A/N
Hi guys!
Baka po may ilan sa inyo na hindi nababasa ng buo ang bawat chapter ng kwento. May nakarating po kasi sa akin na nangyari 'yun sa kanya, twice na nga actually. Sayang naman 'yung nami-miss n'yong event. Hehe!
Gusto ko lang po sabihin na may palatandaan ang bawat chapter na pina-publish ko. Lagi pong may A/N ang bawat chapter ko sa umpisa at sa huli kahit walang kakwenta-kwenta ang pinagsasabi ko. Kung wala ang mga 'yon, ibig sabihin hindi po buo ang chapter na nababasa n'yo.
Kung mangyari man po ito, ang gawin n'yo po ay i-delete muna sa library n'yo itong story tapos i-add n'yo na lang po ulit. I'm sure lalabas na po ang buong chapter.
'Yun lang po! Salamat at nasabi sa akin ni StephenDamasco.. Hahaha! Ayan, sinuplong ko ang nagsabi sa akin... Peace!!
Enjoy reading po!
----> si Charm/Cha po sa media.
----------
TOM POV'Master, mag-lunch ka na. Magkita na lang tayo mamaya. I love you!'
ang natanggap kong mensahe mula kay Xander.
Wala kasi s'ya ngayon sa opisina dahil s'ya na mismo ang naghatid kay Carla kaninang umaga sa kanilang bahay sa Manila. Hindi n'ya na rin inutusan ang kanilang driver at yaya para sunduin ito.
Hinatid muna nila akong dalawa kanina dito sa hotel para pumasok. Noong una nga ay ayaw pang pumayag ni Carla na pumasok ako. Pero dahil na rin sa ginamitan ko s'ya ng nakakaawa kong mukha ay nakumbinsi ko na rin s'ya.
"Hay! Nami-miss ko na agad ang mag-ama!"
mahina kong sambit habang hawak ko pa rin ang aking cellphone at nakatingin sa text message sa akin ni Xander.
'Magkita na lang tayo mamaya. I love you more. Miss ko na agad kayo ni baby Carla.'
reply ko naman sa kanya.
Wala pang isang minuto ay nakita ko na sa screen ng cellphone ko na tumatawag ito.
"Hello Master!" pagsagot ko sa tawag habang nakangiti.
"I love you most Master!" malambing na sagot n'ya naman sa akin.
Natawa naman ako sa kanyang sinabi. Hindi talaga nagpapatalo si Xander.
Hindi pa ako nakakasagot sa sinabi n'ya ay nagulat naman ako sa boses na nagsalita sa kabilang linya.
"Papa, I miss you na!" masayang bati ni Carla.
Mas lalo akong napangiti dahil sa narinig ko ang boses ni Carla.
"Hi baby! I miss you more!" masaya ko ring sagot sa kanya.
"I miss you most Papa! And I love you more than the most!" ang hindi rin na nagpapatalo n'yang sagot.
Hay grabe! Ang kulit! Pero tuwang-tuwa ako sa kanya!
"Anak, akin na nga 'yang cellphone ko! Kahapon ka pa ha?!" ang naririnig kong reklamo ni Xander kay Carla.
"Wait lang po Daddy! Kausap ko pa po si Papa!" narinig ko namang sagot ni Carla sa kanya.
Napapailing na lamang ako habang nakangiti sa kakulitan ng mag-ama.
"Hello Papa?" tanong muli sa akin ni Carla.

BINABASA MO ANG
Taste of a True Love II (COMPLETED)
Romansa|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong...