Chapter 1.1 - Meet the 'Family'

1.1K 27 20
                                    


Myco's POV     

                One week ng nawawala si Zindy. Miss na miss ko na yung baliw na yon. Nasaan na kaya siya? Okay lang kaya siya? Nasa mabuti kaya siyang kalagayan?

                Ako nga pala si Myco. Kaibigan ko si Zindy. Magkatropa din kami niyan. 9 kami sa tropa, sa pamilya, dalawang babae at pitong lalaki. Si Zindy ang baby ng grupo, ang cute niya kasi. Pero tatlo kaming bunso, ako, siya at si Arvin. Tinagurian kaming triplets, di na daw kasi kami mapaghiwa-hiwalay pag nagsama sama na.

                Si Maira yung isa pang babae. Childish yan pero imbes na siya ang i-baby namin, si Zindy nalang, baka kasi di na mawala sa pagkabata. Mommy nalang ang tawag namin sa kanya. Baligtad ba? Ganun talaga. Di sila tomboy, sadyang pagkakataon lang na napasama sila samin. Di kasi katulad yang dalawang yan ibang babae sa klase namin na ubod ng aarte at puro pagpapaganda lang ang inaatupag. Sapat na sa kanila ang pulbos at paminsan minsang lipstick at pagna-tripan pa ng tropa, eye liner.

Maniniwala ba kayo si Zindy di pa rin marunong mag make-up? Well, that makes her, her.

                 Kung may mommy, siyempre may daddy, yun si Ken, masyado kasing maaalaga yan. Yan ang laging magsasabi samin pag mali na yung ginagawa namin. Oo, di kami yung B.I. na tropa, mga magkakaibigan lang na di pwede ang iwanan. Si Ken at Maira? Oo, sila, as in totoong mag-on. Bagay naman sila diba? Opposite attracts, sabi nga nila.

                Yung apat na natira sa tropa, mga kapatid na namin. By height ang arrangement, panganay si Arjay, 5'11" taas niyan, basketball player, hindi siya babaero, pero habulin ng mga kababaihan at pederasyon. Sumunod si JC na 5'7" ang taas, gwapo rin at lahat  ng tumitingin sakanya, tinitingnan niya rin ng malagkit, pero ang wish niyan sa buhay simple lang... makahanap ng babaeng maniniwalang di siya babaero, eh totoo naman kasi.  Sinundan siya ni Karl na 5'6" na ang hilig naman ay magpapogi ng magpapogi, pagkatapos, susungitan, trip niya lang, makahanap sana siya ng katapat niya. At sumunod naman si Ace na di masyadong biniyayaan ng mataas na height, pero kung tutuusin, pinakagwapo sana saming lahat. I hate to admit that.

                "Hey! Hey! Hey!" si Avin, ginulat nanaman ako.

                "Tulala ka nanaman," si Arjay.

                "Hindi ba kayo nag-aalala kay Zindy?" tanong ko, para naman kasing di nag-aalala 'tong mga kumag na 'to.

                "Ayos ka lang? Sinong di mag-aalala sa pagkawala niya, eh alam mo namang napakabuting tao nun... yun nga lang, minsan mataray at taklesa." Si Arvin na parang biglang napangiti nung naalala si Zindy. Baka guni-guni ko lang.

                Bago pa ko makapagsalita, dumating na si Maila, umiiyak. Simula ng mawala si Zindy, mugtong mugto na ang mga mata nito kakaiyak. Yan ang nakakainggit sa mga babae, babae pa rin sila pag nakita silang umiiyak. Nilapitan agad siya ni Ken.

                "Anong balita? Nakahanap na ba ng lead sa pagkawala ni Zindy?" tanong ni Ken.

                "H...h-hindi pa rin... pero..." hindi makapagsalita ng maayos kaya ito kami, bitin na bitin sa nakalap niyang balita.

                "PERO??" sabay sabay naming tanong.

                "Pero... nakita nila yung punit nung gown niya at yung suot niyang bracelet." Sagot niya.

                "Eh saan naman daw nakita?" si Ken nanaman ang nagtanong. Sa mga ganitong sitwasyon kasi, si Ken lang ang pnakamatibay ang loob.

                "S-sa chopper na bumagsak..."

                "Eh yung piloto pala? Anong nangyari sa kanya?"

                Lalong umiyak si Maila, kinabahan ako lalo.

                "Wala na siya... Kinain daw... kinain daw ng pating... kaya posibleng..."

                "That's impossible!" Singit ko. Ayokong ng marinig yung mga susunod niya pang sasabihin kaya umalis na ko.

                "Kambal!' narinig kong tawag sakin ni Arvin. Sinundan niya ko, naglakad kami ng naglakad hanggang nakarating kami sa may puno ng mangga kung san kami laging nakatambay kasama si Zindy.

                "Naniniwala ka... naniniwala ka bang..." di ko matapos tapos yung sasabihin ko.

                "Definitely NOT!" alam niya na ang tinutukoy ko. "It's impossible, malakas yang kambal natin na yan, alam kong buhay pa siya, at bukas makalawa nakikipagtawanan na ulit yan satin..." dugtong ni Arvin. Mas matatag pa pala sakin itong mokong na 'to. Ang lakas ng pananalig. "Di ako sanay kambal."

                "Same here bro. Miss na miss ko na si Zindy."

                "I know, I know... It's obvious."

                "Ob..." dumating ang tropa, alam talaga nila kung san kami pupuntahan.

                "Wag na kayong magmukmok diyan, puntahan nalang natin si tita, kailangan nating palakasin yung loob niya..." si Ace yung nagsalita. Ang pinaka-sweet sa grupo.

                "Himala! Nagsalita ka! Gising ka pala!" si JC yung nagsalita, may punto naman kasi ito, laging tulog si Ace kahit sa pinakamaingay na lugar pa sila magpunta.

Zinderella and the Best (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon