chapter 31 - tequila sunrise

12.8K 557 523
                                    

A/N

Whoooo!!!

Wala lang, gusto ko lang sumigaw dahil excited ako dito sa chapter na 'to. Hahahahaha!

Anyway, para sa'yo 'to arkinsantos tulad ng sinabi ko. Get well soon ha? Umayos ka, marami pa tayong chikahan kaya magpagaling ka.

Enjoy reading chapter 31 guys!

Paki-play na lang din po ng nasa media habang binabasa n'yo ng buong chapter. Song title: Only Time by Enya.

----> si Tom po sa media.

© to the pic.


----------


TOM POV

Wala akong nakikita kundi ang malinaw na tubig kung saan ako naroroon.

Ang paglubog ng aking katawan sa malawak na tubig na ito ang nais ko. Ang pagkakaubos ng hininga ko at ang tuluyang pagpikit ng mga mata ko.

Gusto ko nang mawala sa mundo. Gusto ko nang hanapin si Xander sa kabilang buhay. Gusto ko na s'yang makasama.

Ang huli kong naaalala ay nasa gilid lamang ako ng pool kanina. Dahil sa labis na kalungkutan, pagkabigo at pangungulila kay Xander ay unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata at dahan-dahan kong ibinagsak ang aking katawan sa tubig.

Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit tila ba hindi maabot ng katawan ko ang sahig ng pool kung saan ako naroroon. Patuloy ako sa paglubog ngunit hindi ko maabot ang dulo nito. Nakakapagtaka rin na tila ba nagagawa kong huminga sa ilalim ng tubig na ito. Normal lang din ang pagtibok ng puso ko at walang ipinagbago.

"Tanggalan n'yo na ako ng hangin sa katawan... Gusto ko nang makasama si Xander..." bigkas ng aking isip.

Patuloy lamang ako sa paglubog. Ngunit hindi nababawasan ang hangin sa aking katawan.

Sinubukan kong ilibot ang mga mata ko. Matagal kong ginawa iyon at wala akong maaninag kundi ang malinaw na tubig sa kapaligiran ko.

Habang nasa ganoon akong posisyon ay may naaninag akong isang aninong lumalangoy mula sa taas. Papalapit ito sa akin at nakamwestra ang kanyang kamay na tila ba inaabot ako.

Nang tuluyan itong makalapit ay napangiti ako.

"Xander...." pagtawag ko sa kanyang pangalan sa pamamagitan ng aking isip.

Hindi ko maibuka ang aking bibig upang makapagsalita. Ngunit tila ba nadinig n'ya ang pagtawag ko.

"Master...." nadinig kong pagtawag n'ya sa akin.

Tulad ko ay hindi n'ya rin maibuka ang kanyang bibig.

Napangiti ako nang muli ko s'yang masilayan. Matagal kong ipinagdasal ito. Ang muling masilayan ang kanyang mukha na nagbibigay sa akin ng ngiti at pag-asa.

Inangat ko ang aking isang kamay upang mahawakan ko ang kanyang kamay na iniaabot sa akin. At nang tuluyan nang magdikit ang aming mga kamay ay mabilis n'ya rin akong hinila upang mayakap.

Ang yakap na ito ang matagal ko nang hinihiling. Ang mainit n'yang katawan na malaya kong nayayakap sa mga oras na ito.

Kompleto na ako. Masaya na ako dahil kasama ko na s'ya ngayon.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon