chapter 3 - margarita

17K 680 167
                                    

A/N

Hi guys! Sorry kung almost a week eh wala akong update. May mga tinapos lang po ako, medyo naging busy.

Anyway, dedicated itong chapter na ito kay opensoul. Natutuwa talaga ako sa bawat comment na ginagawa n'ya. Thank you! Thanks sa pag-aabang sa bawat chapter..

Here's chapter 3 guys! Enjoy reading!

----> si Xander po sa media.

----------

TOM POV

Mabilis na lumipas ang araw at naging maayos naman ang simula ko bilang F&B Director sa Diamond Llyx Hotel.

Sa una ay nahirapan akong mag-adjust kahit pa nasa Pilipinas na ako nagtatrabaho. Pero mabuti na lamang at madali akong nakakasunod dahil na rin sa mas advance sa Amerika kung saan ako galing kaya naging madali na rin ang lahat habang tumatagal.

Sa loob din ng halos mag-iisang buwan ay masaya pa rin kami ni Daniel na nakatira sa nakuha naming condo. Itinigil n'ya muna ang paghahanap ngayon ng trabaho dahil mas gusto raw muna nitong sulitin ang pagbabakasyon sa ngayon.

Naiintindihan ko naman s'ya sa bagay na iyon dahil sa loob ng dalawang taon namin sa Amerika ay naging abala rin s'ya sa kanyang pagtatrabaho roon. Ang unang taon ko kasi roon ay ginugol ko sa pag-aaral habang s'ya ay nagtatrabaho. Sa pangalawang taon naman ay nagtrabaho na rin ako at s'ya naman ay pinagpatuloy pa rin ang pagtatrabaho roon.

Kahit nasa magkaiba kaming kompanya ay hindi naman s'ya nawalan sa akin ng oras para samahan ako. Nagdesisyon na rin noon sina Mama na sa bahay na lamang namin s'ya tumira kasama naming lahat para may makakausap din daw ako lagi. Mas naging malapit na rin s'ya sa aking pamilya na ikinatutuwa ko naman.

Kung si Daniel ay nagawa munang magpahinga ngayon, ako naman ay mas gusto kong hindi nababakante ang aking sarili. Subsob ako sa trabaho sa Amerika pa lamang, gusto ko ay lagi akong may ginagawa. Isa iyon sa mga naging paraan para makalimutan ko ang masalimuot na karanasan ko bago ako umalis dito sa Pilipinas.

Sa loob ng halos isang buwan kong pagtatrabaho dito sa hotel ay hindi na muli pang nagtagpo ang landas namin ni Xander. Noong introduction namin ang naging una at huli naming pagkikita na s'yang ipinagpapasalamat ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya at wala rin akong balak alamin. Mas mabuti nga iyon dahil hindi ko mapigilan ang aking galit sa tuwing makikita ko ito.

Tuwing breaktime ko sa trabaho ay pinupuntahan ako ni Olyn dito sa aking office o kaya naman ay tatawagan ako nito. Sabay kaming nagla-lunch at kung minsan naman ay nagdi-dinner kami ng sabay.

Naging malapit na rin kami ni Olyn sa loob ng halos isang buwan naming pagtatrabaho dito. Kalog at masayahin ang babaeng iyon. Nalaman kong gay ang kanyang kapatid at isang college student. Sa kapatid n'ya rin nakukuha ang mga salitang kakaiba na hindi ko minsan maintindihan.

Hindi na rin ako nagpapasundo kay Daniel dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na naririto rin si Xander na nagtatrabaho at kasama ko sa iisang kumpanya. Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit hindi ko magawang sabihin sa kanya ang bagay na iyon. Sa tuwing nagbabalak kasi akong sabihin sa kanya iyon ay nawawalan ako ng lakas ng loob lalo na kung nakikita ko ang masaya n'yang mukha sa tuwing kinakausap ako. Ayaw kong mabura ang mga ngiti n'yang iyon kaya pinili ko na lamang na ilihim sa kanya ang bagay na iyon. Darating din ang oras na masasabi ko rin iyon sa kanya, pero kailangan kong humanap ng magandang tiyempo.

Naputol ang mahaba kong pag-iisip nang tumunog ang aking cellphone sa aking bulsa. Si Olyn ang tumatawag.

"Yes Olyn?" sagot ko sa tawag n'ya.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon