A/N
Waahh!! Excited ako sa chapter na 'to!!
Wala nang mahabang speech! Let's proceed!
Enjoy reading guys!
----> si Xander po sa media
----------
TOM POVMasakit.
Nasasaktan ako.
Nahihirapan din ako.
Pero ito ang nararapat.
Ilang araw at linggo na ba akong ganito? Hindi ko na alam.
Ang akala ng iba ay gusto kong gawin ang mga bagay na ito. Sa tuwing makikita ko ang malungkot na ekspresyon ni Xander, sa bawat pagluha n'ya at sa bawat pagmamakaawa n'ya ay doble ang hatid na sakit nito sa akin.
Hindi ko naman gustong gawin ang mga bagay na ito. Pero wala akong ibang mapagpipilian dahil may isang taong mas masasaktan. May isang taong umaasa sa akin.
Si Daniel.
Si Daniel na walang ibang inisip kundi ang kapakanan ko. Si Daniel na mas piniling samahan ako sa pinakamasakit na bahagi ng buhay ko. Si Daniel na hindi ako iniwan. Si Daniel na matiyagang naghintay para sa akin.
Sa bawat araw na lumipas na nakakasama ko noon si Xander ay hindi ko namamalayan sa sarili kong unti-unti n'ya nang nawawasak ang pader na matagal kong itinayo para hindi na ako muli pang masaktan. Pero bago pa tuluyang mangyari 'yon ay kailangan ko nang pigilan ito.
Ayaw ko nang masaktan. Ayaw ko nang maulit ang nangyari sa amin dalawang taon na ang nakakalipas.
Isa pa, hindi ko nga alam kung ano na ba ang estado nila ni Josephine. S'ya ang ina ni Carla at wala akong pinahahawakan sa kanya.
Hindi ko pwedeng hayaan ang sarili ko na muling mahulog kay Xander lalo na at wala itong kasiguraduhan. Hindi naman siguro mali ang pinili kong desisyon dahil ayaw kong mas maraming tao pa ang masaktan. Tama na ang kami lang dalawa ni Xander.
Alam kong marami ang hindi nakakaintindi sa akin. Pero alam kong darating ang araw sa sasabihin nilang tama ang naging desisyon ko. Ayaw ko lang na mas marami pa ang magsakripisyo para lang sa kaligayahan ko.
Sa tuwing mapapag-isa ako ay doon ko ibinubuhos ang sakit na nararamdaman ko. Doon ko ibinubuhos ang mga luhang hindi ko mapakawalan dahil sa labis na sakit na nararamdaman ko. Kung alam lang nila, hindi ko rin kayang tingnan si Xander na nasasaktan. Hindi ko rin kayang makita ang paghihirap n'ya.
Simula nang magdesisyon akong umiwas kay Xander ay nagsimula na rin ang aking kalungkutan. Sa bawat salitang binibitawan ko para lang hindi n'ya na ako kausapin ay parang may sibat ng tumatama sa dibdib ko. Lalong-lalo na noong magdesisyon akong tuluyan na s'yang kalimutan. Pakiramdam ko ay unti-unti na akong namamatay. Pero dapat kong pigilan sa harap n'ya ang emosyon ko. Ayaw kong bigyan ng pag-asa si Xander dahil ayaw kong tuluyan pa s'yang umasa na magkakaayos pa kami. Mas makabubuti kung habang maaga pa lang ay matutunan n'ya na rin akong kalimutan.
Katulad na lamang ngayong gabi. Naganap ang pinakamahirap na desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. Ang kaisa-isang bagay na magpapaalala sa magandang pinagsamahan namin ni Xander ay tuluyan ko nang pinakawalan.
Hindi alam ng ilan kung gaano karaming lakas ng loob ang inipon ko para pakawalan ang bagay na iyon. Nang tuluyan ko itong itapon sa nagliliyab na apoy kasama ang ibang bagay na itinapon ng aming mga kasamahan.
BINABASA MO ANG
Taste of a True Love II (COMPLETED)
Romance|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong...