A/N
Hello mahal kong readers!
Susme! Inulan ako ng reklamo at tanong tungkol sa huling chapter sa fb pati na rin dito sa wattpad sa pagp-PM sa akin. Pero kahit ganon, masaya ako at nakaapekto 'yun sa inyo. Ibig sabihin kasi naramdaman n'yo ang kwento.
Kaway-kaway d'yan alkie02 na naging pinakamaingay sa lahat. Hahaha! Eto na ang promise ko, sa'yo 'tong chapter na 'to. Salamat ng marami!
Alam n'yo naman na ang bawat chapter ko ay may title na cocktail 'di ba? Baka lang po may magtaka sa title, may ganyan po talagang cocktail. hahahaha!
Oo nga pala, baka lang gusto n'yong i-download ang kantang "Say you'll never go" ni Eric Santos at pakinggan n'yo habang binabasa ang buong chapter. Nasa media po ang song. (Juicecolored! Parang binabayaran ako para i-promote ang kanta ni kafatid na Eric S.)
Start na natin. Enjoy reading!
----> si Xander po sa media. Mukha s'yang angel sa photo 'no? Hehe!
----------
TOM POVKabado at excited ako ngayong araw na 'to.
Bakit nga ba hindi? Ngayon ang unang buwan namin ni Xander simula nang kami ay magkaayos at magkabalikan.
Natatawa ako sa kadahilanang nakalimutan na yata ni Xander ang araw na ito dahil sa sobrang saya n'ya na nagkakasama na kaming muli. Kung noon ay ako ang kanyang sinosorpresa sa monthsary namin, ngayon ay pagkakataon ko na para sorpresahin s'ya.
Muli akong humarap sa salamin para suriin ang aking sarili. Handa na ako na magkita kaming muli dahil hindi kami magkasama kagabi. Umuwi kasi ako dito sa condo namin ni Daniel dahil may kinailangan pa akong ayusin kagabi bago ang araw na ito. Kung magkasama kasi kami ni Xander ay hindi ko iyon magagawa.
"Go Tom! Kaya mo 'yan!" pagpapalakas-loob ko sa aking sarili.
Itinaas ko pa ang aking kamao habang may malapad na ngiti.
Sana nga ay maging matagumpay ang lahat. Halos dalawang linggo ko rin itong pinaghandaan. Walang araw na hindi ako tumawag sa aming mga kaibigan para ipaalam ang lahat. Isa rin kasi iyon sa paraan para matulungan nila ako.
Ilang araw na rin akong walang sapat na tulog dahil tuwing madaling araw naman ay tinatawagan ko ang iba kong kaibigan na hindi ko makausap tuwing araw. Nasa pang-gabi kasi ang kanilang mga schedule sa trabaho kaya kinailangan kong gumising pa ng madaling araw para kausapin sila. Nahirapan din ako dahil sinisigurado kong hindi dapat marinig ni Xander ang aming pag-uusap.
Ayaw kong masira ang plano kaya sa tuwing magtatanong sa akin si Xander sa mga nagte-text at tumatawag sa akin ay kinakailangan kong magsinungaling. Nakokonsensya ako sa pagsisinungaling ko sa kanya. Pero sa tuwing iniisip ko ang magiging reaksyon n'ya kapag nangyari na ang sorpresa ko para sa kanya ay alam kong maiintindihan n'ya rin ako.
Wala kasing ideya ang mga kaibigan namin na muli na kaming nagkaayos ni Xander. Nang maibalita ko nga sa kanila ito sa pamamagitan ng pagtawag ko sa telepono ay hindi sila lahat makapaniwala. Pare-pareho sila ng reaksyon kaya halos nasaulo ko na ang mga naging paliwanag ko sa kanila.
Nagtagal lang ako sa pakikipag-usap kay Cha dahil medyo nagkaroon pa kami ng konting drama. Alam n'ya na pala kasi ang dahilan kung bakit ako nilayuan noon ni Xander pero hindi n'ya sa akin iyon sinabi. Umiyak s'ya ng umiyak sa telepono dahil paulit-ulit n'ya akong sinumbatan. Hindi ko nga kasi nagawang makipag-usap sa kanila noong nasa Amerika ako. Hindi ko rin sila hinayaang magsalita noong nakabalik naman ako kaya hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na ipaalam sa akin ito. Sa huli ay ako rin ang sumuko dahil alam kong lahat ay pagkakamali ko. Naging maayos din naman ang lahat kaya sa huli ay kasama sila sa mga nagplano ng gagawin kong sorpresa para kay Xander.
BINABASA MO ANG
Taste of a True Love II (COMPLETED)
Romance|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong...