chapter 22 - mai tai

14.6K 486 190
                                    

A/N

Soriiiiiiiiiii! Sorry sa matagal na update... Hindi ko rin naman gusto kaso wala ako choice. Na-assign sa malayong workplace si author kaya puyatan mode ako dahil sa mahabang oras ng trabaho at byahe.. Sinasampay ko na nga ang eyebags ko ngayon sa tenga ko.

Anyways, gaya ng sinabi ko kanina sa'yo KikoMercado para sa'yo ang chapter na 'to. Natuwa ako nung binasa mo ulit ang buong story. Thank you, thank you!!!

Malapit na ang ganap, kaya abang-abang na po tayo ha? Salamat sa patuloy na pagbabasa.

Alam kong na-miss n'yo ang character na ito kaya simulan na! Hahahaha!

----> si Daniel po sa media.

----------


DANIEL POV

Narito ako ngayon sa isang coffe shop at hinihintay ang taong naging dahilan kung bakit kailangan kong mapahiwalay kay Tom ng mahabang araw.

"Nami-miss na kita..." mahina kong sambit.

Humigop ako ng aking kape. Paglapag ko ng aking tasa ay muli kong napansin ang brown envelope sa aking mesa. Kinuha ko ito at muling binuksan.

Hindi ko maiwasang mapahigpit ang pagkakahawak sa mga papel na kinuha ko mula rito. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na ba itong pinagmasdan. Ngunit sa tuwing makikita ko ito ay naninikip ang dibdib ko.

"Tsk! Tsk! Tsk! Still the same loser Danny?" ang biglang tinig ng isang babae mula sa aking likuran.

Kilala ko na kung sino ito. At narinig ko pa lang ang kanyang boses ay kumukulo na agad ang dugo ko.

"'Wag kang makialam sa personal kong buhay Josephine." sambit ko nang hindi s'ya nililingon.

Muli kong ibinalik ang mga papel sa envelope na pinaglalagyan ko nito.

"Oh c'mon Danny! Didn't you even missed me?" tanong n'yang nakangiting mapang-asar matapos umupo sa silyang nasa kaliwa ko.

"Stop calling me Danny like we're close friends." seryoso ko namang sagot sa kanya.

Ngunit sa halip na mainis sa aking sinabi ay nagpakawala pa ito ng malakas na tawa.

"Poor Danny! Hanggang ngayon pala galit ka pa rin sa 'kin? Hindi ka pa rin ba maka-move on? Don't tell me bitter ka pa rin dahil ang Kuya mo ang pinili ko dati over you?" natatawa n'yang tanong.

Nag-init ang ulo ko nang marinig iyon sa kanya. Ano bang akala n'ya? Na apektado pa rin ako sa nangyari noon?

"The hell! 'Wag kang masyadong bilib sa sarili mo Josephine." tangi kong reaksyon.

Nang sabihin ko sa kanya iyon ay tumigil s'ya sa kanyang pagtawa. Ngumisi s'ya at tinitigan ako ng mata sa mata. Nilabanan ko nang nanlilisik kong mga mata ang sa kanya ngunit hindi s'ya nagpatinag. Nanatili s'yang nakangisi.

Ilang saglit pa ay inangat n'ya ang kanyang hintuturo at inilagay ito sa aking pisngi. Hindi ako gumalaw sa aking kinauupuan at nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Dahan-dahan n'yang ibinaba ang kanyang hintuturo mula sa aking pisngi papunta sa aking leeg.

"Sa tingin mo ba Daniel, hindi pa ako bibilib sa sarili ko kung lahat ng plano ko ay sinasang-ayunan ako? Masyado akong magaling Daniel. Masyado akong magaling na kahit magtulong-tulong pa kayo ay wala kayong magawa kundi panoorin lang ang bawat pagkilos ko." nakangisi at nakataas ang kilay n'yang sambit.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon