SPECIAL CHAPTER 1

13K 388 559
                                    

A/N

At dahil mahal namin kayo nina Xander at Tom, eto ang special chapter nila. ❤

Shout out kay alkie02 !! Ihanda ang pagsayaw natin, bhe!! Ahahahahaha!

Paki-download n'yo na lang din po ang 'Despacito' ni Justin Bieber. Magagamit natin ito. Sasayaw at kakanta tayo! Charot!

Paano po, enjoy reading ha? Hindi ito ang unang special chapter kaya sana ay hindi n'yo rin ito alisin sa library n'yo.

Yey! Simulan na!

----> sina Xander at Tom po sa media.

Paalala: 'Wag malito kung kayo ay nagbabasa ng No Strings Attached nina Randy at Rigo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paalala: 'Wag malito kung kayo ay nagbabasa ng No Strings Attached nina Randy at Rigo. Opisyal na sila rito at tahimik na ang pamumuhay. Tapos na ang sigalot sa kanilang mga buhay. Charot para sa term na sigalot. 😂

----------

TOM's POV

"Good night, Papa." malambing na pagsasalita ni baby Carla.

Inayos ko muna ang kanyang kumot at siniguradong magiging komportable s'ya sa magiging pagtulog n'ya.

"Good night, baby." sagot kong nakangiti at hinalikan s'ya sa noo.

Hindi n'ya agad ipinikit ang kanyang mga mata. Nakita kong hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin s'ya.

"Papa, are you really okay? I know you're sad kasi hindi n'yo nai-celebrate ang anniversary n'yo ni Daddy ngayon." malungkot nitong pagsasalita.

Saglit akong natigilan. Nabawasan ang pagkakangiti ko ngunit mabilis ko rin na ibinalik iyon. Ayaw kong mag-aalala ang panganay namin ni Xander.

"Okay lang, baby Carla. Busy lang talaga si Daddy kaya hindi namin nai-celebrate ngayon. Saka don't worry, pwede naman namin i-celebrate 'yon sa ibang araw." paliwanag ko sa kanya.

Hindi s'ya nakasagot, tila ba hindi ito kumbinsido. Matalinong bata talaga ang panganay namin kaya alam kong kailangan ko pang magpaliwanag sa kanya ng mabuti.

"Baby, lahat ng ginagawa ni Daddy, para sa atin 'yon. Nagsusumikap s'ya para sa future n'yo ni baby Drey. Kaya kung may special events man na hindi n'ya mapupuntahan, intindihin na lang natin. Besides, 'pag may time naman s'ya, instead na magpahinga, inaalagaan n'ya tayo, 'di ba? Kahit pagod s'ya sa trabaho, he always make sure na masusulit ang oras n'ya kasama tayo." mas mahaba kong paliwanag sa kanya.

Saglit s'yang nag-isip, mukhang pinoproseso ng kanyang isip ang aking mga sinabi. Ilang sandali pa lamang ay gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

"Yeah. Naiintindihan ko na, Papa. He is the best Dad in the whole universe!" masaya nitong reaksyon.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon