A/N
Hello mahal kong readers!
Hindi ko alam bakit nawawalan ako ng lakas ngayon magsulat. Dahil siguro sa mga susunod na chapters? O dahil alam kong konting chapters na lang ang natitira? Waaahhh!! Iniisip ko pa lang na matatapos na 'tong sinusulat ko nami-miss ko na ang mga characters!
Sana support n'yo pa rin ang XanTom o TomXan hanggang sa huli ha? Kahit anong mangyari....
Anyway, focus muna tayo sa natitira pang mga chapters!
----> si Xander po sa media.
©to the owner of the photo.
----------
TOM POV
Nanlalamig ang aking katawan at patuloy na nanginginig ang aking mga kamay dahil sa kaba na aking nararamdaman. Ngunit hindi ito dahil sa lamig ng panahon dulot ng pag-ulan.
Dalawang araw na rin ang nakakalipas simula nang huli kong makita si Xander. Halos hindi rin ako makatulog ng maayos dahil sa labis na pag-aalala.
"Hello Sir Lojie?! Nandito na po ako!" mabilis na pagsagot ko sa kanyang tawag.
"Oy! Relax ka lang! Parating na ako, 'wag masyadong excited!" sagot nito sa akin.
Hindi ko na lamang pinansin ang kanyang pagbibiro. Mas mahalaga ang makita ko s'ya ngayon dahil alam kong may kinalaman kay Xander ang kanyang sasabihin kaya s'ya makikipagkita sa akin.
"S-sige po. Maghihintay na lang ako sa inyo." sagot ko na lamang nang makalma ko ang sarili ko.
"I'll be there in 5 minutes. Ipa-park ko lang ang kotse ko." wika naman nito at ibinaba na rin ang tawag.
Narito ako ngayon sa isang coffee shop para katagpuin s'ya. Ang totoo ay kahapon lamang kami huling nagkita. At iyon ay nang subukan kong puntahan si Xander sa ospital.
Simula nang pagbawalan ako ng ina ni Xander na makita ang kanyang anak ay hindi na nga ako makalapit dito. Naging mahigpit ang pagbabantay ng kanyang mga magulang sa kwarto ni Xander. Talagang sinigurado nilang walang maaaring makadalaw kay Xander maliban na lamang sa kanilang mga kamag-anak.
Maging ang aming mga kaibigan ay hindi nila hinayaang makadalaw kay Xander. Hindi ko alam ang dahilan ngunit wala naman kaming magawa.
Noong sinubukan kong puntahan si Xander ay nahuli ako ni Sir Lojie. Nagpumilit akong makapasok ngunit nakiusap s'ya sa akin. Sinabi n'yang kung hahayaan n'ya akong makapasok doon at sakaling mahuli kami ay baka pati s'ya ay pagbawalan na rin. Pinaintindi n'ya sa akin na kung hindi na s'ya makakapasok doon ay lalong akong mawawalan ng pagkakataon na makakuha ng balita kay Xander.
Hindi man ako sang-ayon sa kanyang pakiusap ay napag-isip-isip kong mas mabuti na rin iyon para may pagkakataon akong malaman ang kalagayan ni Xander.
"Tom! Sorry! Ang hirap magpark!" bungad nito nang makapasok sa coffee shop.
"Kamusta s'ya?" mabilis kong tanong sa kanya.
"'Yan tayo eh! Ako muna ang kamustahin mo pwede?! Pa-order muna ng kape dahil nilalamig ako. Sumugod ako dito nang wala man lang dalang jacket!" mahabang pagsagot nito sa akin matapos makaupo.
Bahagya naman akong napahiya. Masyado kasi akong natataranta sa maaari n'yang ibalita.
"S-sorry. Sige, sandali." pagsuko ko naman at mabilis na itinaas ang aking kamay para kunin ang atensyon ng waiter.
BINABASA MO ANG
Taste of a True Love II (COMPLETED)
Romance|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong...