A/N
Eto na po 'yun oh! 'Yung hinihintay na tunay na pagtatapos ng kwento.
Waaahhh! Ayoko mag-goodbye sa mga bida! Kaya makakasingit pa sila sa susunod na gagawin kong kwento. Hahahaha!
Para po sa'yo 'to mangestong kagaya ng pinangako ko sa'yo dati. Nandito na rin 'yung pinag-usapan natin na pangalan na hinihintay mo. Hahahaha!
Anyway, enjoy reading sa huling bahagi ng unang story na ginawa ko. Salamat ulit guys sa suportang nakuha namin nina Xander at Tom ganoon din ng ibang cast. Wow ah? Nakisali talaga ako. Sorna!
Sige na, bago pa ako maiyak! Charot!
Paki-play na lang din po ang nasa media. 'Yan po ang official theme song ng epilogue.. May pa-ganern???
----> si Tom Xendré po sa media. Sino s'ya? Alamin sa mababasa n'yo. ;)
© to the owner of the photo.
----------
Makalipas ang dalawang taon........
TOM POV
"Master??" pagtawag ko kay Xander pagkapasok ko ng pinto ng aming bahay.
Kararating ko lamang dahil galing ako sa paghatid kay Carla sa school. Ako na kasi ang araw-araw na naghahatid sa kanya dahil gusto kong ako mismo ang personal na mangangalaga sa panganay namin ni Xander. Babae ang anak ko kaya kailangan nito ng dobleng proteksyon. Kaya nga kahit ang pagmamaneho ng sasakyan ay pinag-aralan ko na para makasigurado ako sa kaligtasan ng pinakamamahal naming anak.
Ito na rin ang naging routine ko simula nang lumipat kami ni Xander dito sa bago naming bahay sa Manila. Nasa isang exclusive subdivision kami at naninirahan sa malaking bahay na niregalo sa amin ng mga magulang ni Xander matapos naming ikasal dalawang taon na rin ang nakakalipas.
Aaminin kong nasorpresa ako noon dahil masyadong malaki ang bahay na ito para sa aming dalawa ni Xander. Hindi na nga bahay ito kung tutuusin, kundi isa nang mansyon sa sobrang laki. At kahit pa sabihing kasama na namin si Carla dito ngayon ay masyado pa rin itong malaki para sa aming tatlo.
"Master??!" pagtawag kong muli sa kanya dahil wala akong narinig na sagot mula sa kanya.
Umakyat ako ng second floor upang doon s'ya hanapin.
Nadaanan ko ang apat ng guest rooms namin ganoon din ang kwarto ni Carla dito sa mansyon. Nasa dulo kasi ng pasilyo sa mansyon ang isa pang kwarto kung saan alam kong naroron ngayon si Xander.
Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng kwartong tinutukoy ko ay hindi na ako kumatok. Natigilan din ako dahil naririnig ko mula rito sa labas ang malakas ng pagtawa ng dalawang tao mula sa loob nito.
Dahan-dahan ay pinihit ko ang doorknob ng pinto at unti-unti kong sinilip ang nasa loob.
Nang tuluyan ko silang masilayan ay gumuhit ang malapad na ngiti sa aking labi.
"There you go! Mabango na ang baby Drey ko!" masayang sambit ni Xander.
"Yeyy! Daddy! Daddy!" masaya rin namang pagsagot ng kanyang kausap habang nakataas ang dalawang kamay nito.
Mukhang katatapos lang paliguan ng asawa ko ang unico hijo namin na si Tom Xendré. Nakita ko kasing bagong bihis na ang bata at sinusuklayan na s'ya ni Xander sa mga oras na ito. Si Xander ay ganoon din. Bagong ligo rin ito ngayon na nakasanayan n'ya na ring gawin bago paliguan ang aming anak.
BINABASA MO ANG
Taste of a True Love II (COMPLETED)
Romance|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong...