A/N
Waaahhh!! Na-miss ko kayo!! Grabe, ang tagal kong hindi nakapag-update.. Sorry naman..
Dedicated kay tan1221 'tong chapter na 'to.. Grabe! Salamat ng marami sa messages mo! Nakita ko na inspiration ko, naholdap nga s'ya! Hahaha!
Anyway, enjoy reading guys!! mwah!!
----> si Xander po sa media.
----------
TOM POV
Dalawang linggo ang nakalipas simula nang madiskubre kong nasa dati na naming bahay tumutuloy si Xander. At sa loob ng dalawang linggong 'yon ay hindi naalis sa isip ko ang mga pangyayari.Pinipilit kong iwaglit sa isip ko ang mga kaganapang iyon at hayaan na lamang. Ngunit hindi ko man gustuhin ay kusa pa rin itong bumabalik sa aking isipan. Maraming katanungan akong gustong malaman mula sa kanya. Pero iniisip ko kung dapat ko pa bang alamin 'yon?
Nagtatalo ang isip at kalooban ko hanggang sa mga oras na ito. Sa totoo lang ay pinapatay na ako ng curiosity ko. Hindi rin ako minsan makatulog ng maayos sa gabi dahil sa patuloy na ginugulo ako ng mga nalaman ko.
Hindi na rin sinubukang buksan ni Xander ang topic tungkol sa huli naming pag-uusap sa elevator kung saan ay muli kong nasaksihan ang muli n'yang pag-iyak.
Isa pa ang bagay na 'yon. Ano ba talaga ang nangyayari kay Xander at ganoon na lamang ang nakita kong paghihirap ng kalooban n'ya?
Nakapagdesisyon na rin akong sarilinin na lamang ang mga bagay na ito at hindi na ipaalam pa sa iba. Maging kay Daniel ay hindi ko na rin ito sinabi dahil ayaw ko s'yang masaktan.
Sa loob ng dalawang linggo ay paminsan-minsan pa rin kaming magkakasama nina Sir Lojie at Olyn ganun din si Xander tuwing magla-lunch at masasabi kong naging mas malapit kaming apat.
Normal naman ang pakikitungo namin ni Xander. Sa katunayan ay mas nakakapag-usap na kami ng normal. Magiliw pa rin s'yang nakikitungo sa akin. Naroon pa rin ng concern n'ya sa mga kinakain ko kaya minsan ay nauuwi kami sa pagtatalo. Gusto n'ya kasi ay bumalik ang gana ko sa pagkain tulad ng dati. Malaki kasi ang naging pagbabago ko simula nang nanirahan kami sa Amerika pagdating sa mga kinakain.
Sa tuwing nagkakasama kaming apat mag-lunch ay masayang Xander naman ang nakikita ko. Kung minsan nga ay nagagawa pa ako nitong biruin at asarin. Alam n'ya pa rin hanggang ngayon kung ano ang mga bagay na ikakatuwa ko at ikakapikon.
Minsan nga ay napapansin na kami nina Sir Lojie at Olyn pero hindi naman sila nangungulit o nagtatanong. Naikwento ko naman kay Olyn na nakapag-usap na kami ni Xander na maging magkaibigan na lamang. Kaya marahil hindi na rin s'ya masyadong nagtataka. Pero kay Sir Lojie, hindi ko alam kung may ideya ba ito sa nakaraan namin ni Xander.
Ayaw ko mang aminin ay nakakaramdam ako ng tuwa. Pero bago ko pa bigyan ng ibang kahulugan ang nararamdaman ko ay inuunahan ko na ito. Sinasabi ko sa sarili kong masaya lang ako dahil maayos na ang aming relasyon bilang magkaibigan.
Naaalala ko pa noong isang araw nang magpunta ako sa opisina n'ya para ipasa ang ilang documents na kailangan n'ya.
flashback...
Naabutan ko si Xander na natutulog sa kanyang opisina. Nakasubsob ang kanyang ulo sa kanyang desk. Dahan-dahan ko itong nilapitan at nakita kong may hawak itong mga papel. Sinilip ko kung ano ang papel na iyon at nakita kong monthly sales report ito ng kanyang dalawang restaurant.
BINABASA MO ANG
Taste of a True Love II (COMPLETED)
Romance|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong...