chapter 7 - caipirinha

13.9K 591 111
                                    

A/N

Hi readers!

Sorry, ngayon lang ang update. Kailangan ko kasing basahin ulit ng mga ilang parts sa book 1 bilang recap..

Anyway, comment po kayo para sa next chapter sa kanya ko ide-dedicate.

Enjoy reading chapter 7 guys!

----> si Xander po sa media.

----------
 


 
 
 

TOM POV
 
 
 
 

"I'm sorry Tom...." tangi n'yang nasambit.

Kitang-kita ko ang pagsisisi sa kanya. Kung sa ibang tao ay marahil bumigay na sa kanyang naging reaksyon. Ngunit hindi ako nagpatinag. Kung pwede nga lang ay iparanas ko rin sa kanya ang mga naging hirap ko noon ay ginawa ko na.

"Sana Xander matutunan mo na rin ang kalimutan ako. Kasi ako, matagal ko nang pinatay ang nararamdaman ko sa'yo. Hindi ko rin alam kung bakit nangyari sa atin 'yon noon, pero ngayon naging maliwanag na sa akin ang lahat. Naniniwala akong nangyari 'yon dahil hindi tayo nararapat sa isa't-isa." mahinahon kong wika.

Ilang minuto rin bago n'yanagawang sumagot.

"M-magiging masaya ka ba kung tuluyan na nating kakalimutan ang lahat? K-kung tuluyan na nating palalayain ang isa't-isa?" tanong n'ya sa akin.
 

"M-magiging masaya ka ba kung tuluyan na nating kakalimutan ang lahat? K-kung tuluyan na nating palalayain ang isa't-isa?" tanong n'ya sa akin.

"M-magiging masaya ka ba kung tuluyan na nating kakalimutan ang lahat? K-kung tuluyan na nating palalayain ang isa't-isa?" tanong n'ya sa akin.

.

.

.

.

.

"Bessy!"

"Hoy Bessy!"

"Bessy gising!"

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko ang mukha ni Cha na nasa aking harapan habang hawak ako sa magkabilang balikat. Nakita ko ang pag-aalala nito sa akin.

Inilibot ko ang aking paningin at nakita kong nasa ibang kwarto ako. Muli kong binalikan ang mukha ni Cha na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa aking balikat.

"Ah sh*t!" sambit ko at tuluyan nang bumangon mula sa pagkakahiga.

Ngayon ko lang na-realize na nasa bahay nga pala ako nila Cha. Nandito kami sa kanyang kwarto at magkatabing natulog kagabi.

Naisipan ko kasi silang dalawin dahil nami-miss ko na s'ya at ganoon din ang kanyang pamilya. Naisipan kong ngayon gawin ang pagpunta dito tutal naman ay restday ko sa trabaho ngayong araw at eksaktong restday din ni Cha.

"Bessy, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Cha.

"O-oo bessy... Ayos lang naman ako.." sagot ko sa kanya.

"Sure ka?" paniniguro n'ya.

"Oo naman.. B-bakit?" tanong ko sa kanya.

"Akala ko kasi kung ano na nangyari sa'yo. Nagising kasi ako dahil umuungol ka. Binangungot ka ba?" pag-aalala pa rin n'ya.

Hindi ako nakasagot sa kanyang tanong.

Simula kasi ng naging tagpo namin sa elevator ni Xander dalawang linggo na rin ang nakakalipas ay gabi-gabi ko nang napanaginipan ang aming naging pag-uusap noong birthday celebration ni Randy.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon