A/N
Hi guys! Musta ang buhay-buhay?
Dedicated ang chapter na 'to kay StephenDamasco na nakaka-chat ko ngayon. Hindi ko na sasabihin kung ano topic natin kasi ang dami, alam mo na 'yun! Hahahahaha!
Enjoy reading chapter 18 guys!!
----> si Xander po sa media.
----------
XANDER POVNarito ako ngayon sa aking office sa hotel at nagmumukmok.
Bakit?
Dahil lang naman sa walang paramdam sa akin si Tom simula kahapon hanggang kanina.
"Tang*na! Mababaliw na ako dito!"
mahina kong sambit habang paikot-ikot lang dito sa loob ng opisina ko.
Nakabalik na kami sa kanya-kanyang trabaho matapos ang team building na ginanap sa bundok. At matapos ang aming team building ay wala na akong narinig pa mula kay Tom.
Matapos kasi naming makababa sa coaster na aming sinasakyan bilang service ay nagpaalam na rin ito sa akin na uuwi na rin s'ya ng kanyang tinutuluyang condo. Sinubukan ko s'yang i-invite sa condo ko para doon na muna matulog ngunit tumanggi ito. Ang sabi n'ya ay may aasikasuhin pa raw kasi s'yang mahalagang bagay kaya pumayag na rin ako.
Noong gabi ay nakakapag-reply pa naman s'ya sa mga texts ko. Nagawa pa nga n'yang sagutin ang tawag ko at nag-usap pa kami ng mahabang oras hanggang sa makaramdam kami ng antok.
Pero simula kahapon hanggang kaninang umaga ay hindi ko pa ito nakakausap. Hindi rin s'ya nakakapag-reply sa mga texts ko at hindi sinasagot ang mga tawag ko. Sinubukan kong tawagan ang kanyang assistant para alamin kung dumating na ba s'ya sa kanyang opisina. Pero nadismaya lang ako dahil sinabi nito na half day daw ngayon ang pasok ni Tom.
Kahapon kasi ay binigyan kami ng isang araw na pahinga. At ngayong araw nga ang pagbabalik namin para magtrabaho.
Umupo ako sa swivel chair ko dahil nahihilo na rin ako sa kakaikot. Hindi rin ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa pag-aalala.
Nang tuluyan na akong makaupo ay bigla kong naalala ang isang bagay na napakaimportante sa akin. Kinuha ko ito sa drawer ng aking desk at nang tuluyan ko nang mailabas ay kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi.
"Ang cute talaga!" sambit ko habang hawak ang picture ni Tom na nasa frame.
Nang muli kong maalala ang mga nangyari sa bundok ay hindi ko maiwasang mapangiti.
Putek! Hindi lang ngiti! Gusto kong magtatalon hanggang ngayon sa tuwa at sumigaw hanggang sa mapaos ako!
Hindi ko alam na magaganap sa bundok ang muli naming pagkakaayos ni Tom. Tila ba lahat ng masasakit na nangyari sa loob ng mahigit dalawang taon ay tuluyan nang nabura. Lahat ng iyon ay nakalimutan ko na at tanging kasiyahan na lamang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Sa totoo lang ay parang gusto ko nang sumuko nang mga oras na iyon. Para bang nawawalan na ako ng pag-asa na magkakaayos pa kami dahil sa dami ng nangyari nang mga nakalipas na araw. Akala ko ay hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na magpaliwanag sa kanya.
Kaya noong gumising ako ng umaga ay wala akong ganang kumilos at gusto ko na lamang bumaba ng bundok para umuwi. Kaya hindi ko na rin napigilan ang aking sarili na daanin sa pagsigaw ang pagsasabi ng katotohanan sa kanya. Ang gusto ko sana ay mag-usap kami ng maayos sakaling sabihin ko sa kanya ang totoo. Pero dahil sa bugso ng damdamin ko ay naisiwalat ko ang katotohanan sa ganoong paraan.
BINABASA MO ANG
Taste of a True Love II (COMPLETED)
Romance|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong...