Zindy's POV
"Gising ka na pala." Sambit niya pagkakita niya sa kin.
"Nakatulog pala 'ko..."
"Oo nga eh, napahimbing yung tulog mo. Let's go. Bumalik na tayo sa bahay..." walang sigla niyang sabi.
"Are you sure? Ok ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Ako pa! Let's go." Nauna na siyang naglakad.
"Teka! Hintayin mo ko!" tapos hinabol ko siya. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at humarap sakin,di ko naman napigilan ang sarili ko sa pagtakbo kaya nagdire-diretso ako sa dibdib niya.
Aw :|
Nahawakan niya yung likod ko.
"Sa susunod mag-iingat ka na.Ok?"
Tumango lang ako.
Sinundan ko nalang siya sa paglalakad niya.
Tahimik lang kami pareho.
Hindi ko alam, parang biglang nawala yung pagiging makulit ko. Natatakot ako sa mga susunod namangyayari.
"Ok ka lang? Lalampas ka na, nandito na tayo."
"Ha? Ah-eh... oo nga no." lutang nanaman ako.
Pumasok na kami ng bahay.
Tahimik pa rin kami pareho, walang nagsasalita.
"Sandali lang ha, magpapahangin lang ako sa labas." Sabi ko.
Mateo's POV
"Sandali lang ha, magpapahangin lang ako sa labas."
Ano kayang naiisip niya?
Bakit kaya ang tahimik niya?
Naghanda na ako ng hapunan. Di na kami nakakain ng breakfast at lunch kaya malamang gutom na gutom na yun.
Lalabas sana ako ng bahay para hanapin siya pero sumakit yung binti ko.yung natuklaw ng ahas kanina sa gubat.
Nanghihina ako.
Pumunta ako sa papag at nahiga.
Umiikot yung paningin ko.
Nilalamig ako.
"Belle..."
"Bel-
Zindy's POV
"Matty!"
"Mat-
"Oh God! Anong nangyayari sa'yo?" nakita ko siyang balot na balot ng nag-iisang kumot na meron sa bahay na yun.
Kumuha agad akong tubig at pinainitan ko sa apoy. Kumuha din ako ng tela na gagamitin ko para painitin ang pakiramdam niya.
"Belle..."
"Belle..."
"Yes, Mateo. I'm here." Sagot ko.
"Th- thank God."
"Don't talk too much, magpahinga ka nalang muna..."
"Pl- please don't leave m- me yet..." dipa rin siya tumitigil sa pagsasalita.
"Oh yes, Matty, I won't leave you." Naiiyak na ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang lamig niya pero pinagpapawisan siya.
"Belle..."
"I won't leave you. I promise."
Pagkasabi ko niyon, ngumiti siya at pumikit.
Tumayo na ko sa hinihigaan niya, maghahanap sana ako ng pwede kong gamitin para maipagluto ko siya ng mainit na sabaw pero napigilan niya ko.nahawakan niya yung wrist ko.
"You promised you won't leave me..."
"Yes I did."pagkasabi ko niyon ay hinawakan ko yung kamay niya na hawak yung wrist ko at unti unting inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin.
"I'll just prepare a soup for you. Don't exaggerate."
Hindi ko tinikman yung soup na ginawa ko,basta pinahigop ko lang siya non para mainitan yung katawan niya.
"Ano okey na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko.
"Just don't leave."sagot niya.
"Take care of yourself." Sagot ko.
Di siya umimik.
"Matt, magpahinga ka na."
Tingnan mo to at sinabi ko ng magpahingaeh tatayo pa sa pagkakahiga.
"Where are you going?" tanong ko.
"Sa lapag."
"Ano?!"
"Sabi mo magpahinga na ko."
"Not in that place.Stay in your bed. Ako na angbahala sa tutulugan ko."
"Pe-
"Wala ng pero pero, go back to my bed."
"Belle..."
"Hmmm?"
"Thanks."
--
BINABASA MO ANG
Zinderella and the Best (Book 1 and 2)
Novela JuvenilWhat if magising ka nalang isang araw hindi mo na kilala ang sarili mo? handa ka bang magtiwala sa unang taong makikita mo pagmulat mo ng mga mata mo? just like how Aurora trusted the prince who kissed him and will you leave your seven dwarfs like w...