chapter 23 - gin fizz

13.8K 496 162
                                    

A/N

Musta naman mga mahal kong readers? Hahaha! Sorry na dahil sa matagal na update.

Dedicated kay Sir Hiro_Jiro_ToT ang chapter na 'to.. Alam kong kilang-kilala n'yo na s'ya dahil isa s'ya sa pinaka-sikat na author dito sa watty pero ayaw n'ya pang aminin.. haha! Masaya ako dahil napansin n'ya at binigyan n'ya ng oras ang basahin ang sinulat ko.. Salamat Sir!

At para naman sa inyong mga readers ko na inaatat ako sa pag-pm sa fb maging dito sa watty, maraming salamat din sa matiyagang paghihintay.. Labyu guys!

Okay, simulan na natin!

----> si Xander po sa media.

----------



XANDER POV

Sa wakas ay nagawa n'ya nang sagutin ang tawag ko.

Sa ilang araw n'yang pangga-gago sa akin ay nagkaroon na rin s'ya ng lakas ng loob na sagutin ang tawag ko!

"Sino ka ba talaga?!" halos pasigaw ko nang tanong sa kausap ko sa aking cellphone.

Halos dalawang linggo na akong binubulabog ng taong kausap ko ngayon at wala akong ideya kung sino s'ya.

Hindi s'ya sumagot sa aking tanong. Narinig ko pa ang kanyang pagtawa at alam kong lalaki s'ya base na rin sa tono ng kanyang pagtawa.

Hindi ko maiwasang ikuyom ang aking kamao dahil pikon na pikon na talaga ako sa kanya.

"'Wag mong sagarin ang galit ko! Hindi mo magugustuhan ang mangyayari 'pag nalaman ko kung sino kang hayop ka!" muli ko nanamang pagsigaw sa kanya.

Sa pagkakataong ito ay sumagot na s'ya.

"Relax dude! Hindi ka dapat magalit sa akin. Dapat nga magpasalamat ka pa." sagot n'ya sa akin at alam kong nakangisi s'ya sa mga oras na ito.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang aking sarili.

"Ano bang kailangan mo? Bakit mo ba ako ginugulo?" tanong ko sa kanya.

"Tsk! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo Xander na hindi kita ginugulo? Concern lang ako sa'yo." sagot n'ya naman sa akin.

Nag-init nanaman ang ulo ko at bumalik ako sa pagsigaw ko sa kanya.

"Concern?! Eh gago ka pala talaga eh! Wala ka naman ginawa kundi ang bigyan ako ng mga messages na walang kwenta! Hindi mo ako madaling mapapaniwala sa mga pinagsasabi mo! Mahal ako ni Tom at sa kanya lang ako maniniwala! Hindi sa kagaya mo na walang tapang na magpakilala!" sigaw ko sa kanya.

"Talaga ba Xander? Paano ka naman nakakasiguro d'yan sa mga pinagsasabi mo? Ni hindi ka nga hiningian ng mahabang paliwanag ni Tom kung ano ang nangyari 2 years ago 'di ba? Basta ang alam n'ya lang, nagsakripisyo ka para sa kaligtasan nila ng pamilya n'ya. Tapos ano? Nangyari pa 'yon noong nasa bundok kayo. Galit na galit s'ya noon sa'yo at hindi ka pinapansin. Pero hindi ka ba nagtaka na ang bilis n'ya naman na mapatawad ka? Ang bilis n'yang maniwala sa sinabi mo." mahaba n'yang wika na s'yang ikinatahimik ko.

Naguguluhan na talaga ako! Sino ba 'tong tao na 'to at parang ang dami n'yang alam?!

Dahil sa pananahimik ko ay muli nanaman s'yang nagsalita.

"Natahimik ka dahil totoo? O natahimik ka dahil nagtataka ka kung bakit ang dami ko alam?" tanong n'yang muli at nagpakawala nanaman ng malutong na tawa.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon