A/N
Homaygad!! Parang ayoko ituloy ang pagtatapos ng unang kwento na ginawa ko!! Chos! Makaarte lang eh noh? But seriously, nalulungkot talaga ako. Napamahal na sa akin ang kwentong 'to.
Anyway, para 'to kay StephenDamasco!! 'Yung nakikipagsabayan sa akin sa puyatan 'pag nagsusulat ako kahit magkalayo kami ng lugar?! 'Yung nand'yan s'ya simula pa lang ng book 1?! S'ya 'yon!! Hahahaha! Salamat kasi naging kaibigan kita kahit hindi tayo personal na nagkakilala!! Salamat kasi nakikinig ka mga kadramahan at kaartehan ko sa buhay! Salamat pa rin kahit minsan binubully mo ako!! Hahahahaha!
Enjoy reading Pre-Finale mahal kong readers!!
----> si Tom po sa media.
----------
TOM POV
"Baby, sigurado ka bang okay lang sa'yo na ganito ang suot ko? Pwede ko naman gamitin na lang ang corporate attire ko para sa program n'yo." nag-aalangan kong tanong kay Carla.
Hindi agad nakasagot si Carla dahil abala ito sa paglalaro sa kanyang iPad habang prenteng nakaupo sa sofa dito sa aming condo.
"Papa, you worry too much. Of course it is! I told my teacher that my Papa is a waiter." sagot nito at hindi sa akin nakatingin.
Um-absent kasi ako sa aking trabaho para lamang sa nire-request n'yang ito. Mayroon daw silang malaking activity sa school na gaganapin malapit sa dito sa aming tinitirahang condo dito sa Alabang. Nagtataka nga ako kung bakit dito pa gaganapin ang kanilang activity samantalang masyado itong malayo sa kanilang school. Hindi na lamang ako nag-usisa dahil pabor din naman ito sa amin ni Xander dahil makakasama namin si Carla.
Ito raw ay bahagi ng kanilang malaking project bago sila magbakasyon mula sa school. Sinabihan sila na papuntahin ang pinaka-espesyal na tao sa kanila habang suot nito ang kanilang damit na nagpapakilala bilang kanilang propesyon.
Naging napakasaya ko naman noong ibalita sa akin ito ni Carla. Sino ba naman ang hindi magiging masaya kung ako ang napili n'ya bilang espesyal na tao para sa kanya 'di ba? At dahil ako ang taong iyon ay mabilis naman akong pumayag kaya naglaan talaga ako ng araw para dito sa event nilang ito.
Ngunit ipinagtaka ko nang sabihin nitong dapat daw ay naka-uniporme ako ng isang waiter sa restaurant. Nagtataka ako dahil mas pinili nito na ganoong propesyon ang naisip n'ya bilang pagpapakilala sa akin.
Kasama naman namin si Xander sa event pero mananatili lamang s'ya sa baba ng stage upang panoorin lamang kami ni Carla. S'ya na rin ang nagpresinta na kukuha ng video kapag ipinakilala na ako ni Carla sa stage.
"Baby, bakit naman kasi waiter pa ang napili mong ipasuot sa akin? Pwede naman na bilang isang Manager ako 'di ba? Dahil 'yun naman talaga ang posisyon ko ngayon sa kompanya ng Daddy mo." pagkausap ko pa rin sa kanya.
Sinagot naman ako nito pero nanatili pa rin ang kanyang mga mata sa kanyang iPad.
"Masyadong common na kasi Papa 'yung Manager. I'm sure my classmates will bring their parents na manager naman ng bank or whatever. Well at least, I have my Papa na waiter." kaswal nitong sagot.
Napabuntong hininga naman ako sa kanyang sinabi.
"Iniisip ko lang naman baby 'yung sasabihin ng mga classmates mo eh. Or 'yung sasabihin ng parents nila. Ayaw ko na pag-uusapan ka nila." pag-aalala ko pa rin.
BINABASA MO ANG
Taste of a True Love II (COMPLETED)
Romance|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong...