaganapan noong mga unang araw ng pagbabalik namin. Pero tulad nga nang sinabi ko kanina ay may nagbago kay Xander simula pa noong isang araw.
Naging tahimik ito at naging abala sa kanyang cellphone. Sa tuwing kakausapin ko ito ay hindi rin s'ya makasagot ng maayos. Tanging pagtango at pag-iling lang ang naisasagot nito.
Nagsimula ang hindi magandang pakiramdam kong ito noong isang araw nang maabutan ko s'ya sa kanyang opisina na abala sa pagta-type sa kanyang laptop habang nakangiti. Nang makita n'ya akong papasok sa kanyang opisina ay mabilis n'yang itiniklop ang kanyang laptop sa kanyang mesa.
BINABASA MO ANG
Taste of a True Love II (COMPLETED)
Romance|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong...