chapter 11 - tequila sunset

16.7K 657 205
                                    

A/N

Hi guys! Hindi ako naka-move on sa huling chapter kaya susubukan kong dugtungan ang kaharutan ni Xander at Tom. Hahahaha!

Enjoy reading!

----> si Xander po sa media.

----------


TOM POV

Nasisilaw ako sa liwanag na nanggagaling kung saan kaya iminulat ko ng paunti-unti ang aking mga mata.

Inilibot ko ang aking paningin at nagulat ako sa aking mga nakikita. Napabalikwas ako dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar kung nasaan ako ngayon.

"Aray..." nasambit ko at napahawak ako sa aking ulo.

"Anong nangyari?" tanong ko sa aking sarili.

Muli kong inangat ang aking ulo at tiningnan ang paligid.

"Nasaan ako?" tanong kong muli.

Napatingin din ako sa aking suot na damit.

"Kanino 'to?" tanong ko nanaman.

Labis akong nagtataka sa mga nakikita ko. Unti-unti kong inalala ang mga pangyayari kahapon.

Teka.

Wait lang.

Processing......

25% processed.....

50% processed.....

75% processed....

.

.

.

.

.

.

100%

.

.

Completed!

"Tae!!!" ang nabibigla kong sambit.

"Wala akong maalala!" dugtong ko pa.

So sobrang kalasingan ko yata kagabi ay wala na akong matandaan sa mga nangyari. Ang huli kong naaalala ay naglalaro pa kami nila Sir Lojie, Olyn at Xander kagabi. At hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari matapos 'yon.

Muli kong pinagtuunan ng pansin ang lugar kung nasaan ako ngayon. Nakaupo pa rin ako sa kama habang iniinda ang sakit ng ulo.

Kainis naman kasing hang over na 'to!

Tumayo ako sa kamang iyon at tinungo ang isang glass window. Tanaw ko mula sa aking pwesto na nasa isang mataas akong lugar. Mukhang nasa isang condominium ako dahil nakikita ko rin ang ibang unit ng building na ito sa gilid at ibabang bahagi nito, maging sa taas ng aking kinatatayuan ay ganoon din.

Matapos iyon ay tinungo ko naman ang isang pinto sa loob ng kwartong iyon.

"Sakto, banyo pala 'to." sambit ko nang makapasok ako.

Nararamdaman ko na rin kasing puputok na ang pantog ko, kailangan ko nang magbawas ng likido. Marami yata talaga akong nainom kagabi.

Bago pa ako makarating sa kinaroroonan ng toilet bowl ay napansin ko ang isang sticky note na nakadikit sa salamin doon.

"Tom,

Good morning! Nasa tabi ng sink 'yung mga pwede mong magamit pagkagising mo. Nasa labas lang ako kung may mga kakailanganin ka.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon