A/N
Hey guys! Excited ako sa chapter na 'to pati na rin sa susunod na chapter! Sana magustuhan n'yo po!
Paramdam naman po kayo mga readers thru votes and comments! Para po maide-dedicate ko ang mga susunod kong chapters sa inyo kung gusto n'yo.
This chapter is dedicated to RonnieMendenilla na sinermonan pa ako dahil busy daw ako sa pag-swimming nung company summer outing namin kaya hindi agad ko nakapag-update. Super thanks inaanak!
----> si Tom po sa media.
-----------
TOM POV
Makalipas ang isang linggo mula nang magkita kami nila Randy, Xander at Sir Lojie sa isang restaurant ay dumating na rin ang araw ng pagpunta namin ni Daniel sa gaganaping kaarawan ni Randy.
Ilang araw na rin ang nakakalipas nang maikwento ko kay Olyn ang nakaraan namin ni Xander. Inilahad ko ang lahat ng nangyari dalawang taon na rin ang nakakalipas. Wala kong itinira at lahat ay idinetalye ko. Gulat na gulat s'ya sa nalaman at nalungkot nang matapos kong ilahad sa kanya ang lahat.
Hindi ko makakalimutan ang mga salitang kanyang sinabi matapos ko iyon ikwento sa kanya.
"Alam mo Tom, sa tingin ko hindi pa nagtatapos doon ang kwento n'yo ni Sir Xander. Sana sinubukan mong hingiin ang paliwanag n'ya. Kasi hindi ka makakawala sa nakaraan hanggat hindi nasasagot ang katanungan kung bakit nangyari 'yon. Sana hiningian mo s'ya ng paliwanag. Sana inalam mo ang mga bagay sa likod ng pangyayaring 'yon."
"Bago ka umalis dito sa Pilipinas, sinabi n'yang mahal na mahal ka pa rin n'ya at maghihintay s'ya sa'yo 'di ba? Nagawa n'ya pang magmakaawa sa'yo. Hindi n'ya gagawin 'yon kung sinadya o ginusto n'ya 'yon. At ngayong nagbalik ka na, marahil ito na ang pagkakataon n'ya para magpaliwanag sa'yo."
"Sa tingin ko rin Tom kahit sabihin mong hindi mo na s'ya mahal ngayon, naroroon pa rin ang palaisipan kung bakit nangyari 'yon sa inyo."
"Base sa kwento mo, lahat ng bagay na magpapasaya sa'yo ay ibinigay n'ya. At 'yung mga huling bagay na nagawa n'yang pagkakamali ay may mabigat na dahilan. Imposible kasing magbago s'ya ng ganon kabilis. Sobrang bilis naman ng pagbabago n'ya. Hindi ka ba nagtataka?"
"Kung natatakot ka, bakit hindi mo simulan sa pakikipagkaibigan sa kanya? Ibig kong sabihin, kung hindi mo pa kayang makipagkaibigan sa kanya, why not try na itrato mo s'ya bilang kakilala o bilang katrabaho? 'Yung tipong normal lang ang lahat sa pagitan n'yo. Baka sakaling makatulong din 'yun para mapagaan ang pakiramdam n'yo pareho. Besides, magkakasama tayo sa trabaho. Kahit anong iwas mo, magsasalubong pa rin ang landas n'yo."
mga naging payo ni Olyn sa akin.
Gulong-gulo ang isip ko matapos naming makapag-usap ni Olyn. Nagtatalo ang isip ko kung iyon ba ang tama kong gawin. Pero para saan pa at aalamin ko pa ang mga dahilang iyon ni Xander? Dalawang taon na ang nakakaraan at may kanya-kanya na kaming mga buhay. Masaya na rin ako sa buhay ko ngayon kasama si Daniel.
Tama, nariyan si Daniel na laging nakaalalay sa akin. Si Daniel na hindi ako iniwan noong mga panahon na halos hindi ko kayanin ang lahat.
Naputol ang aking mahabang pag-iisip nang mapansin kong kumukulo na ang aking niluluto. Narito kasi ako sa aming kitchen ni Daniel. Wala akong pasok ngayon dahil nga sa pupunta kami ni Daniel sa birthday celebration ni Randy.
Matapos kong patayin ang stove ay tinikman ko ang niluto kong kaldereta na paborito ni Daniel. Napangiti ako nang malasahan ito dahil sigurado akong matutuwa si Daniel.
BINABASA MO ANG
Taste of a True Love II (COMPLETED)
Romance|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong...