Chapter 1.25 - Heartbeats

645 9 13
                                    


Zindy's POV

Tumatakbo kami ngayon ni Matty, hindi ko alam kung sa'n ang punta namin, siguro naghahanap siya ng masisilungan namin, ang lakas na ng ulan. Sobrang lakas.

Buti nalang.

Kung hindi, baka naririnig niya na ngayon yung tibok ng puso ko.

Nakadikit yung pisngi kong hawak hawak niya kanina sa dibdib niya. Pakiramdam ko namumula na ko.

Kanina, nung nasa pisngi ko yung mga kamay niya, hindi ko alam kung ano yung gusto niyang gawin, hindi ako makapag-salita.

Hindi rin siya nagsasalita.

Hindi ako makagalaw.

Hindi rin siya gumagalaw.

Hindi ako makakilos.

Hindi rin siya kumikilos.

Naramdaman ko na papalapit yung hininga niya sa mukha ko, pakiramdam ko napakalapit niya sakin.

Hindi ko alam.

Then my hands...

It involuntarily held his hands.

Parang kusang umangat yung kamay ko para hawakan yung kamay niya.

At yung puso ko...

Ramdam na ramdam ko yung tibok niya, napakalakas.

Parang ito lang yung naririnig ko, kahit ga'no pa kalakas yung kulog at kidlat.

Napahawak ako sa puso ko.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Pakiramdam ko ang tagal namin sa ganong set-up.

Walang nagsasalita.

Walang gumagalaw.

Pero parang nagkakaintindihan.

Ay, hindi pala.

Ako nga mismo, naguguluhan sa nararamdaman ko.

"RUN!" bakit kailangan pang bumuhos bigla yung ulan?

Pakiramdam ko hindi pa dapat.

Dahil pakiramdam ko, hindi pa niya nagagawa yung gusto niyang gawin, at yung gusto ko rin yata.

Ano ba to?

Bakit nararamdaman ko 'to?

Bakit ang gulo.

Biglang bumagal yung pagtakbo niya.

"Belle...." Tumigil siya sa pagtakbo.

Hindi ako sumasagot.

Hinihintay ko nalang na magsalita ulit siya.

"I can't find our home."

Natawa ako.

Hindi ko napigilan.

Sabi niya kasi, "our home", eh dati rati halos isumpa niya ung cute niyang bahay, ngayon parang ang sweet ng pakinggan, "our home."

"Why are you grinning?" he asked.

Buti nalang di ko nakikita ng facial expression niya, hindi ko kailangang matakot.

"I'm sorry..." I apologized.

"I asked you, why are you grinning?"

Hala! Galit ba 'to? Nakakatakot talaga 'tong taong 'to minsan.

"Wala... eh kasi sabi mo, 'our home', unusual kasi." Sagot ko. Then I giggled. Di ko talaga mapigilan eh.

"It would be the most wonderful place to me, kung hindi ka mawawala sa tabi ko."

"Ano?!" sigaw ko, hindi ko naintindihan yung sinabi niya, bigla kasing kumidlat tapos lalong lumakas yung ulan.

Tumakbo na ulit kami.

"Ano yung sabi mo kanina?"  tanong ko ulit sa kanya habang tumatakbo kami.

"Wala." Matipid niyang sagot.

"Meron, may sinabi ka!" pangungulit ko.

"Wala nga!"

Wala daw. Eh meron talaga siyang sinabi eh.

"MERON!" sigaw ko.

Tumigil siya.

Nagulat ako.

Galit kaya siya?

Bakit bigla siyang tumigil?

Lumakas nanaman yung tibok ng puso ko.

Dumoble pa yata yung lakas ng tibok ng puso ko kesa kanina.

"Bak-

(O_O) ---> (?_?) ---> (O_O)

Hinalikan niya ako.

Hindi lang basta halik.

That was so intimate.

I can't explain how he did it...

Or how I responded.

I don't know, I just felt my lips answering his kisses.

Ang lakas pa rin ng ulan.

but my heart...

it beats louder than the sound of the rain as it falls.

--

Zinderella and the Best (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon