Chapter 2.9 - Mysterious Man

27 2 0
                                    


"By the way, I'm Mateo. Mateo Li."

Napalingon ako muli sa lalaking kausap ko. Ngumiti siya at pagkatapos ay tumalikod na, habang eto naman si Arvin, hinihila na ako papasok sa firm.

Balik nanaman ako sa pagsagot sa mga tanong ng tao sa loob.

Hindi ko alam pero hinahanap ng mga mata ko yung lalaking nagngangalang Mateo Li.

Kahit san ako pumunta,siya yung hinahanap ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit.

Basta parang kusang kimikilos yung katawan ko, o mas tamang sabihing yung mga mata ko, para hanapin siya.

"Huy! Kanina ka pa parang may hinahanap." Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Myco.

"Huh? Ah... eh..." napatingin ako sa isang table, nakita kong nakaupo dun ang tropa. "Ah... eh... dumating na ba sila Ken?" tanong ko.

"Huh? Oo, kanina pa, sinundo niya lang si Mai kaya medyo nahuli sila, hindi pa ba kayo nagkikita?" tanong sa akin ni Myco. Buti nalang mukhang nakalusot ako.

"Ah hindi pa eh... lumabas kasi ako kanina, kaya siguro hindi ko napansin." Sagot ko.

"Halika, puntahan natin sila." Pagyayaya niya sa akin.

Ngumiti ako. "Of course. Sure." Sagot ko.

"Ziiiiiiiiiiinds!" sigaw ni Mai na umagaw sa atensyon ng nakakarami. Hindi na siya napigilan ni Ken ng nakalapit na siya sa akin at bigla akong niyakap.

"Baliw ka talaga. Look at them, they're all staring at you." Bulong ko sa kanya. Lumuwag ng konti yung pagkakayakap niya sa akin at nilingon yung mga tao.

"Am I that awesome?" tanong niya. Babatukan ko na sana siya kaya lang inunahan ako ni Ken.

"Ah... wait. I didn't know you invited Mr. Li." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Mr. Li?" tanong ko.

"The handsome guy in black suit. Yung matangkad. Yung yummy." Pagbibiro niya.

Buti nalang hindi siya narinig ni Ken.

But wait! Si Mateo Li yung tinutukoy niya, hindi ako pwedeng magkamali.

"Er- yeah... he's on the guest list. Why? You know him?" tanong ko sa kanya.

"Nope." Sabay tawa. Kahit kelan talaga, baliw tong babaeng to.

"It seems like you know him..."

"I don't. But I saw him in the magazine. He was featured there. And since he's super duper handsome and macho. Ayun, natatandaan ko pa siya." Pormal niyang sagot. Alam mo yun, yung tipong hindi siya tumatawa or kung ano pero yung pinagsasabi niya parang joke.

Kung magkwento pa eh parang hindi katabi yung boyfriend niya.

"Sikat pala siya?" tanong ko.

"Well... I guess." Sagot naman ni Mai. "They're rich. You know. May Chinese blood din siya but it's not really obvious in his looks. Then, yung father niya, mahilig bumili ng mga maliliit na island but they never mention those in public. Basta pag tumapak ka dun, dun mo nlang malalaman na pag-aari pala yun ng mga Li."

"Ah..."

Napatingin sa akin si Mai. "Ayoko na nga. You don't look interested naman eh." dugtong niya.

Zinderella and the Best (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon