chapter 19 - brandy egg nog

20.2K 695 215
                                    

A/N

Hello again and again readers!

Sorry po, natagalan ang update. Nabura una kong draft eh. Data kasi gamit ko nung nag-save ako. Malay ko bang tapos na pala promo ng globe?! Hahahaha!

Anyway, sana mag-enjoy po kayo sa chapter na 'to.

----> si Tom po sa media.

----------


TOM POV

Simula nang magkaayos kami ni Xander ay hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing gigising ako sa umaga. Bakit nga ba hindi? S'ya kasi ang unang pumapasok sa isip ko sa tuwing imumulat ko ang aking mata.

Muli kong naalala ang reaksyon ni Xander kagabi dahil sa ibinigay kong sorpresa.

Lahat ng pagod ko sa loob ng dalawang araw ay maganda ang naging bunga. Kahit pa simula nang bumaba kami ng bundok ay wala pa akong sapat na pahinga, nagkaroon naman ng magandang resulta ang lahat ng 'yon.

Ngayon ko lang napag-isip-isip na sobrang na-miss ko din si Xander. Kahit pa sabihing matagal na kaming magkasama sa trabaho ay iba pa rin ang pakiramdam na nasa tabi ko na s'yang muli. Na muli ko na s'yang nahahawakan at muli ko nanaman s'yang nakakatabi sa pagtulog. Walang sawa rin naming sinasabi at pinaparamdam kung gaano namin kamahal ang isa't-isa.

Nakikita ko rin kay Xander ang kasiyahan na magkasama kaming muli. Muli kong nasaksihan ang pagiging masigla n'ya. Wala na akong mahihiling pa sa mga oras na ito kundi ang makasama s'ya sa lahat ng oras.

Kagaya ng ipinangako ko sa sarili ko, lahat ng naging hirap at sakripisyo ni Xander sa akin ay gusto kong maibalik sa kanya. Ipapakita ko sa kanya kung gaano s'ya kahalaga sa akin.

Ngayon ko rin napagtanto na sa kabila ng nangyari sa amin dalawang taon na ang nakakalipas ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko ito kinalimutan kailanman, itinago ko lamang pala ito sa mahabang panahon.

Nakangiti ako sa mga oras na ito habang nakahiga pa rin sa kama na naririto sa aking kwarto sa dati naming bahay.

"Sh*t!" ang nabibigla kong sambit at mabilis na tumayo mula sa pagkakahiga.

Naalala ko kasing may pasok nga pala kami ngayon sa trabaho.

Nang lingunin ko ang aking tabi ay wala na roon si Xander.

"Nasan na 'yun?" tanong ko sa aking sarili.

Mabilis akong nagtungo sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Matapos gawin ang bagay na iyon ay mabilis din akong lumabas ng kwarto para hanapin si Xander.

Nang makarating ako sa kusina ay napangiti ako sa aking naabutan.

Si Xander na nagluluto sa mga oras na ito. Nakatalikod ito sa aking pwesto ngayon. Wala s'yang suot na pang-itaas na damit at tanging boxer shorts at apron lamang ang tanging takip ng kanyang katawan. Kitang-kita ko ang malapad n'yang likod at nagfe-flex ang kanyang muscles sa bawat pagkilos n'ya.

Pinagmasdan ko lamang s'ya habang abala pa rin sa pagluluto. Sumisipol pa s'ya at halatang maganda ang gising n'ya. Tinitigan ko s'ya simula sa kanyang ulo hanggang paa.

Bigla ko na lang naramdaman na uminit ang aking mukha dahil muli kong naalala ang ginawa kong pang-aakit sa kanya nitong mga nakaraan. Ewan ko ba! Gustong-gusto ko kasi ang reaksyong nakikita ko kay Xander kapag nagiging mainit ang aming tagpo. Kahit ako ay hindi na rin mapigilan minsan ang sarili kapag nasa ganoon na kaming sitwasyon.

Napailing na lamang ako sa pag-alala sa mga ito.

'Nahawa na yata ako sa pagiging mahilig nito ni Xander!'

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon