A/N
Yooohooo!! Musta mahal kong readers? Sorry na sa matagal na update. Super busy lang po talaga.
Hello StephenDamasco!! Pinapabati ka rin pala ni Josephine!! Hahahaha!! Para sa'yo 'tong chapter na 'to. Salamat sa pagpupuyat kasama ko!! Hahahaha!
Happy reading po sa lahat!
----> si Tom po sa media.
----------
TOM POV
"Sir Lojie..." pagtawag ko sa kanyang atensyon."Oh bakit?" tanong n'ya naman pabalik.
Narito kami ngayon sa kwarto ni Xander sa ospital kung saan s'ya naka-confine. Nakaupo ako sa kanyang kama at hawak rin ang kanyang kamay. Pinagmamasdan kong mabuti si Xander sa mga oras na ito. Hanggang ngayon ay puro benda pa rin ang kanyang katawan ganoon din ang kanyang ulo.
Awang-awa ako sa sinapit ni Xander. Kung minsan ay hindi ko pa rin mapigilan ang mapaluha habang pinagmamasdan s'ya. Nakakaramdam pa rin ako ng takot sa tuwing naaalala ko ang kanyang naging aksidente. Akala ko ay iyon na ang magiging katapusan ng lahat. Kaya laking pasasalamat ko pa rin dahil nahahawakan ko pa rin s'ya hanggang ngayon.
"Bakit hanggang ngayon hindi pa s'ya gumigising?" malungkot kong tanong kay Sir Lojie.
Narinig ko ang malalim n'yang pagbuntong-hininga. Hindi ko s'ya nakikita dahil hindi ko inaalis ang aking mga mata sa mukha ni Xander. Kung pwede lang na hindi rin ako kumurap ay gagawin ko basta hindi lang s'ya maalis sa paningin ko.
Nakaupo si Sir Lojie sa sofa na naririto sa loob ng kwarto. May kalakihan ang kwarto na kinuha namin para kay Xander dahil minsan ay marami ang bumibisita sa kanya.
"Tom, narinig mo naman ang sinabi ng doktor 'di ba? Dahil sa malubhang aksidente kaya hindi pa rin s'ya nagigising hanggang ngayon. Maghintay lang tayo hanggang sa magising s'ya." mahinahon namang pagsagot sa akin ni Sir Lojie.
Hindi ko pa rin s'ya nilingon. Tanging kay Xander lang nakatuon ang aking mata.
"Apat na araw na s'yang tulog eh. Nakakapagtaka na ang haba ng pagtulog n'ya." malungkot ko pa ring tugon.
"Tom naman, gusto mo bang magising nga s'ya pero iniinda n'ya ang sakit ng katawan n'ya? Hayaan mo munang magpahinga s'ya." payo n'ya naman sa akin.
Apat na araw na nga ang nakakalipas simula ang aksidente. Masaya ako dahil nalampasan ni Xander ang aksidenteng iyon. Masaya ako dahil sa oras na magising s'ya ay alam kong maipagpapatuloy na namin ang masaya naming relasyon.
Simula rin ng araw na iyon ay hindi na rin kami nagkakausap pa ni Daniel. Alam kong gusto n'ya akong lapitan at kausapin pero ako na mismo ang umiiwas sa kanya. Ayaw ko munang sa ibang bagay ko itutuon ang aking atensyon. Mas kailangan ako ni Xander ngayon kaya ibinibigay ko ang lahat ng oras ko sa kanya.
Hindi na rin muna ako pumapasok sa trabaho para lang mabantayan s'ya. At sa tuwing matatapos ang oras ng pagdalaw ay umuuwi muna ako sa aming condo at magpapahinga lang sandali. Kinabukasan naman ay maaga akong nagigising para puntahan s'ya.
Kahit wala pa rin malay si Xander sa mga oras na ito ay lagi ko s'yang kinakausap. Gusto kong maramdaman n'ya ang presensya ko sa lahat ng oras. Gusto kong marinig n'ya ang mga katagang 'mahal na mahal kita' mula sa akin. Kaya kahit natutulog s'ya ngayon ay lagi kong sinasabi iyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Taste of a True Love II (COMPLETED)
Romance|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong...