A/N
Hi guys!
Eto na po ang second half ng nangyari sa birthday party ni Randy. And finally, POV na ni Xander ang mababasa n'yo. Na-miss n'yo ba s'ya?
At s'yempre tulad ng promise ko sa kanya,dedicated ang chapter na 'to kay Lansdl na super pinangiti ako sa comment n'ya! Clap clap clap!! Salamat sa nakaka-inspire na comment mo! Hugs and kisses!
Paki-play na lang din po ng nasa media kung gusto n'yo ma-feel pa 'yung eksena.. :))
(song title: Love will lead you back by Kyla)
Enjoy reading chapter 5!
----> si Xander po sa media.
----------
XANDER POVNagmamaneho ako ng aking kotse papunta sa condo building ni Randy. Alam kong naroroon na sina Tom at Daniel at nakikisaya na sa mga kaibigan namin doon. Nagtext na rin kasi ang halos lahat ng taong naroroon at ako na lamang daw ang kulang.
Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang maalala ang unang pagkakataon na nagkita kami ni Tom makalipas ang dalawang taon. Noong magkakaroon ng introduction sa mga bagong empleyado ng Diamond Llyx Hotel kung saan ako ang General Manager pansamantala.
Nagmamadali ako noon makapasok sa conference room dahil ayaw kong pinaghihintay ang mga department head ng company. Nakita ko ang isang lalaki na nagsisintas ng kanyang sapatos habang nasa hallway. Iiwasan ko na sana s'ya ngunit mabilis ang naging pangyayari dahil bigla rin s'yang tumayo.
Hindi sinasadyang nabangga ng kanyang ulo ang aking kamay nang ito ay tumayo kaya nagkalat ang mga papel na hawak ko. Dahil sa pagmamadali ay hindi na ako nag-abala pang tingnan ang mukha ng lalaking iyon. Ako na rin ang humingi ng dispensa sa kanya dahil na rin sa pagmamadali ko.
Ngunit nang sambitin n'ya ang aking pangalan ay bigla na lamang akong nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng aking puso. Unti-unti kong inangat ang aking tingin upang kumpirmahin kung kaninong boses iyon.
Nang magtagpo ang aming mata ay parang may rumaragasang buhawi ang namayani sa aking dibdib. Ang mukhang iyon na hinding-hindi ko makakalimutan. Ang mukhang nakatatak na sa aking puso at isipan. Ang taong labis kong minahal at lubos na minamahal pa rin hanggang ngayon.
Tila ba tumigil sa pag-ikot ang aking mundo nang masilayan kong muli ang kanyang mukha. Ang gwapo n'yang mukha na walang pinagbago at kayang pakalmahin ang sino mang tao.
Masasabi kong malaki na rin ang kanyang pagbabago. Ang dati n'yang mga matang maamo ay makikitaan mo na ng tapang ngayon. Ganito ang naging resulta ng paghihiwalay namin. Iniisip ko kung tuluyan n'ya na akong kinalimutan ngayon dahil parang hindi s'ya apektado sa naging muling pagkikita namin. Nagawa n'ya pang iwan ako sa kinatatayuan ko na tila ba nakakita lang s'ya ng isang kakilala.
Sinundan ko s'ya kung saan s'ya pupunta dahil nagtataka ako kung ano ang ginagawa n'ya sa hotel na iyon. At nang makita ko s'yang pumasok sa conference room kung saan din ako patungo ay mabilis akong kumilos pabalik. Nagpunta ako sa HR department at inalam kung sino-sino ang mga magiging miyembro ng team ko. May ideya na ako ngunit gusto ko pa rin iyon kumpirmahin.
At nang makumpirma ko ito ay kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi. Naisip kong mukhang tinadhana talaga ang muli naming pagkikita. Sa loob ng dalawang taon ay muli kaming magkakasama.

BINABASA MO ANG
Taste of a True Love II (COMPLETED)
Romance|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong...