A/N
Hello to you all!!
Eto na 'yung kinasasabikan ng marami! Mangyayari na ang matagal n'yo nang gustong maganap! Hahahahaha!
Para sa'yo wickedsmile!! Eto na 'yun oh! Todo na 'to! Matagal mo nang hinihiling 'to kaya awra ka na! Hahahahaha!
Enjoy reading guys!
----> Si Tom po sa media.
©to the pic.
----------
TOM POV"Randy, sigurado ka ba talaga dito? Okay lang naman talaga kami ni Sir Lojie. Kaya na namin 'to." may pag-aalala kong pagkausap kay Randy.
Nakita ko ang saglit n'yang paglingon sa akin habang nakataas ang kanyang isang kilay.
Natatahimik talaga ako kapag ganito s'ya. Hindi ko minsan maiwasang makaramdam ng takot sa kanya. May pagkamasungit din kasi s'ya minsan sa totoo lang.
Narito kami sa kanyang kotse at patungo sa pinapasukan naming hotel.
Oo, kasama ko na s'yang nagtatrabaho bilang assistant ko sa hotel. Iyon na rin ang napagdesisyunan nilang dalawa ni Sir Lojie bilang panimula ng pagbawi namin sa pag-aari ni Xander.
Alam rin pala ni Randy at ng mga kaibigan namin na dalawa kami ni Xander ang may malaking share sa hotel na ito simula pa noong una. Pero napakiusapan sila ni Xander na 'wag munang ipaalam ito sa akin hanggat hindi pa naisasaayos ang mga dokumento na kailangan dito. Sinabi din nila sa akin na sa simula pa lang ay umaasa na si Xander na magkakaayos kami. Pero marami pa ang naging kaganapan bago iyon nangyari. Marami pang pinagdaanan si Xander para muli akong mabawi. Ngunit noong mabawi n'ya ako at nagkaroon kami ng isang buwang masayang pagsasama ay mabilis din s'yang nawala sa akin.
Dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula nang insidente sa pagitan namin nina Daniel. At sa loob ng dalawang linggong iyon ay naging abala kaming tatlo nina Randy at Sir Lojie. Pinag-aralan ang mga dapat pag-aralan sa pagpapatakbo ng hotel sa tulong na rin ng abogadong ipinakilala ni Ma'am Shai.
"Ngayon ka pa ba nag-aalala Tom? Nasimulan na natin 'to kaya wala nang atrasan." seryoso n'yang sagot sa akin.
"Nag-aalala lang kasi ako. Baka kasi mapabayaan mo na rin ang trabaho mo sa restaurant." wika ko sa kanya.
"Wala kang dapat alalahanin doon Tom. Kaya na nina Shai at Rigo 'yon. Isa pa, gaya ni Xander noon, nagagawa ko naman ma-monitor ang dalawang restaurant na 'yon kahit nagtatrabaho ako sa'yo." pagkumbinsi n'ya naman sa akin.
Natahimik ako sa kanyang sinabi. Alam ko naman na kaya n'yang pagsabayin ang mga ito. Matalinong tao si Randy. Alam ko ang bagay na iyon dahil naikwento na rin 'yon noon sa akin ni Xander. Sa katunayan nga ay si Randy ang nagiging consultant n'ya sa pagpapatakbo ng restaurants n'ya simula pa lang noong una.
Kung tutuusin ay pwede nga s'yang magtayo ng sarili n'yang negosyo ngunit mas pinili n'yang tulungan si Xander bilang pagtanaw ng utang na loob dito noong panahon na tinutulungan s'ya ng pamilya ni Xander para makapagtapos ng pag-aaral.
Dahil sa mga huli kong nabanggit at naisip ay may katanungan na pumasok sa isip ko.
"Oo nga pala Randy, may naalala ako. Hindi ba binalak ni Daniel na kunin pati ang restaurants ni Xander?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Taste of a True Love II (COMPLETED)
Romance|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong...