A/N
Guys, baka may hindi pa nakakabasa ng chapter 32 (moonlight margarita). Dahil hindi nagbigay ng notification si Wattpad nung in-update ko 'yun. Pakibalikan na lang kung hindi pa bago n'yo simulan 'to. Marami rin kasi ang nagtatanong kung kelan ang update nun. 'Yun lang po.
Dedicated 'tong chapter na 'to kay anjokurt15. Hahahaha! Akala mo nakalimutan ko 'no?!
Anyway, simulan na natin. Enjoy reading guys!
PS.
Sorry sa matagal na update at sorry sa mga umasang nakapag-update na ako nung isang araw. Aksidente ko lang talaga napindot ang publish. Hahahaha!
----> si Tom po sa media.
©to the owner of the photo.
----------
XANDER POV
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Ang pakiramdam na malapit lang at malaya kong natititigan ang mukha ng taong nagbibigay lakas sa akin para magpatuloy sa malalaking pagsubok ng buhay ko. Malaya ko na rin nahahawakan ang malambot at mala-anghel n'yang mukha habang nasa mga bisig ko s'ya at nahihimbing.
Natawa ako ng bahagya nang makita ko ang paggalaw ng kanyang pilik-mata kahit nakapikit s'ya. Ang sarap n'ya talagang pagmasdan ngayong mga oras na ito.
"Na-miss talaga kita. Miss na miss ng sobra." mahina kong sambit at muli s'yang hinaplos sa kanyang malambot na pisngi.
Narito kami ngayon sa aming condo at hapon na rin sa mga oras na ito. Natutulog si Tom ngayon at nakaunan sa aking braso.
Puyat na puyat ang mahal ko. Paano ba naman kasi, matapos ang nangyari kagabi sa party ay hindi na ako nito tinantanan sa kakatanong hanggang sa makauwi kami dito.
Hindi ko rin makakalimutan kung gaano karaming luha ang kanyang ibinuhos habang patuloy s'yang nagtatanong sa akin ng maraming bagay. Tungkol sa kung paano ako nabuhay at kung paano ako nakabalik. Hindi ko rin mabilang kung ilang beses n'ya ba akong hinalikan at paulit-ulit na niyakap. Damang-dama ko ang pagmamahal at pananabik n'ya sa akin.
Kung sabagay, ganoon din naman ako sa kanya. Ipinaramdam ko kung gaano ako nasasabik na makasama at makapiling s'yang muli. Walang oras simula nang magkita kami na binitawan ko ang kanyang kamay at masuyong hinahaplos iyon.
Simula kaninang umaga pagkagising namin ay sinulit namin ang bawat oras ng muli naming pagkakasama. Nag-almusal lamang kami at muling bumalik sa pag-uusap at paglalambingan. Hindi na rin kami mapaghiwalay kahit noong naghahanda na rin kami ng aming pagkain para naman sa tanghalian. Laging nakayakap si Tom sa aking bewang na s'yang ikinatutuwa ko naman.
Natawa ako nang maisip kong nakakapanghinayang dahil sa pagligo lamang kami nagkahiwalay. At pagdating naman ng hapon ay magkatabi kami ngayong natulog dito sa aming sofa. Nakaramdam din ng pagod si Tom sa paglalambingan at paghaharutan namin kanina.
Habang pinagmamasdan ko s'ya ngayon ay naalala ko kung ano ang mga naging kaganapan noong mawala ako.
Nagsimula ang lahat nang ipaalam sa akin nila Mommy na kailangan kong maoperahan sa Cebu dahil sa may blood clot daw ako. Labis ang takot ko noon dahil ayaw ko rin mahiwalay kay Tom. Lalo na noong ipaalam sa akin ni Lojie na nagalit sina Mommy at Tito Ian kay Tom.
BINABASA MO ANG
Taste of a True Love II (COMPLETED)
Romance|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong...