A/N
Hello my dearest readers!
Konti na lang po talaga! As in ilang chapters na lang! Kaya sana walang bibitiw ha?
At s'yempre gaya ng sinabi ko sa'yo bessy PasaloJeffrey, eto na 'yon! Salamat sa pagpapatawa sa akin araw-araw bessy kahit sa messenger lang! Hahahaha! Labyu!
Paki-play nga rin po pala ng nasa media. Para po 'yan sa chapter na 'to lalo na sa last part. Song title: Thanks to you by Tyler Collins. 'Wag na po magtanong, alam kong pang-graduation 'yan. Hahahaha! Pero swak din 'yan kay Tom at Xander. Maiintindihan n'yo rin kung bakit. Charot!
Anyway, enjoy reading po!
----> si Xander po sa media.
----------
TOM POV
"Smile!" boses ni Xander.
Humarap ako sa camera at napangiti dahil nakatutok sa akin ito.
"Ano pong masasabi n'yo Sir Tom na mamaya lamang ay sasayaw na kayo sa gitna ng amusement park na ito ng walang music dahil panigurado ay susuka na kayo pagkatapos sumakay sa space shuttle na ito?" tanong ni Xander habang kinukunan pa rin ako ng video.
Natawa naman ako sa tanong n'yang 'yon kaya hindi agad ako nakasagot. Naririnig ko rin na maski s'ya ay natatawa sa kalokohan n'ya. Ngumiti ako sa camera bago ko s'ya sinagot.
"Pasensya na po, pero sinisigurado ko po na ang sasayaw mamaya ng walang music sa gitna ng amusement park na ito ay walang iba kundi ang lalaking may hawak ng camera ngayon na nagngangalang Sir Xander." sagot ko at tawa muli ako ng tawa.
Napangiti ako ng malapad. Kasunod naman nito ay ang pagbati ni Xander sa aking kaarawan.
"Hello Master! Happy Birthday! Nagbe-bake ako ngayon ng cake! Si Carla naman 'yung kumukuha ngayon ng video." una n'yang sambit. "Carla baby, greet your Papa Tom!" sunod n'yang utos kay Carla.
Nakita ko ang pagsulpot ng mukha ni Carla.
"Hello Papa! We'll be celebrating your birthday today kahit wala ka. Daddy told me that you're studying abroad that's why you won't be able to celebrate it with us! Don't be sad okay? I'll take care of Daddy! Para pagbalik mo, pogi pa rin ang Daddy ko! Study hard okay?" masayang bati ni Carla sa akin.
Kasunod nito ay ang pagkanta nila ng sabay habang hawak na ang cake na pinagtulungan nilang i-bake.
"Happy Birthday Papa! I love you and I missed you!"
"Happy Birthday Master! I love you! Miss na din kita!"
magkasunod nilang pagbati sa akin.
Natawa akong muli sa aking nakikita. Natatawa ako dahil ang dungis nilang mag-ama. Nagkalat din ang flour sa kanilang mukha at nagkalat ang kanilang mga ginamit sa pagbe-bake ng cake na para sa akin.
"I missed you too... Both of you..." mahina kong sambit habang nakatitig sa kanila.
Matapos ito ay kasunod naman ng pakikipag-usap sa akin ni Xander.
"Master! Kamusta ka na?" masaya n'yang pagsasalita habang nakaupo sa opisina n'ya sa kanyang restaurant.
"'Wag ka maingay ha? Nagkunwari kasi akong mainit ang ulo kanina sa labas." wika n'ya habang ang kanyang hintuturo ay nasa nakatulis n'yang nguso.
BINABASA MO ANG
Taste of a True Love II (COMPLETED)
Romance|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong...