A/N
Hello mahal kong readers!
Pasensya na sa title ng chapter na ito. Pero meron naman talagang cocktail na ganyan 'di ba? Anyway, base sa title I'm pretty sure may idea na kayo sa magaganap. Hahaha!
Excited much kaya simulan na!
Enjoy reading fellas!
----> si Tom po sa media
-----------
TOM POVSa ilalim ng bilog at maliwanag na buwan kasama ng nagkikislapang mga bituin.
Malapit sa isang payapang ilog na dumadaloy pababa mula sa bundok.
Dito ako dinala ni Xander para magpalipas ng gabi.
Napakaganda ng parte ng bundok na ito. Mababaw lamang ang ilog at malalaman mong napakalinis nito dahil kahit sa kadiliman ng gabi ay sinasalamin nito ang kagandahan ng buwan at bituin sa langit.
Sa tabi ng ilog ay nakaupo ako sa nakatumbang puno habang nasa tapat ng isang bonfire na si Xander din ang naglagay. Tanging bonfire lamang ang nagsisilbing ilaw namin ngayon dahil ang gagamitin sana naming camp light ay tuluyan nang naubusan ng baterya. Mabuti na lamang at bago pa iyon mangyari ay tapos na rin si Xander na itayo ang aming tent at nakagawa na rin s'ya ng bonfire.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko na s'ya. Sa tuwing maiisip ko ang nangyari sa kanyang pagkakahulog ay binabalot pa rin ako ng takot. Akala ko ay tuluyan na s'yang mawawala sa akin.
At dahil sa pangyayaring iyon ay na-realize kong hindi ako mabubuhay nang wala s'ya. Na hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin s'ya.
Tulala akong nakatingin lamang sa maliwanag na apoy mula sa bonfire.
Marami ang pumapasok sa isip ko. Hanggang ngayon kasi ay marami akong bagay na gusto pang malaman mula kay Xander.
Inutusan n'ya akong maupo muna dito habang s'ya naman ay abala sa pag-aayos sa loob ng tent. Kahit ilang beses akong nagpumilit kanina na tumulong sa pagtayo nito ay hindi n'ya pa rin ako pinayagan. Sinabihan n'ya lamang akong maligo sa malinaw na ilog habang naghahanda s'ya kanina ng aming makakain. Matapos kong maligo ay s'ya naman ang sumunod. At nang makapag-ayos na kami ng aming sarili ay s'ya pa rin ang naghanda ng aming kakainin ngayong gabi.
Wala akong ginawa kundi ang titigan lang si Xander nang mga oras na iyon. Ganoon pa rin s'ya, hindi pa rin s'ya nagbabago ng pakikitungo sa akin. Inaasikaso n'ya pa rin ako sa lahat ng bagay.
Tila ba normal lang ang lahat sa amin. Nang makaalis kami sa gitna ng gubat kanina ay wala s'yang ginawa kundi ang tanungin ako kung ayos lang ba ako o kung hindi ba ako nasaktan.
Napapaisip ako kung bakit sa kabila ng nangyari sa amin ay hindi ko s'ya nakikitaan ng galit. Mas lalo n'ya pang pinaparamdam sa akin ang pag-aalaga at halaga ko sa kanya.
'Bakit ba sobrang bait mo Xander?'
tanong ko sa aking isip.
Hindi ko maiwasang makonsensya sa tuwing naiisip ko na dalawang taon ko s'yang pinahirapan. Na mahigit dalawang taon ko na rin s'yang sinasaktan.
Nalulungkot ako sa mga oras na ito. Nalulungkot ako dahil mahabang panahon kaming nagkahiwalay ni Xander. Mahabang panahon ang nasayang sa aming dalawa.
Habang tulala ako sa maliwanag na bonfire ay nagulat ako nang maglagay si Xander ng jacket sa mga balikat ko. Naka-sando lang kasi ako nang mga oras na ito.
BINABASA MO ANG
Taste of a True Love II (COMPLETED)
Romance|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong...