chapter 10 - long island iced tea

14.1K 675 211
                                    

A/N

Okay! Continuation 'to ng chapter 9 sa nangyari sa bar after mag-pass out ni Tom.

Sorry kung natagalan ako sa update nitong huli. Na-hook kasi ako sa stories ni Miaowu.. Guys, basahin n'yo stories n'ya! Promise, hindi kayo magsisisi!!

Author Miaowu dito na lang ako bumawi sa book ko kasi hindi ako makasingit sa pa-contest mo para sa dedication.. Hahahaha! Grabe ang daming comments eh, hindi talaga ako mananalo para sa dedication mo lalo na sa tadtad family.. Kaya ako na lang mag-dedicate sa'yo! Thank you! Isa ka sa mga inspiration ko para ipagpatuloy ang pagsusulat! Good luck and more power!!

Excited na ako readers! Don't forget po mag-comment ha? And please vote na rin po! Salamat!

Enjoy reading!

----> si Tom po sa media. Also, dinagdagan ko ng video ng character ni Tom kasi ang cute n'ya talaga! hahahahaha! #CutenessOverload

----------


XANDER POV

Hanggang ngayon ay narito pa rin kami nina Lojie, Olyn at Tom sa disco bar ni Anthony.

Aaminin kong sobrang saya ko ngayon dahil na-extend ang oras ko na makasama si Tom. Kaso paano ko naman mae-enjoy ang gabi kung lasing na 'to?!

Paano ba naman kasi, sa mga huling category na ibinigay na palaro ni Olyn ay hindi na ito nakakasagot ng tama.

"Sige, this time ako magbibigay ng category ha?" ang pinsan kong si Lojie na sumobra ang saya.

"Sige lang Sir Lojie! Bring it on!" sagot naman ni Olyn.

Etong dalawa na 'to 'pag magkasama akala mo hindi na makakagising bukas at wala nang oras para magsaya!

"Ok! Brand ng TV tayo! Start sa'yo Olyn!" wika ni Lojie.

At nagsimula na kaming sumagot.

"Panasonic!" -Olyn

"Sony!" -Lojie

"Sharp." -Ako

"Shamshung!" -si Tom na nabubulol na dahil sa tama ng alak.

Kanina pa kasi s'ya natatalo eh.

"Devant!" -si Olyn ulit.

"LG!" -si Lojie ulit.

"Toshiba." -ako nanaman ulit.

"Shark!" si Tom nanaman.

At ano raw? Shark? May brand ba ng TV na ganun?

"Anong Shark ka d'yan Tom?! Taena, naglolokohan na tayo dito eh!" pag-alma ni Lojie.

"Bingi ka na Shir Lojie! Shabi ko Sharp! Letter 'p' 'yung huli! Hindi ka marunong mag-ishpell!" sagot naman n'ya kay Lojie.

"Wahahahaha! Shot mo na! Nasabi na 'yan kanina!" masayang wika ni Lojie.

"Ha? Nashabi na ba? Parang hindi ko naman narinig. Hik!" si Tom at halatang-halata na lasing na s'ya.

Putek! Ang pula na ng pisngi n'ya. Ang cute! Sarap kurutin ng pisngi kung pwede lang.

"Oo Tom! Nasabi na ni Sir Xander! Narinig ko sinagot n'ya na 'yon!" si Olyn na lasing na pero matatag pa rin.

Dalawa lang kasi sila ni Tom ang madalas na nagkakamali. Pero mukhang sanay na sanay si Olyn dahil nadadala n'ya pa rin ang sarili n'ya.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon