chapter 13 - planter's punch

13.8K 562 225
                                    

A/N

Okay, serious mode na tayo sa mga susunod na chapters. Salamat po sa patuloy na nagbabasa.

Para 'to sa napakagaling na author na si sasuke21uzumaki! Alam kong kilala n'yo na s'ya dahil isa s'ya sa pinakasikat na author dito sa watty!! Thank you author! Masaya akong makita ang comment mo sa isa sa mga chapter ko!!

Enjoy reading guys!

----> si Ben po sa media.

----------

XANDER POV

"Ben, welcome dito sa hotel." masigla kong pagbati kay Ben na ngayon ay makakasama na namin dito sa hotel.

"Salamat idol!" masaya naman nitong sambit.

Narito ako ngayon sa HR Department at katatapos lamang s'yang makausap ni Olyn para ibigay ang mga kakailanganin n'yang requirements upang makapagsimula na sa lalong madaling panahon. Nasa loob kami ng isang room kung saan naganap ang interview.

Hindi naman talaga ako kakailanganin dito ngunit nang malaman kong ngayon ang kanyang interview ay minabuti kong puntahan na rin s'ya dito.

Saglit na lumabas si Olyn para ihanda ang kakailanganin ni Ben kaya agad din akong pumasok sa silid na iyon.

"Maayos naman ba ang pagpapaalam mo doon sa restaurant? Hindi ba nagtampo sa'yo si Shai?" tanong ko sa kanya.

"Medyo nagtampo nga Sir Xander eh. Kaso dahil nga sa kailangan, naintindihan naman daw n'ya." sagot n'ya naman sa akin.

"Mami-miss ka lang nun kaya 'yun ganun. Pagpasensyahan mo na s'ya, but I'm sure hindi naman 'yun galit sa'yo." paliwanag ko naman sa kanya.

Nahihiya naman itong ngumiti sa akin bago nagsalita.

"Ako nga ang dapat na humingi ng pasensya sa inyo Sir Xander eh. Pasensya na po kayo kung kailangan kong humanap ng ibang trabaho. Talagang kailangan lang eh. Alam mo naman na mag-isa lang ako ngayon. Mas malaking halaga ang kailangan ko para mabuhay. Nahihiya na rin kasi ako sa inyo dahil lagi n'yo akong tinutulungan sa financial needs ko." mahaba n'yang wika habang nagkakamot ng kanyang batok.

Tinapik-tapik ko naman s'ya sa kanyang balikat bago sinagot.

"Para ka namang iba sa akin Ben. Wala 'yun! Isa pa, sa akin ka pa rin naman nagtatrabaho kaya walang problema sa akin!" nakangiti kong sagot sa kanya.

Sasagot pa sana s'yang muli nang pumasok muli sa silid na iyon si Olyn.

"Ay Sir Xander, nand'yan po pala kayo." ang nagulat na ekspresyon ni Olyn.

"Yeah. Sorry kung pumasok ako ng walang paalam dito ha?" paghingi ko ng paumanhin kay Olyn.

"Si Sir Xander naman! Parang pinagbabawalan ka naman namin dito! Eh kahit saan naman pwede kang pumasok!" wika naman ni Olyn.

Napangiti na lamang ako sa kanyang sinabi.

"'Yan na ba ang mga requirements ni Ben?" tanong ko sa kanya habang tinuturo ang hawak nitong papel.

"Ah opo!" pagsagot nito.

Ibinigay agad ni Olyn ang list of requirements kay Ben at mabilis n'ya rin akong kinausap.

"Hindi naman siguro problema Sir Xander kung tatanggapin natin dito si Ben 'di ba? Empleyado mo rin kasi s'ya sa restaurant mo eh. And since qualified naman din s'ya dito, tinanggap na rin namin." wika nito sa akin na medyo nahihiya.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon