|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito.
Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan?
Paano kung ang akala mong...
At para merry ang Pasko, naririto ang Special Chapter ng mag-asawa para sa inyo.
Para sa 'yo, AngelChillax! Ilqng beses mo na bang nabasa ang TOATL?! Iba ka talaga! Hahahaha! Aylabet! ❤
Paki-play na lang din po ang nasaedia para mas dama ang eksena ngayong kapaskuhan! (Song title: A Perfect Christmas - by: Jose Marie Chan)
----> Sina Xander at Tom po sa media.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
----------
XANDER POV
Hinihingal akong nakarating sa aming mansyon. Sa kanto pa lang ng aming street ay nagpababa na ako sa sinakyan kong taxi dahil baka may makahuli sa akin dito kung hanggang sa gate ay magpapahatid ako.
Aaminin ko, nawawalan na ako ng pag-asang maabutan ang pamilya kong gising pa sa mga oras na ito. Hindi ko nahabol ang oras ng Noche Buena dahil sa dami ng nangyari bago ako makauwi rito.
Miss na miss ko na ang mga anak ko lalo na ang asawa ko. Halos dalawang linggo rin kaming hindi nagkasama dahil kailangan kong asikasuhin ang business namin sa US. Dapat nga ay doon ko ipagdiriwang ang kapaskuhan, pero ginawa ko ang lahat para makaabot sa espesyal na okasyong ito.
Gusto kong makasama ang buong pamilya ko ngayong Pasko, gusto kong sabay-sabay naming ipagdiwang ang mahalagang araw na ito. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nahuli ang flight ko pauwi rito sa Pilipinas at naharang pa ako sa airport noong makalapag naman ang eroplanong sinasakyan ko.
"Ang bobo mo naman kasi, Xander! Ang tanga mo talaga paminsan-minsan!" paninisi ko sa aking sarili.
Nang makapasok ako sa aming gate ay napahinto ako. Saglit kong ibinaba ang aking mga luggage at pinagmasdan ko ang kabuuan ng tinitirahan namin ng pamilya ko.
Namayani sa akin ang lungkot dahil tahimik na sa mga oras na ito. Mukhang tapos na ang pagdiriwang nila ng Noche Buena at mukhang nagpapahinga na ang asawa at mga anak ko.
Tiningnan ko ang aking wristwatch at lalo akong nalungkot dahil malapit na palang mag-alas tres ng madaling-araw. Ngayon ay sigurado na akong natutulog na silang lahat kaya hindi na nila maaabutan ang sorpresa ko.
Pinagmasdan ko ang aking sarili. Suot ang costume ni Santa Claus at nag-effort pa akong maglagay ng puting balbas. Gusto ko kasing sorpresahin sila sa pagdating ko ng Noche Buena. Hindi nila inaasahan na uuwi ako kaya hindi rin ako nagparamdam sa mga tawag ni Tom sa akin kahapon bago ako sumakay ng eroplano.
Huminga ako nang malalim at muling hinila ang mga luggage ko. Nang makapasok ako sa mansyon ay sinalubong naman ako ng katahimikan. Bukas pa ang ilang ilaw at nakita kong may naganap dito kaninang kasiyahan. Alam kong naririto sina Mama Lita, Papa Nate at Julius para masamahan sina Tom at ang aming mga anak ngayong Pasko. Pero mukhang pati sila ay nagpapahinga na rin sa mga oras na ito.