chapter 6 - gin and tonic

17K 665 226
                                    

A/N

Hi readers!

Sorry, hindi agad nakapag-update.

This chapter is for dEAthPhanThom na kahit bihira ang paramdam sa comment, hindi naman nakakalimot sa pag-vote.. salamat ng marami! :))

Enjoy reading chapter 6!

----> si Tom po sa media.

----------


TOM POV

Lumipas ang mga araw at linggo matapos ang pag-uusap namin ni Xander sa birthday celebration ni Randy at balik normal ang lahat.

Nagkikita kami ni Xander tuwing magkakasabay kami sa pagpasok sa trabaho o kaya naman ay magkakasabay sa elevator.

Masasabi kong bahagyang gumaan ang bigat na nararamdaman ko noong nagkausap kami. Kaya sa tuwing magkakasalubong ang aming landas ay hindi na gaya ng dati na agad kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Nagbabatian kami ng 'Good Morning', 'Hi', 'Hello' o kung minsan naman ay kakamustahin namin ang isa't-isa.

Sa paglipas ng mga araw ay nakakapag-usap na rin kami ng normal at ibinabalita ko sa kanya ang mga kaganapan sa department ko. Kung minsan naman ay s'ya ang nagtatanong. Masasabi kong wala nang pagkailang kaming nararamdaman at iyon ang maganda. Masarap sa pakiramdam ang magtrabaho ng walang samaan ng loob.

Kung minsan pa nga ay naaabutan ko silang nag-uusap ni Daniel sa tuwing susunduin ako nito dito sa hotel. Ngunit pagdating ko ay magpapalam na rin agad si Xander sa amin kaya 'Bye' at 'Ingat' na lamang ang aming nasasabi sa bawat isa.

Bumalik sa aking ala-ala ang sandali ng aming pag-uusap noong birthday celebration ni Randy. Naalala ko ang oras na bahagyang umihip ang hangin at nadala nito ang paboritong pabango ni Xander kaya nalaman kong nasa likod ko lamang s'ya. Mabuti at hindi n'ya na ako kinulit ng kinulit kung paano ko nalamang naroon lamang s'ya.

Noong sinubukan n'yang magpaliwanag sa akin tungkol sa nangyari sa amin noon ay hindi ko mapigilang magtaas ng boses at magbitiw ng masasakit na salita.

Kahit naman may mga naging pagbabago na ako ay hindi ko rin naman ginustong sabihin iyon. Ngunit dahil sa hinihingi ng pagkakataon ay kailangan kong gawin.

Ayaw ko nang balikan ang mga sandaling nagpahirap sa akin sa nakaraan. Tapos na ako sa masalimuot na sandaling iyon at tuluyan na akong nakabangon. Aaminin kong nakaramdam ako ng awa sa naging reaksyon n'ya ngunit iyon lamang ang nakikita kong paraan upang makapagsimula kaming muli.

Habang tumatagal ang aming usapan ay nagulat ako sa mga naging katanungan n'ya.

"M-magiging masaya ka ba kung tuluyan na nating kakalimutan ang lahat? K-kung tuluyan na nating palalayain ang isa't-isa?"

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba ng tanungin n'ya ang bagay na iyon. Tila ba may isang bagay ang tumama sa aking dibdib dahilan para hindi agad ako makapagsalita. Parang nawala ang lahat ng naririnig kong ingay sa mga oras na iyon at ilang ulit din na nadidinig ko ng paulit-ulit ang mga katanungan n'yang iyon.

Ngunit makalipas lang ang ilang segundo ay nakabawi ako at binigyan ko s'ya ng ngiti at nasagot din ito. Sinabi kong wala naman magiging problema at maaari pa naman kaming magsimula kahit sa pagiging magkatrabaho muna.

Iyon naman kasi ang naisip kong nararapat. At isa pa, mukhang mas makabubuti iyon sa amin dahil pinahahalagahan ko rin naman ang mabubuting bagay na nagawa n'ya sa akin.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon