chapter 14 - whiskey sour

14K 593 291
                                    

A/N

Hi guys! Nasa kalahati na tayo ng story. Sana tuloy-tuloy pa rin po kayo sa pagbabasa.

Salamat sa mga patuloy na nagvo-vote at nagko-comment.. May mga pagpi-PM rin.. Salamat sa inyo, lalo akong ginaganahan magsulat.. Salamat!! Hugs and Kisses!!

Enjoy reading guys!!

---->si Xander po sa media.

----------


XANDER POV

Narito ako ngayon sa dating bahay nila Tom at naghihintay ng tawag mula sa taong mahalaga na rin sa akin. Nag-leave ako ngayon sa trabaho dahil kailangan kong makipagkita sa kanya. Tumawag kasi sa akin ito noong isang linggo para ibalitang uuwi s'ya rito para sa mahalagang balita.

Ilang buwan na rin mula nang huli kami nitong nagkausap. Ang huling pag-uusap namin ay nang pumunta ako sa Amerika para tingnan si Tom sa malayo.

Nang matapos akong maghanda ng aking sarili ay umupo muna ako sa sofa. Kinuha ko ang aking laptop at ipinatong sa aking mga hita. Naisipan ko munang magcheck ng mga emails habang naghihintay ng tawag.

Ngunit pagkabukas ko ng laptop ay hindi ko na nagawa pang ituloy ang aking dapat na gagawin dahil bumungad sa akin ang larawan namin ni Tom na wallpaper nito.

Makikita sa larawang ito ang masaya naming mukha ni Tom noong magkasama pa kami. Napangiti ako ng wala sa oras nang matitigan kong muli ang mukha ni Tom.

Marahan kong inangat ang aking palad at hinaplos ang mukha ni Tom na para bang totoong mukha n'ya ang nahahawakan ko.

"'Yang mukha mong 'yan ang una kong napansin alam mo ba?" pagkausap ko sa larawan n'ya at paunti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi.

"'Yang ngiti mo na nagpatigil sa ikot ng mundo ko. 'Yang maamong mukha mo na nagpapasuko sa katigasan ko." muli kong sambit.

Muli akong natawa nang may maalala ako.

"Sa tuwing magtatampo ka, alam mo bang mas cute ka? Nakanguso ka kasi kaya kitang-kita ang mapula mong lips." wika kong natatawa.

"Pero alam mo, mas gusto ko minsan na nagtatampo ka kesa 'pag nakangiti ka. Alam mo ba kung bakit? Kasi kapag nakangiti ka, pakiramdam ko maaagaw ka sa akin ng iba. Marami ang naa-attract sa ngiti mo kahit hindi ka aware." wika ko pa ring nakangiti sa larawan n'ya.

"Lahat ng bagay sa'yo Master, minahal ko. Lahat ng katangian mong maganda at hindi maganda, minahal ko at patuloy ko pa ring minamahal. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito. Pero pakiramdam ko, ikaw na lang ang huling taong makakapasok sa puso ko. Habang buhay ka na yatang maninirahan sa puso at isip ko." muli kong sambit.

Saglit akong natahimik at ibinaba ang kamay kong nakahawak sa screen ng laptop ko. Bumuntong hininga ako ng malalim at muli nanaman akong nagsalita.

"Sana Master, hindi dumating ang oras na kahit ang pagiging magkaibigan natin ay isuko mo. Sana hindi mo maisip na bitawan ako kahit 'yon na lang ang meron tayo." pakiusap ko sa kanyang larawan.

Dahil sa huling sinabi ko ay muling kumawala nanaman sa aking mga mata ang mga luhang hindi na yata nauubos sa pagbuhos. Muli ko nanaman kasing naramdaman ang sakit ng katotohanan na lumalayo nanaman s'ya sa akin ngayon.

"Hindi ko na kasi kakayanin Tom... Hindi ko na kakayanin kung sa pangalawang pagkakaton ay mawawala ka ulit sa akin... Pakiusap, 'wag mo na akong ipagtabuyan..." wika ko sa pagitan ng pag-iyak.

Alam kong masasabi na ng ilan na nababaliw na ako dahil sa ginagawa kong ganito. Pero hindi na sa akin mahalaga ang bagay na 'yon. Si Tom lang ang mahalaga sa akin ngayon.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon