Myco's POV
"Sir, Mr. Li is already here." Nagulat ako nang biglang may nagsalita.
Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako sa Mr. Li na to.
Kanina pa siya hindi mawala sa isip ko, It's like I've known him somewhere... or he knows a lot about us. I don't know.
May kumatok ulit. "Myco, nandito na si Mr. Li, hindi ka pa ba lalabas?" narinig kong tanong ni Arvin.
Tumayo na ko. kung ano man ang gumugulo sa isip ko, masasagot ko rin oras na makuha namin tong project na to.
Nagulat ako paglabas ko ng office, nandun din si Arvin.
"Hinintay mo talaga ako?" tanong ko. tonong nang-aasar.
"Yes. I was just curious about your mood earlier." Sambit niya habang naglalakad kami papunta sa meeting room.
"Ah... that? It's nothing. I can't help thinking about something."
"Or someone?" tanong niya.
"Yes—
Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi narinig namin nag-uusap sa loob ng meeting room si Zindy at si Mr. Li, as if they already know each other. Nagkatinginan kami ni Arvin pero we chose not to react, instead, pumasok nalang kami.
"Good Morning Mr. Li." Agad namang tumayo si Mr. Li para kamayan kaming dalawa ni Arvin.
"Have a seat please." Si Arvin naman ang nagsalita.
Ngumiti siya at pagkatapos ay umupo na.
Tahimik kaming lahatat di nagsasalita, nahalata ko na rin kay Zindy na uncomfortable na siya. Hindi ko alam, pero maayos naman yung naging pagharap namin kanina sa una naming kliyente at we actually made a deal.
Deal... this deal... We have to close this deal.
"Alright. So please tell us about this project." Ako na ang bumasag ng katahimikan.
Naglatag siya ng mapa, focused sa isang isla...
Biglang nagflashback sa akin yung dinrowing ni Ken sa board nung hinahanap namin si Zindy.
Nabigla ako ng bigla akong kinalabit ni Arvin.
Matagal kaming nagkatinginan, parang alam na namin yung gusto naming sabihin sa isa't isa.
"I see my future here." Napansin kong sumulyap siya kay Zindy.
*Flashback*
"Let's stop." Sambit ni Ken.
"What?!" sabay sabay naming pagre-react.
"Let's stop, wala na si Zindy dito.bakit hindi tayo lumabas sa islang ito. Paano kung may nagdala na sa kanya sa ospital? Buhay siya, nararamdaman ko, at ang maaari nating paghanapan sa kanya ay ang ospital kung saan maaari siyang pinagdalhan ng nakakita sa kanya, o ng taong nakatira dito. I'm sure, inalagaan siya ng taong yun, at sa tingin ko...minahal siya." Mahabang paliwanag niya. Sabay abot sa amin ng dahon ng saging.
"Pakinggan mo yung tibok ng puso mo, at doon mo matatagpuan ang taong pinakanagmamahal sa iyo."
Nagkatinginan kami. Mukhang wala ngang ni isa sa amin ang nakaisip ng bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
Zinderella and the Best (Book 1 and 2)
Teen FictionWhat if magising ka nalang isang araw hindi mo na kilala ang sarili mo? handa ka bang magtiwala sa unang taong makikita mo pagmulat mo ng mga mata mo? just like how Aurora trusted the prince who kissed him and will you leave your seven dwarfs like w...