chapter 28 - dark 'n' stormy

10.2K 516 319
                                    

A/N

Umpisa pa lang po babalaan ko na kayo. Magiging mabigat po ang eksena ng chapter na ito. Kung hindi n'yo po gustong maiyak o mabigatan ang pakiramdam n'yo, pag-isipan n'yo po muna kung itutuloy n'yo pa ang pagbabasa. Ayokong may maninisi sa akin kung bakit may umiyak ha? Baka may mag-pm nanaman sa fb ko dahil pangit daw ang kwento. Puro daw drama at halos hikain daw s'ya sa pag-iyak. Kulang na lang eh murahin ako. Pasensya na po, pero ganito po talaga ang daloy ng story kong ito.

Para naman sa mga patuloy na nagbabasa, maraming salamat po. Salamat sa pag-appreciate ng istorya. Salamat sa patuloy na pagpapagaan ng loob ko sa tuwing down ako sa mga feedback na natatanggap ko. Baguhan lang ako kaya madali siguro akong maapektuhan sa ganon. Pero nagpapasalamat ako dahil mas marami kayong nagbibigay ng patuloy na suporta. Kilala n'yo na po kung sino-sino kayo dahil paulit-ulit din akong nagpapasalamat sa inyo. Labyu guys!

Ang bilang ko ay mga 7 chapters na lang po ang matitira kasama ang Epilogue nito. Ngayon pa lang po nagpapasalamat na ako kung may mga magtiya-tiyagang tapusin ito.

Oo nga pala, pakiplay po or paki-download 'yung song sa media. Para po 'yan sa chapter na 'to. Ulit-ulitin n'yo na lang ang pagpe-play para dama ang eksena. Song title: Don't Say Goodbye by Juris.

'Yun lang po! Salamat ulit.

----> si Tom po sa media.

©to the owner of the photo.

----------


TOM POV

"Para kayong mga baliw d'yan! Wala naman nakakaiyak pero iyak kayo ng iyak!" natatawa kong buska kina Dominic at Dee.

Sakay ng kotse ni Dominic ay tinungo namin ang lugar kung saan ko raw makikita sina Xander at ang mga magulang n'ya. Sa katabing upuan ni Dominic ay si Dee na wala rin tigil sa pag-iyak sa hindi ko malamang dahilan.

"Bakit ba kasi pupunta tayo doon? Nasa Cebu na sina Xander kasi magpapa-opera s'ya. Magpapagaling s'ya at babalik s'ya." sunod kong sambit sa kanilang dalawa.

Hindi sila nagsalita. Nanatili silang walang imik at patuloy na lumuluha.

Maaga nila akong sinundo kanina. Matapos kong matanggap ang tawag ni Randy ay nakarinig ako ng paulit-ulit na pagkatok sa pintuan ng condo namin ni Xander.

Hinang-hina ako nang mga oras na iyon nang matapos ang aming pag-uusap ni Randy.

"Tom.... S-si Xander...." una n'yang sambit habang humahagulgol.

"A-anong meron kay Xander..?" tanong ko habang nanginginig ang aking mga kamay hawak ang aking telepono.

"S-si Xander, Tom.... H-hindi na nakaabot ng C-cebu...." sagot n'ya na hindi maibigkas ng maayos.

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na naiwasang sumigaw para magtanong.

"Anong nangyari sa kanya?!! Sagutin mo ang tanong ko Randy!!!! Anong nangyari sa kanya!!!" sigaw ko sa kanya.

"N-naaksidente ang sinasakyan nilang private plane... K-kasama s'ya sa mga nasa loob... N-nagkaroon ng mechanical error dahil sa bagyo...." pagpapatuloy n'ya sa kanyang sinabi.

Napaupo ako dahil sa labis na pagkabigla habang ang mga luha ko ay nag-unahan na rin sa pagbagsak.

Matapos iyon ay ang pagdating nila Dominic at Dee. Tulala akong tinungo ang pinto para pagbuksan sila habang patuloy sa pagpatak ng aking mga luha.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon