Prologue

3.9K 64 55
                                    


                Zindy's POV

Would you believe that I was named after the famous fairy tale princess Cinderella? Well, my mom changed C into Z that makes it Zinderella. Siguro nagtataka kayo kung bakit pinangalan niya ko kay Cinderella... eh kasi ba naman, mala-Cinderella daw ang kapalaran niya, from a poor beautiful girl (beautiful talaga, mom ko yun eh... ^_^) to a rich stunning lady ang eksena niya. Yes, mahirap lang ang mama ko, not until she met my dad... Hindi niya pinikot ang dad, sadyang maganda lang ang mom ko at kahit pa nga pang waitress lang ang suot ng mom ko sa very first party na dinaluhan ng dad ko, si mommy pa rin ang napansin niya. Kinulit, hinanap, at hinabol habol... ang arte ni mommy no? rich handsome guy na nga ang humabol habol sa kanya, pakipot pa. hahaha! And pa'no siya napasagot ni daddy at naiuwi sa mala-palasyo niyang bahay? Simple lang, pinilit niya si mommy na isuot yung 'glass shoes' na pinasadya niya pa daw sa Paris,  na may diamond ring pala sa loob, ganito pa nga yung eksena o, ayon sa kwento ni dad, greatest achievement niya daw kasi to.

Daddy: Ok, let's make a deal.

Mommy: deal?

Daddy: Try wearing this pair of shoes, pag nagkasya sa'yo, papayagan mo na kong manligaw, or if you want, pakasal ka na sakin, ok lang...

Mommy: Seryoso ka? Eh pa'no kung hindi?

Daddy: Susundin ko kung ano man ang gusto mong mangyari, kahit pa ang pahintuin ako sa pangungulit.

Mommy: deal!

Sinusuot na ni mommy yung shoes ng narealize niya na may nakabara a loob ng sapatos, nakita niya yung maliit na box pero hindi niya muna binuksan, sa halip, sinuot niya pa rin yung glass shoes at nagkasya...

Daddy: so ibig sabihin lang niyan pinapayagan mo na kong manligaw...

Pero wala sa sinabi ni dad yung atensyon niya kung hindi dun sa box na hawak hawak niya, binuksan niya yun at saktong pagkakita niya doon, sinabi ni dad, "Will you marry me?"

Predictable na naman siguro yung continuation nung kwento ng parents ko diba? Di ko na itutuloy, baka maging kwento niya pa 'to eh ako dapat ang bida. ^_^

Everybody except my parents call me Zindy, sometimes Zinds. Masayahin ako, I love having friends, sabi nga nila parang wala daw akong pinoproblema. Yun ang akala nila... may pinoproblema din ako. Curious kayo no? hmmm... Nagtataka lang kasi ako, Maganda naman ako, (sigurado ako diyan no ^^), balingkinitan din naman pangangatawan ko, wala akong kahit isang pimple sa mukha,  di rin naman ako nahuhuli sa academics pero bakit ganun? Wala pa rin akong boyfriend, eh 17 nanaman ako. Pwede naman daw sabi ng mom and dad, basta ipapakilala ko lang. nagtataka na nga sila kung bakit hanggang ngayon wala pa rin akong pinakikilala. Masaya naman ako eh, parang may kulang nga lang...

Kilala niyo na siguro ako... This is me. This is Zindy. This is Zinderella, until...

                *CRASH*

Mrs. Luis' POV

My only daughter is turning 18. I made it extra special.

We decide to use Godmother (name of our largest yacht) as the venue for her debut. And her entrance? She will be arriving from our chopper, wearing her yellow gown, just like Belle, the princess from Beauty and the Beast, I don't know, I named her after Cinderella but still, Belle is her favorite.

There. Everyone's excited. Lahat nakatingala na sa kalangitan, inaabangan ang pagdating ng pinakamamahal kong anak, padami na ng padami ang fireworks, lahat excited makita kung ga'no kaganda ang aking anak... until...

                *CRASH*

Mateo's POV

What the heck! Who's this girl?! What is she doing here?! and...

Pinadala kaya siya ng papa? Siya kaya yung fiancee ko?  Pero teka?! Ba't parang wala naman talaga siyang malay? Baka naman nagpapanggap.

Tumalikod na ko. Pakulo nanaman 'to ng papa. Hindi na ko magpapauto sa kanya. Two meters na ang layo  ko sa kanya. Lumingon ako, di pa rin siya gumagalaw. Aba! Best actress 'to ah... ayos! Tumalikod na ulit ako.

Apat na metro na ang layo ko, di ko na siya maaninag... baka umalis na siya. Baka naman guni guni ko lang... Teka, nandun pa siya, kumikislap nanaman yung suot niyang di ko maintindihan kung ano. Lumapit ulit ako.

Bakit hindi pa rin siya gumagalaw?  Teka, anong gagawin ko?! Baka naman...

Whoa! Ano ba 'tong ginagawa ko, I don't even know this girl pero binubuhat ko na siya papunta sa bungalow. Tama ba 'tong ginagawa ko? at ngayon hinihiga ko pa siya sa kama ko, ang nag-iisa kong kama, whoever this girl is, I think I have to help her, pero paano nga kaya kung sa ganitong paraan nga siya pinadala ng papa? Do I really have to help her?

But... She's so beautiful, really beautiful, kahit pa puro galos siya, ano kayang nangyari sa kanya? Bakit sya napunta dito? Oh what an angelic face, bagay na bagay sa kanya itong suot niyang gown, para siyang...  Sino nga un? Yung sa beauty and the beast ba yun?  Wala naman kasi akong interes sa mga ganon, pano ko malalaman?!

Tama na Mateo! Wag mo na siyang titigan. Hindi mo nga siya kilala eh. Oo! Tama! Ni hindi ko nga sya kilala!   Pero... huling sulyap na 'to. Promise.


Zinderella and the Best (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon